Laban Lang Mga Sis! : Kilalanin ang CHERETERA ng Tambayan si Maine aka @chinitacharmer

in philippines •  7 years ago  (edited)


Creative Commons License

Para mas lalo nating makilala ang mga awtor o bahagi ng tambayan ni Toto sa discord ay naisip namin ni Junjun na magkaroon sila ng hiwalay na artikulo at ito ay tatawagin naming Olodi ng Tambayan na kung saan sa mga unang bahagi ay sila ay na nominate ng mga kasamahan sa tambayan

Ngayong Linggo kilalanin natin ang pinaka unang babae na naging OLODI sa Tambayan. Hindi lang siya maganda (paid advertisement po ito) ngunit higit sa lahat siya ay may angking talento sa pagsusulat alam namin na English talaga ang forte niya pero lahat kami ay mas lalong humanga sa kaniya dahil sa kaniyang husay din sa wikang Tagalog. Siya si Maine na hindi jowa ni Alden dahil sa basta censored daw nasa discord namin kung ano ang reason at siya ay mas kilala bilang @chinitacharmer

Pangalan : Charmaine Loise Magalona

Nickname : Maine, Min-Min, Loise, CL

Lugar : Tagum City, Davao del Norte

Impluwensiya sa pagsusulat : Jeffrey Archer, J.K. Rowling, Virginia Woolf, Edgar Allan Poe, Alexandre Dumas (cheret para kunyari maraming kilalang authors). Pero ang totoo, yung mga napapanood kong kakornihan sa K-drama at Hollywood series na for some reasons gustong gusto ko naman! :D

Genre ng sulatin : motivational/inspirational na mga kwento, romance, at detective/action stories (bago ko lang na-diskubre ito sa aking pagkatao haha)

Paboritong kulay : Black (dumilim na kasi mundo ko simula ng mawala siya, cheret lang). Pero black talaga kahit na sabi nila di naman daw color yun.

Paboritong pagkain : Pasta (aglio olio and pesto) at mga pagkaing Muslim gaya ng Chicken Piaparan at Beef Rendang

Paboritong inumin : Kape! Yung matapang, yung kaya akong ipaglaban! (waley, alam ko gasgas na yan)

Paboritong hayop : Yung ex ko? hahaha! Kidding aside, DOG, kasi LOYAL sila, di gaya niya!

Kung magiging hayop ka, ano ito at bakit? : LION, dahil sila ang King of the Jungle at nasa ibabaw sila ng food chain hahaha

Paboritong superhero : Wonderwoman! :)

Paboritong musika : Depende sa mood at sa moment. K-pop (kapag naglilinis ng bahay), alternative rock (kapag nag-tatrabaho), Lana del Rey (kapag umuulan at nagkakape), reggae (kapag masaya lang at walang ginagawa), hugot songs ala Moira (kapag nag-eemote), Latin music (kapag nag eexercise)

Paboritong puntahan kapag summer : Bukid, kahit saan basta may bukid e.g. Sagada

Kung isasapelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap? : Michelle Rodriguez (ma-aksyon ang buhay ko hahaha)

Ano’ng pamagat ng pelikula ng buhay mo?: Min-Min, Ang Babaeng Walang Pahinga (hindi ung kay Rosana ha)

Paboritong flavor ng sorbetes : Rocky Road! :)

Paboritong cartoon character : Ang ika-anim at ika-pitong Hokage si Kakashi Sensei at siyempre si Uzumaki Naruto

Kung makakapunta ka saan mang panig ng mundo, saan ito at bakit? : Japan Japan Japan (solusyon sa kahirapan hahaha)

Pangarap na trabaho : Marami! Ito top 3 ko: (1) Maging isang matalinong detective/agent na expert sa computer, martial arts, driving (kotse, airplane, submarine, helicopter, motor), at paghawak ng baril; (2) maging isang travel/lifestyle host ng isang sikat na TV network gaya ni Drew Arellano (Biyahe ni Drew sa GMA) o Atom Araullo (Adventure Your Way sa AXN); (3) maging magaling at sikat na writer sa Japan (anime) o South Korea (K-drama)... Huling hirit -- maging isang sikat na YouTube Vlogger dahil sobrang yaman nila!

Paboritong libangan : Manood ng TV series (American shows and K-drama)

Magbanggit ng isang bagay na kinaiinisan mo : SINUNGALING!!!

Paboritong puntahan kapag tag-ulan : Coffee shop, sa garden nila (may atip xempre ung table), habang nagkakape at nagsusulat

Pinaka-kakaibang pagkain na natikman : Chicken Piaparan dahil yung sapal ng niyog sinasali sa pagluto, pero eventually naging isa sa mga paboritong dish ko

Magbanggit ng isang normal na bagay na wirdo sa pananaw mo : Matcha!!! Anong nagugustuhan ninyo sa matcha???

Gusto mong matulad ang buhay mo kay : Daenerys Targaryen (gusto kong magkaroon ng tatlong dragon at maka love team si Jon Snow)

Pinakaunang ginagawa mo sa umaga : Maliban sa idilat ang aking mata, nagdadasal ako, at kino-convince ang sarili na "kelangang pumasok sa trabaho kasi di ako rich"

Lugar na pinaka-ayaw mong mapuntahan : Syria, may giyera don eh, pero nakakaawa sila 😭

Paboritong gulay : carrots , pampalinaw ng mata nang makita kong wala na talaga siya

Paboritong prutas: watermelon at pineapple

Magbigay ng isang sitwasyon na kinatatakutan mo : Maloko...ULIT! cheret! :D

Magbigay ng isang bagay na kinaaadikan mo : TV series (pinanood ko ang 4 seasons ng Game of Thrones in just 5 days)

Larangan na gusto mong sumikat : Pagsusulat ng nobela!

Pinaka-ayaw mong trabaho : Maglinis ng CR

Pinakamasakit na salita na kaya mong bitawan : "Mahal kita, pero ayoko na!" Cheret! :D Di ako martyr talaga!

Magbanggit ng isang bagay na pinapangarap mo : YUMAMAN para ma-afford kong mag travel around the world pati sa outerspace

Menasahe sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas : Nasaan na po ang pangako niyong itataas ang sahod ng mga guro?! hahaha

Larangan na masasabi mong hindi mo kaya : Gymnastics, lalo na yung tumatumbling sa ibabaw ng kahoy!

Kung magkakaroon ka ng tindahan, ano ibebenta mo at bakit? : Mga librong ako ang author! Char! Libre lang mangarap :D

Gamit sa makabagong teknolohiya na gusto mong magkaroon : Lahat ng technology na mayroon si Ironman!

**Paboritong iluto : Pasta! :)

Kung mapapadpad ka sa isang isla, magbigay ng isang bagay na kailangang-kailangan mo : Kaya kong kumuha ng tubig at pagkain sa isla (wow haha), kaya computer at Internet nalang

Kung tatakbo ka sa eleksyon, ano ang slogan mo? : "Pag ako niluklok ninyo sa pwesto, bibilis ang aksyon ng serbisyo, makulimlim pa lang suspended na ang klase at trabaho!" -- hiniram ko lang yan sa isa sa mga studyante namin na si Claudio Hinampas na nag guest sa Little Big Shots hahaha

Magbigay ng isang produkto na gusto mong gawan ng patalastas : Pwede bang di product? Gusto kong gawan ng tourism commercial ang Mindanao, especially ang Davao Region

Pambihirang talento na kaya mong gawin : Manood ng TV series nang walang ligo, walang tulog, pero kain ng kain, for 2 straight days

Kinatatakutan na costume kapag halloween : WALA! Horror fanatic ako, sobra! :D

Paksa na pwede mong ituro : Dahil teacher naman ako, marami-rami rin. Basta related lang sa field ko (English Language and Literature) e.g. Oral Communication, Creative Writing, etc

Bansa na nais sakupin : South Korea, para lahat ng Oppa magiging akin din hahaha

Kung magiging superhero ka, anong kapangyarihan ang nais mo? : Mind control at teleportation talaga! Pero gusto ko rin ang Kage Bunshin technique ni Naruto para magawa ko lahat ng gusto ko all at once hahaha

Pangyayari sa nakaraan na gusto mong balikan : Anglo-Saxon history, gusto kong ma-experience ang maging isang "shield-maiden" ng mga Vikings (gaya ni Lagertha)

Award na gustong mapanalunan : Maliban sa Olodi award (kasi nasungkit ko na siya hahaha), National Artist Award for Literature :)

Paboritong suotin : Maluwang na T-shirt at walang bra

Mensahe sa mga nais magsulat:

To all aspiring writers, the only magic to being a successful writer is to start writing! Mahirap talaga yan sa umpisa, pero pag sinimulan mo, magugulat ka na lang na kaya mo pala! Katulad ko, hindi ko inakalang kaya ko palang magsulat sa wikang Filipino (Bisaya kasi ako kaya di bihasa sa sariling wika). Kaya sinong mag-aakalang masusungkit ko pa ang pinapangarap kong Olodi banner! :) Kaya kung may balak kang magsulat umpisahan mo na ngayon! Don't aim for perfection muna kasi walang namang perfect. Trust me, as you go along, you will learn so much about what you can do, what themes you're most comfortable at, and most of all, you will learn so much about yourself. At kapag naumpisahan mo na,

HUWAG KA NANG TUMIGIL SA PAGSUSULAT, DAHIL WALA NAMANG LIMITASYON ANG IMAHINASYON!


Sa mga katulad ko namang nagsusulat na, pero di pa ganun kagaling haha, okay lang yan! Wag kayo susuko, laban lang! Lahat naman ng expert nagsisimula as beginner. Pero kung magpupursige at magiging consistent ka, someday, somehow, people will start to notice and appreciate your work. Naniniwala ako na ang pagiging successful sa anumang larangan ay proportional sa effort na binibigay mo. Kaya magtiwala ka sa kakayahan mo, pero SABAYAN MO RIN NG SIPAG, dahil hindi sapat ang talento lang. Kaya keep writing and keep rocking mga lodi! Malay mo, one day, you're going to be someone's favorite author! :)

P.S. (wag isali sa slam book lol) Sorry Toto at JunJun, nahirapan akong mag tagalog ngayong araw kaya mejo napa-English ako sa message ko lol. Nosebleed na talaga aketch. And I thank you!


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hahaha! 😅😂 Ano ba tong pinagsasabi q dito! Maraming salamat JunJun para sa banner at sa feature, and ToTo and LingLing salamat sa palagiang supporta ninyong tatlo sa akin at sa lahat ng Pilipinong manunulat! Kayo ang totoong Olodi ng Tambayan! 😃

P.S. JunJun gustong gusto ko ang banner!!! The best ka talaga! 😍😍😍


Walang anuman ate Maine! Sulit na sulit po ang paggawa ng banner para sa inyo. Hehe. Wala pa rin akong sariling account kasi wala na kaming SP 😅

This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Congrats on the "olodi" award @chinitacharmer!
And may pa-feature pa ng c-squared 😍

Jazz, nasabi q na sa discord lahat. Hahaha. But again, super thank you. You're d best! 😃

Congrats pu sis Maine. Unang Girl na Olodi. Pangarap ku din pu na mabigyan ng ganyang award. Mejo kamukha ku pu ung nasa banner mo.

Thank u lingling. :)

yung nag-enjoy ako magbasa haha

haha solomot po @beyonddisability! :D

Congrats @chinitacharmer sa award na to. Grabe sobra na akong inggit sa mga banner nyo hahaha.

Paboritong pagkain : Pasta aglio olio

Isa din to sa paborito ko! Spaghetti or ito kahit ano sa dalawa pag pasta.

Solomot TP 😄 Sali ka na kc ulit at ilalaban ka namin hanggang sa huli! Para sa bandera! Hahaha.