Tagalog Poem #3 || Kapaligiran Mo Noon At Ngayon #PHILIPPINES

in philippines •  7 years ago 

Tingnan mo ang iyong kapaligiran
Kasing ganda at linis ba ito noong iyong ka panahunan?
Hindi mo na mailarawan ito
Dahil sa mga kabataang tapon doon, tapon dito

Noon, marami pang mga puno sa kagubatan
Ito ay nagbibigay ng preskong hangin at pwedeng masilongan
Nakatutulong din ito sa paghigop ng tubig
Kung may baha mang darating sa daigdig

Ngayon, pinuputol na lamang nila ito
At hindi pinapalitan ng panibago
Naging kalbo na ang ating kagubatan
Ngunit ang mga tao ay nakatunganga lang at hindi inaaksyunan

Ano na ang nangyari sa ating kapaligiran?
Malayong-malayo ito noon na may kagandahan
Nakakalungkot kung paano ito nagbago ng isang iglap
Sana aksyunan na nila ito bago pa mahuli, ang saklap!

Ang kapaligiran natin ay panatilihing malinis
Kasi sabi nila, "Cleanliness is next to Godliness"
Ito ay pag-asa natin para huwag magkasakit
Para sa kinabukasan ng ating mga paslit!


Kapaligiran Mo Noon At Ngayon

by: @abichan
5/2/2018

2017-09-10 06.52.10 1.jpg

RESTEEM || UPVOTE || FOLLOW

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

magaling sis! keep it up.. i wish we can preserve the forest for our future generation

Thank you so much sis!! Sana nga.

Hey there Ohana! You were featured on the #104th edition of Steemitfamilyph's Featured Posts. Congratulations!

This post received a free Upvote. Get your free Upvote NOW! Just follow @upvoteforfree