filipino-poetry

in partikopoetry •  5 years ago 

"PANAGINIP LANG"

ako'y matutulog na.
nanabik na makita ka.
saan lagi kang nakatawa.
kailan ako laging masaya.

oras sana'y di pa maubos.
ayoko pang matapos.
pangyayaring dito nararanasan.
di man tunay ang kligayahan.

sandali, wag ka muna umalis.
mamimiss kita ng labis.
ngunit di ko napigilan.
nawala ka at ako'y iyong iniwan.

umaga na pala.
hindi nanaman kita makikita.
hindi mo nanaman ako kilala.
ang bukod tangi kong nagagawa,
ay ang pagmasdan at sulyapan ka.

nakakalungkot pero dito ako masaya.
nagmamahalan tayo kahit ito'y haka-haka.
galing sa isipan ko at mga salita.
ayos lang basta nasa isipan kita.

pipikit nanaman ako.
at ngayon pupunta tayo sa malayo.
ipapasyal kita sa mabulaklak na harden.
ikaw at ako sa ilalim ng mga bituin.

gagawin nating umaga ang gabi.
liliwanag ang mundo basta't ikaw ay katabi.
sabay nating pagsawaan ang ganda ng paligid.
kukulyan natin ito sa ating wagas na pag-ibig.

lahat man ito ay isang imahinasyon.
dito lang ako kahit mapag-iwanan ng panahon.
sa panaginip na tayo lang dalawa.
habang pinapakinggan ang sinasabi mong "mahal kita."

photo is mine
oppo F9

Posted using Partiko Android

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

I wish I could understand the above lanhuage. Sounds amazing

Have a very nice day ahead..

don't worry, I'll make an english post about it and I'll tag you if you don't mind

Posted using Partiko Android

Yeah sure...dont forget to tag me. 😊

Posted using Partiko Android

I won't mind.

Posted using Partiko Android