Ang WATGB or Women About To Give Birth Program ay isang programa ng Philhealth pra sa mga kababaihan na myembro ng Philhealth sa anumang kategorya na hindi nakapaghulog sa mga nakaraang buwan sa iba’t ibang kadahilanan. Aking ibabahagi ang akong sariling sitwasyon at kung paano ako nakinabang sa napakagandang programang ito ng Philhealth.
Isa akong “private member” ng Philhealth dahil ako ay employed sa isang pribadong kumpanya, mula August 2017 ako ay naka indefinite leave kaya naman walang naipasang kontribusyon ang kumpanya para sa akin, hindi ako kaagad nakapag palit ng voluntary membership upang makapag bayad noong mga nakaraang buwan kaya naman kung ang akong panganganak ay sa darating na Marso 2018, hindi ko makukuha ang kaukulang diskwento mula sa Philhealth na Php19,000 para sa Caesarian Delivery.
Tumawag ako sa Philhealth hotline (02) 441 7442 neto lamang Enero, bukas ang kanilang hotline 24/7. Humingi ako ng payo kung ano ang magandang gawin upang makuha ko ang akong benepisyo bilang isang member. Dahil madaming buwan na ang lumipas hindi ko na maaarinpng bayaran ang Oktubre, Nobyembre at Disyembre ng taong 2017.
Pinapunta ako sa pinakamalapit na Philhealth office upang magpalit ng membership mula private to informal o vulantary membership. Pagkatapos ay ipinaliwanag kong kailangan ko ng WATGB program para sa aking kalagayan, dahil sa hindi na mababayaran pa ang mga nakaraang buwan kinailangan kong magbayad ng Php2,400 para sa Enero-Disyembre 2018, at dahil nagbigay ako ng paunang bayad para sa taong eto, at nagpasa ako ng kopya ng ultrasound aa Philhealth, makukuha ko ang benepisyo ko sa panganganak sa darating na buwan.
Nang matapos kong magbayad siniguro kong dala ko ang mga kakailanganing papeles sa ospital. at eto ang mga sumusunod:
- Member’s Data Record
- Resibo ng pinagbayaran na may tatak na Women About To Give Birth
- Claim Form 1 o
- CSF
- Philhealth ID
ang lahat ng mga ito ay makukuha din sa opisina ng Philhealth
Napakabilis at napaka bait at maasikaso ng mga kawani ng gobyerno sa Philhealth. Isa ito sa magagandang pagbabago ng Pilipinas.
photosource:
https://goo.gl/images/ptP3NJ
https://goo.gl/images/Dm3kZm
https://goo.gl/images/kP16LL
let us all continue voting
@surpassinggoogle as proxy for witness or by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments
super duper, malaking tulong pa ang benepisyo 👍
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
mganda tlg nagamit ko din yung akin sa panganganak ko..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
malaking bagay talaga pagme philhealth sis. kahit wala kang pera kung meron ka nito aasikasuhin ka kaagad sa hospital.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Malaking tulong talaga ang Philhealth. Aside nung nanganak ako, nung sabay nadengue anak ko at si hubby. 300pesos lang ata binayaran ko.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit