Magtanim ay ‘di biro

in philippines •  7 years ago 

Karaniwan na sa mga Pilipino ang pagiging mahilig sa pagkain ng gulay, lalo na sa mga nagsilaki sa probinsiya. Mas nasisiyahan tayo na ang ulam sa ating mga hapagkainan ay mga pagkaing masustansiya at sariwa. Kaya naman dito sa gitnang silangan, bagamat malayo sa ating bansa, ay sinisikap pa din ng karamihan sa mga OFW na maghanda ng mga pagkaing nakagisnan na, upang kahit papaano ay maibsan din ang nraramdamang pangungulila.

Sa pagpasok ng taong 2018 ay pinasimulan ng ipatupad ang 5% Value Added Tax o VAT dito sa U.A.E. Dahilan upang tumaas ang halaga ng mga produkto at iba’t ibang pangunahing serbisyo kabilang na ang pagkain gaya ng gulay. Sa isang bansang nasa desyerto, karamihan ng gulay na mabibili ay inangkat sa ibang bansang mas may kakayanang magpatubo nito.

Dahil dito, ilan sa ating mga kababayan dito sa Al Ain, Abu Dhabi ang nagtanim na at nagpalaki ng gulay sa kanilang sariling bakuran upang kahit paano ay makatipid at makakain pa din ng mga pagkain tiyak na sariwa.

Sa mga ilang buwan kung saan taglamig ang klima dito sa U.A.E. ay nagiging akma ang kondisyon upang makapagpatubo ng mga pananim kahit na sa iyong sariling bakuran.

Isa sa mga gulay na maari mong mapatubo dito ay ang talong:
0A51C0D3-C3C5-4A2F-8278-0B4628793502.jpeg

41E5B44A-5AC1-4E1D-B13F-07B6EE3154A3.jpeg

Gayon din ang kalabasa, na hindi lang makakain ang bunga, kundi maging ang bulaklak na siyang itinatalbos at sinasahog sa mga lutuing gaya ng pakbet:

EC600BD2-3596-4CDD-A03D-626E3BB11841.jpeg

1E246556-49A0-4F8F-92D2-252E3E5E6951.jpeg

Bukod pa sa mga pangkaraniwang tanim gaya ng sili, kamatis at malunggay.

Hindi matatawaran ang abilidad ng mga Pilipino. Sa anomang kalagayan sa buhay at kondisyon ng lugar na tinitirhan, nagagawang kaayaaya at mas kahawig ng ating lupang sinilangan. Pang alis ng homesickness, ika nga. Nagagawa pa din nating makakakuha ng kasiyahan sa mga simpleng gawain gaya ng pagtatanim.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

😉😊😋

Wow! Panalo, sarap magpaluto ng gulay na may sabaw mamaya paguwi galing opisina.

  ·  7 years ago (edited)

Paborito ko lahat yan... (^_^)
Tanim ko sa amin...

Wow! Nice! 😁

Wow tagalog na tagalog. It's great that there are still filipinos who find joy in planting. Hehe

Yes! She’s actually a not so old lady from Nueva Ecija. 😊 The photos are from her yard. May pechay pa di ko lang nakunan ng pics.

wow... gusto ko yan... magtanin ay di biro...:)

Magkakain ka ng gulay, kuya Gil! 😁 Thanks po sa support!

This post has received a 33.33 % upvote from @voterunner thanks to: @irmao.dan.

This post has received a 3.33% upvote from @msp-bidbot thanks to: @irmao.dan. Delegate SP to this public bot and get paid daily: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP Don't delegate so much that you have less than 50SP left on your account.

This post has received a 1.73 % upvote from @aksdwi thanks to: @irmao.dan.

This post has received a 18.45 % upvote, thanks to: @irmao.dan.

You got upvoted from @adriatik bot! Thank you to you for using our service. We really hope this will hope to promote your quality content!