Tula 20: Para sa mga Buntis / Magiging Ina

in philippines •  7 years ago  (edited)

Logopit_1524045668097.jpg

Pagbubuntis

By: @christyn


Nang malaman na positive sa pregnancy test
Aba sumigaw akong ng malakas, di ko matiis!
Sigaw na puno nang saya't ligaya na ako'y nabuntis
Saya na hindi ko masukat , at ligaya na labis-labis.

Iniisip ko pa lang, na akoy magiging ina na
Na maiduyan ka aking pinakamahal, aking sinta
Masabi kong ikaw ang pinakamagandang biyaya
Na natanggap ko mula sa aking pagkabata.

Sa susunod na buwan, ay lulubo na aking tiyan
Mawawala na ang balingkinitang katawan
Ngunit hindi ako dapat na mag-alala
Kasi di na ako iisa, kasi ikaw ay nandito na.

Sasabihin ko sa tatay mo na nagdadalang tao ako
Tiyak na tatalon iyon, parang sira ang ulo.
Ikaw kasi ang laman ng aming dasal sa araw-araw,
Simula ng kami'y ikasal, walang hiningi kundi ikaw

Magkasama tayo sa masayang siyam na buwan.
Kasarian mo ay gustong-gusto naming malaman,
Babae ka man o lalaki, biyaya ka ng Mahal na Poon
Masisilayan din naman kita sa tamang panahon.

Kaya kapit ka lang aking pinakamamahal na anak
Yaman ka ng aming buhay, sa pag-ibig na payak
Hanggang sa darating ang araw kailan ako iiri
Hindi iindahin ang sakit, aking mahal at pinakatatangi.


Recent Filipino-Poetry

Aking Mga TulaGaling sa Puso
Aakyat ng LigawAko ay Birhen
Ligaya na Hindi TayoBakit Sila Nilikha
Hindi Ako PaasaPusong Serena
Bayaning SundaloAking Tagumpay
Maglaro Ka MunaHayskul Love
Huwag Mong IpilitTuloy Parin
Pag-ibig na Walang HangganMuling Magkasama
Sarado na ang PusoPalayain ang Puso
Kaibigang TunayMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Kung hango man ito sa totoong karanasan o hindi, tunay pong nadama ko ang saya ng akda. Punong puno ang tulang ito ng pag-ibig, ako ay sadyang tinamaan. Kitang kita din po ang ingat at ganda ng bawat bitaw ng salita :)

Ako po si Junjun, pansamantalang humahalili kay Toto. Kung nais nyo pong makigulo sa mga ibang manunulat ng wikang Filipino, sali lang po kayo sa aming "discord channel": https://discord.gg/DjrySR5. Maari nyo rin pong gamitin ang "tag" na #tagalogtrail para sa mga susunod nyo pong akda sa wikang Tagalog.

Maraming salamat po sa inyong mga papuri. Cge po, gagamitin ko ang #tagalogtrail na hashtag sa susunod kong posts.

Loading...

nice poem, ang ganda nmn ng tulang to para sa mga kababaihan =)
Thank you for sharing this with us ..

Walang anuman. Lubos akong nasiyahan sa iyong mga papuri.