Namulat ako sa murang edad na anumang naisin ay kailangang paghirapan kahit pa ako ay nag-iisang anak. Hindi ko naranasang bigay-luho sila sa akin.Ako ang unang pamangkin at unang apo sa pamilya. Lumaki ako sa lola at mama ko kasama ng aking dalawang tita at tatlong tito. Bagkus tinuro nila sakin ang tamang pag-iimpok. Kaya naman bata pa ako ay mayroon na akong sariling pasbok sa bangko. Na aking hinuhulugan araw-araw mula sa aking baon at sa samu't saring raket o pagtitinda ko ng kung anu-ano sa aking mga kaeskwula at sa aking mga kalaro sa kapitbahay.
Simula't sapol laging pinangangaral ng aking lola na maski makaluwag-luwag sa buhay, huwag umasam ng sobra at tandaan lagi ang pinanggalingan. Kapag may sobra ipunin at magtabi para sa mas mahahalagang bagay. Sa oras ng kagipitan at pagsubok huwag bumitiw bagkus kumapit sa Panginoong Diyos. Lalong-lalo na sa bawat ginhawa at biyaya, unahin ang pasasalamat sa ating Panginoong Diyos. Sapagkat ang aking lola ay lumaki din sa piling ng kanyang lolo at lola na siyang gumabay at nagturo sa kanya ng mga bagay-bagay upang matutong makipagsapalaran at makaahon sa hirap. Maagang namatay ang aking lolo kaya naman mag-isa ng lola kong nagtaguyod at nagpalaki kina mama, sila ay anim na magkakapatid. Sa pamamagitan ng pagtitinda ng pagkain at ulam sa maliit nitong kainan napag-aral at naagtapos niya sila mama. Isang doktor at nars, dalawang inhinyero, isang nakapagtayo ng tindahan at isang botika.
Naroon ding pinamulat sa akin na sa bawat problema harapin ito at ipagpasalamat dahil biyayang pinagkaloob ito ng Diyos na nagpapakitang mahal na mahal kami ng Diyos.
Gayunpaman hindi nawawala mga suliranin at pagsubok na siyang pumanday sa aming pamilya. Pagsubok na hinarap naming sama-sama. Kagaya ng lola ko, si mama ay mag-iisa niya rin ako pinalaki at itinaguyod sa tulong ng kanyang mga kapatid at lola ko. Hindi madali sapagkat habang nagtitinda si mama kailangan niya ako ihatid, sunduin at samahan sa bawat aktibidades ng aking paaralan. May mga panahong hindi niya ako nasasamahan subalit dahil sinanay akong tumayo sa sarili kong paa, sa murang edad palang kaya ko na alagaan sarili ko. Natuto narin akong umasa sa sarili ko mismo upang magampanan ang mga responsibilidad ko bilang isang anak at bilang isang mag-aaral.
Nakita ko kung gaano nagsakripisyo ang lola ko kila mama at kanyang mga kapatid sa halos araw-araw na kumakayod upang matustusan lahat ng gastusin at mapagtapos sila. Kaya kung wala rin lang pasok sumasama ako sa madaling araw upang makatulong sa lola ko.
Gayundin si mama bawat araw napapagod din siya sa pagtitinda na kung tutuusin ay trabahong panlalaki dahil sa produktong inilalako niya ay para sa mga sasakyan pero hindi ko nakitaan ng panghihina bagkus ay nakaya niya lahat. Ni hindi ko siya nakitang maglamyerda o makihalubilo sa kanyang mga kaibigan o dating kaklase dahil katwiran niya walang magtitinda at magbabantay sa akin. At dahil wala akong ama, si mama na ang tumayong ama at ina sakin, at hanggang ngayon ay tinuturing kong matalik kong kaibigan. Sa kagustuhan niyang maibigay ang mga pangangailangan ko, mabihisan ako ng tama, mapakain ng masasarap, at mapag-aral sa isang pribadong paaralan, kayod kalabaw ng maituturing ang ginagawa ni mama noon.
Napakalaking pasasalamat ko sa pagkakaroon ng istriktang lola at mama isama pa ang aking mga tita at tito sapagkat natuto ako at nakakayanan ang bawat unos na dumarating sa aking buhay may-asawa sa ngayon. Maraming pangaral at alituntunin ang kanilang itinatak sa aking puso at isipan na aking dala-dala sa aking paglakk hanggang sa ngayon. At siya ring aking itinuturo sa aking mga supling upang maging gabay nila sa paglaki at pagharap sa buhay na puno ng problema, pasakit. Subalit pinakikita ko rin sa kanila na laging samahan ng kasiyahan at panalangin ang bawat minutong nilalaan nila sa anumang gawain nila. Pagkakaroon ng respeto sa sarili at ibang tao at nang hindi nang-aagrabyado ng ibang nilalang. Pagmamahal at pakikisama sa ibang tao at sa kalikasan. Higit sa lahat ang gawing sentro ang Panginoong Diyos sa lahat lahat ng gawain, desisyon, panuntunan nila sa buhay.
Napakabait ng lola ko mula noon, napakamatulungin kaya naman sa paglipas ng panahon padami ng padami ang kanyang mga nagiging kaibigan. Dahil sa busilak niyang puso, kung anuman ang tinatamasa namin sa ngayon, lahat binabalik niya sa pamamagitan ng pagtulong, pagsisilbi sa kumunidad. Hindi na rin matatawaran ang mga pagkilala sa kanyang ng bawat sektok ng aming lipunan. Mula sa angkan ng mga mayayamam, pulitiko hanggang sa mga maglalako, mangingisda, sa palengke siya ay kilalang-kilala. Lalong lalo na sa simbahan dahil sa dedikasyon niya sa bokasyong sumapi sa grupo ng mga kababaihang kaanib ng simbahng katoliko. Kaya naman madami ring humihikayat sa kanya noong tumakbo sa pulitika, subalit kagaya ko iisa ang aming bukambibig, nakakatulong ako sa mga nangangailangan kahit hindi ako nakapuwesto o isang pulitiko.
Kaparehas din ng lola ko sobrang bait ng mama ko kaya nga halos lahat ng pinsan ko mama din ang tawag sa kanya. Napakahilig niya kasi sa mga bata. Napakamapagbigay din niya. At napakalaki din ng puso niya sa mga mahihirap dahil galing din kami don noon.
Sa ngayon ang aking lola at mama ay masasabi kong napakaswerte ko. Ngayong may sarili na akong pamilya, sila ay nakagabay at tinutulungan pa rin ako sa abot ng kanilang makakaya. Sa sobrang pagmamahal nila sa aking mga anak, halos busugin na nila sa pagkain, regalo at kung anu ano pa, mabuti na lang at alam din nila na.kailangang limitahan para hindi sila lumaking maluluho. Alam ko gusto lang nilang punan at iparanas sa kanila ang mga bagay na hindi nila naranasan o naatim noong kabataan nila.
Lubos lubos din ang pasasalamat ko dahil sa madaming kamalian ko sa buhay, mga kasalanang yumurak sa aking pagkatao, mga takip matang pagkakamaling ay tinanggap parin nila ako ng buo. Sa una ay galit at pagkamuhi ang bawat araw na dumarating sakin mula sa kanila. Pero naipakita ko naman kung gaano ako nagsisisi sa aking mga nagawang maling desisyon at napatunayan ko rin sa kanilang kaya kong tumayo at makipaglaban sa agos ng buhay at hinarapan ang bawat pangungutya at paninira sa akin ng mga taong makikitid ang utak. Nahihiya ako sa bawat araw na kailangan din nilang pagdaan at harapin ang pangungutyang dapat ay sa akin lamang. Mga pamimintas sa pamilya namin at patungkol na halos sumira sa matibay na samahan namin. Di naglaon naituwid ko at naiayos ang aking buhay sa tulong parin ng aking lola at mama.
Hindi nila ako itinakwil, pinakita lang nila ang mga bagay o pangyayari na sanhi ng aking kasalanan. At natuto naman ako at pinagpapasalamat kong hindi nila ako iniwan.
At bilang isang ina, madaming sakripisyo pa at pagsubok ang aking haharapi, susuongin upang mapangalagaan at mapalaking mabubuting Kristiyano at may pagpapahalaga sa bansa ang aking apat na anak. Bawat isa sa kanila ay ibayong sigla at kasiyahan ang hatid sa akin. Lubos lahat ang sakit at hirap ko sa panganganak sa kanilang apat. Hindi po normal ang panganganak ko kundi cesarian seksyon. Sulit naman dahil napalaki ko silang mabubuting bata at nagtataglay ng katalinuhan. Salamat sa tulong nina lola at mama nakayanan ko lahat.
Kaya kahit hindi araw ng mga ina ay pinapakita ko at pinararamdam sa kanila ang aking pasasalamat at pagmamahal.
Sa aking Lola Elizabeth at Mama Arlene pati narin sa tumayong nanay nanayan ko sina Tita Alta at Tita Lea, at kina Tito Alex, Tito Anthony at Tito Arnold maraming maraming salamat po sa lahat lahat ng pagmamalasakit sa akin, Maligayang Araw ng mga Ina sa inyong lahat. Mahal na mahal ko po kayo. At hindi sapat ang anumang salita o bagay para pasalamatan kayong lahat.
Salamat po sa pagsali @ahleeshia pinagpala din po sila na ikaw ang naging anak at apo nila. Dahil sa iyong pagmamahal sa kanila
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po sa espasyong pinagkaloob nyo sakin upang ibahagi ang istorya ng aming buhay at para magbigay inspirasyon sa lahat ng kababaihan lalong lalo na po sa kagayang kong mga ina.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Isa pong karangalan para sa amin ang maging instrumento na maipahatid ang pagmamahal sa mga simpleng patimpalak na aming naiisip.
Muli kami po ng buong team ng @tagalogtrail ay lubos na nagpapasalamat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mabuhay ang mga Ina sa buong mundo. Salamat sa pagbabahagi @ahleeshia
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat din po sa pagtangkilik
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Daghang salamat po sa lahat ng nag-vote. Thank you so much. God bless you more. Happy moms day to everyone.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit