Wander and Capture , Wander and Draw

in philippines •  7 years ago  (edited)

To Wander and to capture, To wander and to draw


aaaaa.JPG


Please excuse me if i have to write this in my mother tongue, It's the easiest way i can express my sentiments, but I'll translate soon. And for my kababayan, :

Nung binili ko si Canon akala ko papagalitan ako ng magulang ko, pero supportive naman sila, sila din lagi and model ko.
Nakaugalian ko na atang maglagalag kasama sya. Kahit mabigat ang bag ko okay lang, basta makakuha ng photo ng kung anek anek. Gustong gusto ko ang mga tulay at halaman. Pinapasaya nila ako.
Medyo natatakot pa akong kumuha ng picture ng tao kasi baka sabihin nila stalker ako or paparazzi or papansin. pero gusto ng mga pinsan ko so sila muna. One time, sa coastal, may mga naging kaibigan akong bata kasi gusto nilang magpapicture, so, ayun, binigyan nila ako ng tinda nilang candy, LEGIT!
Minsan tinatanong sakin ng mga kaibigan ko, "Buti may time ka pa para sa mga hobby mo". Actually, lahat naman tayo may oras. May mga times lang na sinasayang natin sa idle mode natin. Ang ginagawa ko, kada pauwi ako ng work, nagphophotowalk ako, maswerte na pag walang pasok, nakakagala with family saka special penguin ko, nakakapunta sa iba-ibang lugar. sa art art naman, kada bago matulog nagdodoodle ako haha. pag may commissions, pagkagising, practice din yun. (Nung una pala, nung bumibili ako ng art materials ko medyo nagsasabi si mommy na "sayang naman yan", pero nang lumaon eh hinayaan nya na ako hahahah) . Minsan din pala nagdradrawing ako sa foodcourt.
Naalala ko noon, palagi akong naaamaze sa mga ulap lalo na kapag sunset na, kaso nanghihinayang ako kasi di ko makuhanan nang maayos, buti may nagpahiram sakin ng camera nya. Ayun panay langit at ulap noon ang newsfeed ko.

Hmmm bakit ko sinasabi to?

Lately, tinatamad na akong gumalaw, kahit kumain, magdrawing o pumasok sa trabaho. pero ayun naisip ko, wait! May mga bagay pa akong gustong kuhanan, gustong idrawing. Di pa pwedeng mag-end dito ang buhay ko, bawal tamarin.
Di naman ako suicidal pero may mga ganun akong thoughts minsan. Syempre di ko gagawin kasi mahal nyo ako at mahal ko kayo eh.
Ayun so, kailangan ko pa magpursigi mabuhay, huminga!
Saka kaya ko to ipinost kasi may onlineportfolio na ako ahahha

ACHIEVEMENT

Ayun lang

I love you all <3



toggle night mode to see the stars

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

cool artist work :) i like it

thank you