Kabataan; Panahong Kay Sarap Balikan

in philippines •  7 years ago  (edited)

Malamig ang Hangin, kulimlim, umaambon ambon. Ang sarap sa pakiramdam, nag aanyaya ang paghilata, ngunit pinili kong maupo at magnilay nilay. Isang tasa ng kape at aking binalikan, mga lumang larawan ng aking kabataan. Hindi kami mayaman, wala akong album ng larawan mula pagsilang hanggang sa unang pag gapang, wala akong madaming litrato para balik balikan. May ilang naitatago at ng Makita ay nagbalik ang mga alala, mga ala-ala, sampu o labing limang taon ang nakalilipas, panahon ng aking kabataan sa Puerto Galera.

Tatlo kaming magkakapatid, ang aking ama ay mangingisda at ang inay ay isang mabuting may bahay. Payak ang aming pamumuhay, kami ay nakatira sa isang simpleng tahanan na puno ng pagmamahal, galak at respeto sa isa’t isa. Sa aming kapaligiran nariyan din lahat mga tiyo, tiya at mga pinsan. Lumaki kami ng sama sama hanggang sa pagtanda nandyan ang pagkakaisa. Heto ang masarap kapag laki sa probinsya, mararanasan mong maging bata, lahat ng kamag-anak tiyak kilala mo pa. Hindi kagaya sa siyudad na kalimitan ay malayo sa kapamilya, walang paglalaro sa lupa, walang maaliwalas na hangin at sariwang isda.

Kapag nainip sa bahay ang takbuhan ay sa aplaya, magtatampisaw sa dagat magpapagulong-gulong sa buhanginan. Ang sarap maging bata masaya at walang bawal, dadagdagan pa ang saya kung ang lahat ay sama-sama. Wala man akong magagarbong laruan, gadget, magandang cellphone o anuman, hindi ko ipagpapalit ang panahong naturang, panahong payak at puno ng galak, panahon ng aking kabataan.*

Naubos ko na ang isang tasang kape, heto pa rin ako at nagninilay, napag isip-isip kong ilang lingo na lamang at ang anak ko ay isisilang. Nais kong kanyang maranasan ang tiwasay na buhay sa probinsya, matikman ang huling isda ng tatay at makilala nya lahat ng kanyang pinag-ugatan. Sa lungsod man kami maninirahan ilalapit ko sya sa aking kabataan, na may saya ng kalayaan, maranasan din nya ang marungisan at gumumong sa damuhan.

Masaya maging bata wag natin ipagkait ang ngiting balang araw ay kanilang maaalala, hindi lamang sa teknolohiya ang kanilang ikasisiya, bigyan natin sila ng ala ala. Hayaan maglaro ng putik at sa lupa ay maglupasay, hayaang tumakbo at hingalin hanggang mangalay, bigyan natin ng panahon na sila ay humalakhak, maglaro ng tagu-taguan at humabol sa saranggola. Ganito ang kabataan, may ala-alang natatandaan, ganito dapat ang kabataan sa pag tanda’y may ngiti sa mga mata.

Thank you for dropping by!
let us all continue voting
@surpassinggoogle as proxy for witness or by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Masarap sa probinsya, simple lang ang pamumuhay pero hindi nakakatakot ska sariwa ang hangin hindi tulad dito sa manila.

Very nice photos! Worth to keep moments.

Sarap ang sariwang hangin sa probinsya... sarap balik balikan paggunit ng nakaraang kasiyahan... kape pa nga...😀

Sarap balikan, ang nakaraan.

brother you really doing so good,
please help me to upvote