Si Rosa sa Katauhan ni Emily (Ang Panimulang Kwento)

in philippines •  7 years ago 


mula sa

"Talaga po bang hindi na magbabago ang desisyon ninyo Ginang Calab?", pag-uusisa ng madre na kausap ang ina ni Rosa.

"Mahirap lang po kami at hindi ko na din kayang buhayin ang walo pa niyang kapatid."

"Kung ganon, tanggapin nyo po ang maliit na halagang ito bilang tulong pinansyal."

"Salamat po, Sister", tumayo na ang ina ni Rosa at dali-daling umalis ng kumbento.

Apat na taon pa lamang si Rosa nang kupkupin siya ng Parokya ng San Bienvenido. Mula sa pamumuno ni Bishop Alfonso Soler, itinatag ang Parokya at tumutulong sa mga batang naulila at mga magulang na nagpapa-ampon. Dahil hindi pa sanay na mawalay sa magulang, iyak ng iyak si Rosa nang iwan sa kumbento. Ilang araw din siya hindi umiimik, hindi kumakain at nakakulong lamang sa kwarto. Napansin ng isang pari ang pagiging matamlay niya at ang hindi niya pakikihalubilo sa iba pang mga bata na nasa kumbento. Kaya naman naisipan ng pari na palagi siyang bigyan ng pasalubong. Mga prutas, laruan, libro at mga bagong damit. At dahil doon, naging magaan ang loob niya sa pari. Ito din ang una niyang kinausap at kinaibigan sa loob ng kumbento.

"Father Rey, bakit po ang bait bait nyo sa akin?"

"Upang lumapit ang loob mo sa mga tao dito. Kung walang magtitiyaga sa'yo, walang makakapawi sa lungkot na nararamdaman mo. Napakadami na ng bata dito sa kumbento at hindi lahat ay maaasikaso ng mga madre at mga taga-silbi."

Simula noon ay lagi ng nakadikit si Rosa kay Father Rey. Palagi na din itong sumasama sa mga lakad ng pari.

"Rosa, kailangan mong manatili muna dito sa kumbento. Mawawala ako ng ilang taon dahil kailangan kong pumunta ng Italya para mag-aral ng eksorsismo.", pamamaalam ng pari.

"Hindi po ba ako maaaring sumama sa inyo Father Rey?", tanong ng batang si Rosa.

"Hindi pwede. Importanteng manatili akong naka-pokus sa gagawin ko. At hindi kita maaasikaso habang nasa Italya ako. Inihabilin na kita kay Sister Rowena. Siya muna ang bahala sa'yo habang wala ako."

Isang mahinang hikbi na lamang ang naging tugon ni Rosa. Wala na siyang magagawa kundi ang maiwan sa kumbento. Lumaki siya sa pamumuno ng mga madre. Naging malapit ang loob niya kay sister Rowena at ipinagkatiwala ang lahat dito. Nanilbihan siya sa loob ng kumbento at hindi pumayag na ampunin siya ng mga magulang na naghahanap ng magiging anak. Bumalik sa kumbento si Father Rey sa eksaktong ika-labing-apat na kaarawan ni Rosa.

"Maligayang kaarawan hija. Lumalaki kang maganda at malusog.", pagpupuri ng pari habang sinisipat ang sumisibol na dibdib ng dalagita.

Si Father Rey ay nagtungo sa Italya para mag-aral ng eksorsismo. Hindi ang pagpapalayas sa masasamang espiritu at diablo ang hangarin niya kundi ang kumita ng mas malaki pang pera dahil sa pabuya na ibinibigay ng mga kamag-anak ng biktima na sinaniban. Kinailangan ni Father Rey ng pera dahil gusto niyang makaipon at magamit sa kanyang pagreretiro. Magreretiro na siya dahil hindi na buo ang loob niya na magsilbi sa Simbahan. Nabahiran na ng pamumulitika at pansariling intensyon ang mga plano niya. At naimpluwensiyahan na din siya ng mga naging kaibigan sa Italya kung paano mamuhay nang masagana at magwaldas ng pera. Bumalik ang pari sa kumbento sakay ng mamahaling sasakyan na pagmamay-ari niya. Naipundar niya iyon habang namamalagi siya sa Italya at kumikita ng salapi sa pag-eksorsismo. Kumuha pa ito ng drayber na mauutusan saan man siya magpunta.

"Heto ang regalo ko sa'yo", at iniabot niya ang nakabalot na kahon kay Rosa. Humalik siya sa pisngi nito. Sinasamyo ang natural na amoy nito habang inilalapit ang labi sa leeg ng dalagita.

"Salamat po Father. Na-miss ko po kayo."

"Totoo ba yan hija? Sige, payakap nga.", at hinigpitan niya ang pagkakapulupot ng kanyang mga kamay sa bewang ng dalagita.

Lalong nabighani ang pari sa kagandahan ni Rosa. Maganda ang pagkakahulma ng katawan nito habang dumadaan sa pagdadalaga. Madalas pagmasdan ng pari si Rosa sa kanyang mga gawain sa kumbento. Mula sa paghuhugas ng pinggan, paglalaba hanggang sa paglilinis ng mga silid. Madalas din niyang sinasadya na harangin ito habang nagmamadaling nananakbo, dahilan para matumba ang dalaga at masilayan ng pari ang manipis na telang nagkukubli sa pagkababae nito. Nagkaroon ng obsesyon si Father Rey kay Rosa. Ang batang inaruga at inaamo niya noon, naging pinakatangi sa kanya ngayon.

Edad disi-otso si Rosa nang may naglakas-loob na manligaw sa kanya. Isang sakristan na madalas niyang makita tuwing misa. Ito ang unang beses na nakaradam ng kakaiba si Rosa. Natutuwa siya na parang bata na tumatanggap ng pasalubong kapag nakakadaupang-palad niya ang sakristan. Natuto siyang kiligin at magpakipot. Pero kalaunan, nahulog din ang loob niya sa sakristan. Itinago nila ang kanilang relasyon at patagong nagkikita sa mataas na puno ng balete malapit sa ilog patungong kumbento. Lingid sa kaalaman ng dalawa, nakamanman pala si Father Rey at nag-oobserba.

"Hindi maaaring mapasa'yo ang aking Rosa.", sumisigaw sa utak ng pari. "Akin lang siya! At walang makaka-agaw sa kanya!"

Pinagplanuhan nang masama ni Father Rey ang sakristan. Isinilid ng pari ang nakolektang ikapu sa bag ng sakristan para mapagbintangan itong magnanakaw at hindi na makapagsilbi sa Simbahan. Laking gulat ni Rosa nang mabalitaan na napagbintangang magnanakaw ang katipan. Agad niya itong kinompronta at inalam ang tunay na nangyari. Lalong sumiklab ang galit ng pari nang panigan ni Rosa ang sakristan at ipagtanggol ito.

Lumipas ang araw na lalong nanggigil si Father Rey. Madalas niyang sinusundan ang dalawa sa kanilang tagpuan. Saksi ang mataas na puno ng balete sa pag-iibigan ng dalawa. Nasa aktong malapit na maglapat ang labi ng dalawa nang biglang pumagitna ang pari at lumabas sa pinagtataguan nito.

"Rosa, kaya pala hindi mo na naaasikaso ang mga gawain mo sa kumbento dahil dito sa lalakeng ito.", galit na paninita ng pari.

"Hindi ko naman po napapabayaan ang mga responsibilidad ko.", pagtatanggol niya sa sarili.

"Layuan mo ang lalakeng iyan! Wala ka mapapala dyan!" at kinaladkad na niya si Rosa pabalik ng kumbento.

Pagdating sa kumbento...

"Sister Rowena, bantayan nyo pong mabuti ang batang yan. Nakita ko nakikipagharutan kung kani-kanino. Hindi dapat yan ang matutunan ng isang dalagang lumaki sa kumbento. Malandi!", pagalit na utos ng pari.


mula sa

Ikinwento ni Rosa kay Sister Rowena lahat ng nangyari. Naintindihan naman siya ng madre. Pero nagtataka ang dalawa dahil gayun na lamang ang galit ni Father Rey sa inaasal ni Rosa. Kung tutuusin, napakababaw ng rason para manghimasok ang pari sa buhay pag-ibig ng dalaga.

Natunugan ng pari na makikipagkita na naman si Rosa sa katipan niyang sakristan. Dali-dali niyang tinawag ang drayber na si Diego at nagplano ng gagawing hakbang para matigil na ang dalawa sa relasyon nila.

Inabangan ni Diego ang pagdating ng sakristan. Habang naglalakad ito, bigla na lamang ipinukol ni Diego mula sa likuran ang napakalaking matigas na bato sa ulunan ng sakristan. Bagsak agad ito at nawalan ng malay. Kinaladlad ni Diego ang nakahandusay na katawan papunta sa kotseng minamaneho niya.

Si Rosa naman ay manggagaling sa likuran ng kumbento. Tatawid sa ilog gamit ang de-sagwan na bangka at tatawirin ang kabilang ibayo malapit sa mataas na puno ng balete. Nang makarating siya sa paanan ng puno, ibang tao ang sumalubong sa kanya.

"Nagulat ka ba Rosa? Hindi mo inakala na mas gwapo at mas mahusay humalik ang sasalubong sa iyo.", pananakot ng pari. Nakaamba na ang kanyang mga kamay para dambahin si Rosa.

Sa isang iglap, tinalon ng pari ang katawan ni Rosa. Tumumba sila sa madamong bahagi ng kakahuyan. Mahigpit na hinawakan ang magkabilang kamay ng dalaga. Pilit namang nanlaban ang dalaga. Dinaganan siya ng pari. Lumapat ang mahabang dila nito sa tenga ng dalaga. Tanging sigaw na lang ang naitugon ng dalaga.

"Walang makakarinig sa'yo dito. Akin ka na ngayon Rosa. Akin ka lang!"

Naging marahas ang pag-angkin sa kanya ng pari. Pilit na nanlalaban si Rosa kahit pa matipuno at malakas ang katawan na nakakubabaw sa kanya. Isang malakas na tadyak ang pinakawalan ng dalaga. Sapul ang kaselanan ng pari na ngayon ay namimilipit sa sakit. Tatayo na si Rosa para makatakas subalit nagsalita ang pari.

"Hawak ko ngayon ang buhay ng nobyo mo. Subukan mo pumalag at isang tawag ko lang sa cellphone ko, matinding parusa ang dadanasin niya.", pagbabanta ng pari.

"Wala kaming kasalanan sa inyo Father. Bakit nyo po ginagawa sa amin ito?"

"Ako ang nagpalaki sa'yo. Ako ang namuhunan sa'yo kaya dapat ako lang din ang makinabang sa'yo!"

"Maawa ka sa amin Father. Kasalanan sa Diyos ang ginagawa mo."

Lalong nag-ulol sa galit ang pari dahil sa narinig. "Diyos ba kamo? Eto ang sambahin mo!", at idinuldol ang kanyang harapan sa mukha ng dalaga.

Nabalot ng malakas na sigaw at sunod-sunod na atungal ang katahimikan ng kakahuyan. Dito naganap ang marahas na pagbahid ng dumi sa puri ng dalaga. Wala na siyang nagawa dahil sa pananakot na papatayin ang kanyang katipan. Ipinaubaya na lamang niya ang sarili at tinanggap ang pagkahalimaw ng pari na lumapastangan sa kanyang kahubdan. Isang oras ang pagdurusa na tinanggap niya. Nang matapos ang pari, agad na kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang drayber nito.

"Sige na, iligpit na yan.", utos ng pari.

"Hayup ka talaga! Demonyo ka! Pakawalan mo siya!", panlalaban ni Rosa.

"Bwah hah hah! At anong akala mo sa akin? Tanga?! Magsusumbong pa un kapag pinakawalan ko. Ha ha ha!"

"Kung ganon, ilalantad ko sa publiko ang baho mo, demonyo ka!"

Nagpanting ang tenga ng pari sa narinig. Dinakma ang patalim na nakatago sa bulsa ng pantalon at mabilis na inundayan ng saksak ang dalaga. Bumulwak ang dugo sa dibdib ni Rosa. Nagimbal ang pari sa nagawa.

"Diyos ko! Ano itong nagawa ko? Rosa, Rosa! Rosaaah!", pilit na ginigising ang nakapikit na dalaga.

Sobra siyang nadala sa bugso ng damdamin kaya ang kinikimkim na pagnanasa ay naisakatuparan sa marahas na pamamaraan. Hindi niya inaasahan na siya ang magwawakas sa buhay ng dalaga. Agad niyang kinaladkad ang bangkay ni Rosa, tinalian ng mabibigat na bato sa magkabilang paa at ihinulog ang katawan sa ilog.

Ang hindi alam ng pari, may matang nakamasid sa kanya habang ginagawa ang krimen. Sinundan ni Sister Rowena si Rosa nang gamitin nito ang bangka patawid ng ilog. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagluluray ng pari sa kasariwaan ng dalaga. Agad itong nagmadali para bumalik sa kumbento. Subalit sa kanyang pagtakbo ay nahulog pala ang rosaryo na nakasabit sa kanyang leeg. Nakita ni Father Rey ang rosaryo na nakalapag sa lupa. Agad na nagsuspetsa ang pari kung kanino ang bagay na iyon.

Nakabalik na sa kumbento si Sister Rowena. Humahangos siya na nag-impake ng mga damit. Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya...

"Sino 'yan?"

Wala siyang narinig na tugon. Nilapitan niya ang pinto. Idinikit ang tenga sa kahoy para marinig ang taong nasa labas. Subalit katahimikan lamang ang maririnig mula dito. Dahan-dahan niyang binuksan ang seradura ng pinto at sinilip mula sa nakaawang na bahagi kung sino ang taong nandoon. Wala. Isasara na niya ang pintuan nang may biglang humablot sa kamay niya. Nabitawan niya ang seradura dahil sa labis na pagkagulat at napaatras siya. Dahilan para bumukas ang pintuan at tumambad sa kanyang harapan si Father Rey. Ipiniid ng pari ang pinto. At ini-lock.

"Kamusta Sister?" iginala ng pari ang mga mata sa kabuuan ng kwarto. Nahagip ng paningin niya ang malaking maleta at mga nakabalumbon na damit sa kama. "Mukhang masyado na yatang madilim sa labas para sa pagbyahe mo."

"A-a-ano po bang k-kailangan nyo Father?"

"Itatanong ko lang kung kailan ka huling nagdasal."

"K-k-kanina po sa misa na pang-alas kwatro."

"Ows? Talaga?"

"B-b-bakit nyo po natanong Father?"

"Kung ganon, magdasal ka ulit... gamit ang rosaryo na ito!", at ipinakita niya ang rosaryo na naiwan ng madre sa kakahuyan kanina lang. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng madre gamit ang twalya na naabot niya sa kama at pinulupot ang rosaryo sa leeg. Nagkulay ube nang bahagya ang mukha ng madre. Ilang minuto pa ang binilang at bumagsak sa sahig ang katawan nito. Itinago ni Father Rey ang bangkay ng madre sa ilalim ng hagdan ng kumbento. Sinimento niya ang bahaging iyon ng hagdan para maitago ang bangkay ng madre. Pinalabas niya na umuwi ng probinsya si Sister Rowena at hindi na nakapagpaalam sa mga kapwa madre dahil gabi ito umalis.


mula sa

Tahimik ang buong klase na kumokopya sa isinusulat ng kanilang maestra sa pisara. Malapit na mananghalian kaya nagmamadali ang ibang estudyante sa ika-apat na baitang ng hayskul upang matapos kaagad. Samantala, isang estudyante sa may bandang likuran ang mahinang umuusal ng mga katagang "Pagdudusahan mo ang mga kasalanan mo!" Mahinang bulong subalit malaki ang boses. Nakakapangilabot na ang dalagitang si Emily, sa kanyang maiksi at manipis na pangangatawan ay magkaroon ng kakaibang boses na para bang sa ibang tao nagmumula.

Inuugoy niya ang kahoy na kinauupuan. Ikinakaskas ang lapis sa isang pahina ng kwaderno at sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla na lamang itong tumayo at pinilas ang mga pahina ng libro na nasa kanyang harapan. Nagpakawala ito ng matutunog na halakhak. Isang dumadagundong na ingay na nagpatindig ng balahibo ng kanyang mga kapwa estudyante. Nanlilisik ang mga mata niya. Tumiklop ang mga daliri na parang iminumwestra na mangangalmot. Kunot ang noo at nakabuka ang bibig. Pilit inilalabas ang pangil sa kanyang puti at pantay-pantay na mga ngipin. Hindi kalakasan ang hangin na dala ng sumisirkulong ceiling fan ngunit magulong hinahangin ang kanyang buhok na para bang nadaanan ng mabilis na ipu-ipo. Humakbang siya habang nakaduro sa kanyang maestra. Sinambit niya ang mga katagang "Veniet iudicare vivos et satanas." At matapos muling magpakawala ng isang malutong at matunog na halakhak, bigla na lamang siyang nawalan ng malay at humandusay sa sahig.

At habang nagaganap ang mga tagpong iyon, kitang-kita ng janitor ng paaralan kung paanong sumanib ang isang anino sa batang si Emily. Isang may kataasang babae na nakatalukbong. Kulay ube ang mukha at may nakasabit na rosaryo sa leeg.

"Patawarin mo ako Rosa.", paulit-ulit na inuusal ni Father Rey habang hinihimas ang bakal na rehas na humaharang sa kanyang harapan. Katabi niya ang nag-iisang lalakeng bilanggo na kasama niya sa selda.
Pabulong naman na sinasambit ng lalake ang mga katagang...

sa dalampasigan

naging napakahaba ng sandali

ang isa't-isa ay kapiling

ngunit hindi pa rin masaya

Pinuntahan ng warden ang kulungan ng pari. Sinilip niya din ang lalakeng katabi nito. Medyo madilim sa bahagi ng silid na iyon kung saan nakaupo ang lalake na hindi halos nasisinagan ng araw. Pilit na inaaninag ng warden ang lalake. Laking pagkabigla niya nang makita ang imahe ng isang may kataasang babae na nakatalukbong. Kulay ube ang mukha at may nakasabit na rosaryo sa leeg.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Omg may another twist! Si sister pala ang mumo! Ang ganda nito Jampol! Isa ka talagang tunay na lodi! Walang boring na parts, lahat puno ng tensyon at aksyon! 👍👏

your flattering words almost took mo to a state of Euphoria. naks! nagamit ko din ung Euphoria na yan sa'yo Min-min. 😂
dalawa po sila na mumu. si Sister ung sumanib sa school at sa kulungan tapos si Rosa naman ung sa bahay ni Emily. 😊

Pano nangyari un ... Hahahaha isa pa nga isa pa nga twist! More! More! Kuddos! 🤗😉

hindi ko pala nalagay ung link nung naunang kwento.
https://steemit.com/literaturang-filipino/@johnpd/literaturang-filipino-si-rosa-sa-katauhan-ni-emily
eto po muna bago nyo basahin ung Prologue 😊

  ·  7 years ago (edited)

Nako ang lupit naman ng pagkakasulat dito. At ang karakterisasyon ng pari, talagang nakakapangkulo ng dugo. Pang nobela ang atake at nakakamangha din ang pasecret-message sa dulo. Grabe, lodi talaga.

hindi ko pala nalagay ung link nung naunang kwento.
https://steemit.com/literaturang-filipino/@johnpd/literaturang-filipino-si-rosa-sa-katauhan-ni-emily
eto po muna bago nyo basahin ung Prologue 😊

Haha. Nako medjo nilagtawan ko talaga tong kwento na ito dahil sa sanib story. Patatawarin. Balikan ko bukas ng umaga lol.

takot din po ba kayo sa mga horror @jazzhero katulad ni @tagalogtrail Toto? 😂

Depende at minsan haha. Pero mas malala ata si Toto. Yaman din lamang nauuso ang horror writing, magrequest tayo sa @tagalogtrail ng patimpalak sa horror. Sabi ni Toto, okay lang daw basta walang imahe.

Toto, payag ka ba?

Ganito nag-pa plano talaga kayo na takutin ako palagi dahil alam nyo na gabi ako nag cucurate.

Sige GG lang sa kwento basta walang image at di lalagpas sa 500 words ang lumagpas sa 500 words may pektus.

Game?

@johnpd nag-aamok si Toto dito oh. Pektus daw pag mahaba yung post.

Pektus na agad para di na maka angal si @johnpd sympre pag kaunti ang salita mas maliit lang ang tyansa nya na magbigay detalye sa akda.

Asan na yung mga PM mo na mensahe @johnpd? Inabangan ko yun haha kulang sa rape scenes!

Hindi nakakatakot. Buti nalang talaga nabasa ko ang unang yugto. Grabe si Ate Girl pala talaga ang kontrabida.

nakakalungkot naman. sana walang ganyang pari sa totoong buhay

Hahaha slow clap @johnpd ikaw na talaga! Tama si @chinitacharmer walang boring na parte sa kwento.

nakakataba po ng puso ang mga papuri nyo pinunong @tpkidkai at Min-min @chinitacharmer
lalo tuloy ako ginaganahan na isulat na ang epilogue ng kwento na iyan. 😄

Perfect kwak kwak ang galing lodi na din kita dahil dyan haha ayan ha nag ka time na ko para mabasa yang gawa mo at ang ganda grabe mula umpisa hanggang dulo buti nalang nabasa ko ang una mong gawa kaya mas naintindihan ko tong karugtong

ikaw eh! ayaw mo basahin eh. nyahaha! tulungan mo ako sa epilogue. kailangan ko ng estilo mo sa pagsusulat ng kahalayan. 😂😂😂

Tseee hahha kering keri mo na yan lodi petmalu 😅😅 di muna ko need dyan kasi naku naku baka ano pa malagay ko

ang ganda ng kwento..panalo @johnpd..keep it up

salamat po @yo-mikhael
kung nais nyo rin po magsulat ng kwento sa wikang Filipino, maaari din po.
katulad nina @rodylina, @ailyndelmonte, @juviemaycaluma @julie26 @beyonddisability na ngayon ay sumasali sa mga patimpalak ng Literaturang-Filipino. 😊