Hi dearest friends and fellow steemians! Have a great day ahead.
Ngayon po ay magbabahagi nanaman ako sainyo ng bagong putahi na sigurado ay magugustuhan ninyo eto! "Eto ay ang Tokwa't Baboy na may tausi" ang Lutong Bahay. Guys siguro nagtataka kayo kasi lage ko binablog ay puro pagkain? Eto po ang hilig ko at gusto ko din maibahagi sainyo kung anu meron ako nalalaman tungkol sa pagluluto. Pero ngayon guys bago ko kayo paglulutuan magkukwento muna ako sa inyo kung saan ba ako natotoo magluto?
Edad 15 anyos ako nun nag-aaral pa ako nang 3rd year high school nang magpasya ako magtrabaho sa aming city at dun po sa naga city hindi ko natapos ang pag-aaral ko nun kasi sa hirap nang buhay at nagpasya ako magtrabahong kasambahay para makatulong saaking mga magulang mahirap man para saakin yung ganong sitwasyon pero kinaya ko kasi may pangarap ako sa buhay na maiahon ko sila sa hirap halos lahat nang sahod ko pinapadala ko sa magulang ko para kahit papaanu makatulong saka nilang panggastos sa pang araw araw.
Yung naging Amu ko ay isang taga Zambuangga or isang chabakano subrang bait nya ang binigay nya saaking trabaho ay isang tagaluto sya po ang nagturo saakin panu magluto ng mga ulam na simple pero masasarap. Dahil ang alam ko lang dati lutuin ay puro ginataang gulay kasi dun saamin bihira lang kami magluto nang masarap at si papa lang ang tagaluto namin. Dalawang taon ako naging tagaluto nila saka nila narin ako nag-16 years old. Kaya po eto ngayon nakahiligan kona magluto kahit saan ako pumasok nang pagtatrabaho yun lage ang napupunta saakin ang pagluluto. Sana nagustuhan ninyo ang aking maikling kwento.
Magsimula na nga ako na paglutuan kayo. Sana eto ay kahit konte makadagdag sa kaalaman ninyo sa pagluluto pero po kung alam na ninyo etong luto na eto ok lang po para sa iba nalang na hindi pa nasusubukan magluto nang ganito. Natoto naman ako nang pagluto nang ganito sa asawa ko mahilig din sya magluto. Start na po tayo. Simple lang mga gagamitin nating ingredients sigurado meron kayo nang mga eto.
Kailangan bago magluluto yung tokwa na friend na at yung baboy na pakuluan na para tuloy tuloy ang pagluluto.
Eto po ang aking Tokwa't Baboy na may Tausi!π
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Liempo hiwain ng tamang liit
10 piraso ng Tokwa hiwain ng pa cubes
3 Kutsarang Tausi
1 pirasong Sibuyas na pulang hiniwa pang gisa
4 pirasong Bawang dinurog
10 pesos Kenchai
3 pirasong Siling haba
3 kutsaritang Oyster sauce
1/2 kutsaritang asin
3 kutsaritang mantika pangluto
Paminta durog konte lang
Paraan nang Pagluluto:
β’ Una pakuluan muna ang baboy yung asin na kalahati yun na ang ilalagay. Para habang kumukulo maobsorb na sa laman ng baboy yung asin. Antayin hanggang lumanbot ang baboy kung meron natirang sabaw itabi at yun yung ipapangsabaw sa baboy at tokwa after mag gisa.
Habang nagpapalambot nang baboy pwede na isabay ang pagpiprieto ng tokwa. Madali lang prietohin ang tokwa wag masyadong tosta para hindi makunat. Minsan kasi pagtostado ang pagkaprieto ng tokwa makunat na pagmalamig mas maigi na yung konting prieto lang.
β’ Ilagay sa baboy ang mantika at Prietohin nang bahagya bago igisa paghalos medjo golden brown na pwede na igisa ang baboy.
β’ Igisa sa sibuyas at bawang at pakatapos ihalo na ang tausi, paminta, kenchai, oyster sauce, at tokwa haluin lang nang konte at takpan ng ilang minutes.
β’ Ilagay ang sabaw na ibinukod at kung kulang pwede dagdagan nang mainit na tubig hayaang kumulo at maluto.
β’ Ang panghuli ilagay ang siling haba na hiniwa at haluin ng dahan dahan para hindi madurog ang tokwa. Timplahin at kung kulang ang lasa dagdagan ng patis or asin ng konte. Pwede din natin lagyan nag arte gaya nang ginawa ko nolagyan ko nang hiniwang sili sa ibabaw at konteng dahon nang kenchai. Then serve na with mainit na kanin. Happy eating!ππ
Mga kuha kung larawan bago lutuin at habang niluluto ko ang "Tokwa't Baboy" πGamit ang aking smartphone vivoY69π·
Sana po nagustuhan ninyo!
I hope you like it!
Until next time...
Guys bago ko tapusin ang blog ko ngayon Please continue to support @surpassinggoogle us our voting witness!
Write: @steemgigs and others witnesses
https://steemit.com/~witnesses
Maraming salamat guys sa walang sawang pagsuporta sa aking blog!ππ
Thank you so much for always support my blogs.
Nagutom ako hehe...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Lika dito ate meron pa ulam.π
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
masarap yan friend
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po kabayan!π
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
yummy ^_^
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you sis! "Good Morning"π
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit