Tagalog Banat: Tagisan ng Linyang Hugot at Pickup (may SBD papremyo po!)

in philippines •  7 years ago  (edited)

Isa sa mga tanging abilidad ng Pinoy ay ang tawanan ang mga mabibigat na problema. Tipo bang bagsak na bagsak na pero kaya pa rin magpakwela. Siguro iyong lalim at lawak ng emosyon na ito ang nagpabenta sa mga hugutan, bilang paraan upang tawanan ang masasakit na karanasan.

At hindi lang sa pagka-bitter, syempre panalo rin ang mga Pilipino pag dating sa pagibig. Usong uso satin ang ligawan, ilang dekada ng nakaraa’t magpahanggang ngayon. At sa palagay ko, ang mga pickup na bagsakan ay syang salamin ng kulturang panliligaw na may modernong timpla.

Ako po si Junjun ng TagalogTrail, kasama ang katropang si Toto, na maghahatid ng bagong pakulong sana magiliwan ng mga Pinoy sa Steemit.

Patimpalak ng Hugot at Pickup Lines

Iniimbitahan po namin kayong sumali sa aming bagong patimpalak ng mga Linyang Hugot at Pickup at magkaroon ng pagkakataon na manalo ng SBD. Kaya’t mga katropang Pinoy, ilabas nyo na po ang naitatago nyong hugot, giliw at pakwela sa katawan 😉.

Mukhang di naman po ako mahihirapang magpaliwanag kung ano ang Hugot at Pickup dahil alam na alam na iyan ng lahat ng Pinoy. Pero magiiwan na rin po ako ng pa-sampol mamaya. Ngayong linggo ang tema po ng ating paligsahan ay:

🍔🍝🍰 Pagkain 🍕🍩🍌

Dahil alam naman natin talagang isa pa yan sa mga hilig ng mga Pinoy. Ang Pagkain na tema ay nangangahulugan na dapat ang ilalahok na mga linyang Hugot at Pickup ay mayroong kahit na anong uri ng pagkain.

Ah! Bago makalimutan syempre di basta-bastang linya lang, kailangan may kasamang imahe na parang sa meme challenge hehe.

Mga alintuntunin

  1. Ang Hugot at Pickup ay dapat pasok sa temang ibinigay ngayong linggo: Pagkain.
  2. Ang wikang gagamitin ay dapat nasa Tagalog. Maaring gumamit ng ilang salita na nasa Ingles o lokal na dayalekto, pero dapat ang karamihan ay nasa Tagalog.
  3. Gamitin po ang tag na tagalogbanat sa inyong post.
  4. I-resteem at i-upvote din po ang post na ‘to.
  5. Kailangan po maipasa ang likha sa loob ng 6 na araw matapos malathala ang anunsyong ito.
  6. Ilagay din po sa likha ang inyong Steemit username.

Ilang pang karagdagang paalala

  • Hangga’t maari ay orihinal at bagong mga linya ang inyong ilahok. Ngunit pinapahintulutan rin po ang paggamit ng mga lumang mga linya.
  • Ang imahe na gagamitin ay kailangang may malayang pahintulot upang magamit sa paligsahan (original or free-licensed images only). Isama po sa post ang orihinal na imahe kun sariling kuha o ang url link ng pinanggalingang imahe.
  • Hanggang tatlong likha lamang ang maaring isali - 3 para sa Hugot at 3 din para sa Pickup. Mangyari lang po na pagsamasamahin po sa isang post ang mga Hugot at sa isang post ang mga Pickup para po hindi spammer ang peg. Ang lalampas sa naunang 3 ay hindi na po maisasali sa paligsahan.
  • Sa pagsali sa patimpalak, naunawaan ng mga kalahok na ang mga likha ay malaya at ganap na magagamit ng @tagalogtrail.

Mga Isinasaalang-alang sa Pagpili ng Magwawagi

  • Lalim ng #tagalogbanat at aliw factor (wow factor)
  • Pagka-orihinal ng #tagalogbanat (originality)
  • Malikhaing paggamit ng larawan at teksto (visual impact)
  • Dami ng mga kumento (audience impact)

Mga Papremyo

Pagpapaumanhin po at hindi po ganun kalakihan ang papremyo, pero sana maging masayang paligsahan ito para sa lahat. Pero malugod din namin pong tatanggapin ang anuman donasyong papremyo para sa mga kalahok 😁

Hugot #tagalogbanat

1st: 1.25 SBD
2nd: 0.25 SBD

Pickup #tagalogbanat

1st: 1.25 SBD
2nd: 0.25 SBD

Pa-sampol 😎

Para po maging mas malinaw naghanda po si Toto ng pa-sampol. Ang orihinal na linya ay nanggaling sa makulit (at medyo korni minsan) na isip ni Toto. Ginamit po namin ang https://spark.adobe.com para gawin ang mga likhang #tagalogbanat.

Pasampol na Hugot

Galing ang orihinal na imahe sa pixabay.com


Pasampol na Pickup


Galing ang orihinal na imahe sa pixabay.com

Alam ko pong may mas malupit pa kayong mga #tagalogbanat dyan, kaya sali na po kayo sa aming kauna-unahang tagisan ng mga linyang hugot at pickup!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

With great power, comes great responsibility.

Yown hahaha sabi ng mga tropa sabihan ko daw kayo na sumali. Paging @artgirl @junebride @pinay @stuffcams @nicamblc 😂

Ay Tagalog banat or hugot? Parang magaling ako jan. Charot hahahahaha.

parehas @artgirl. Woohoo laban lang!

Hahaha.

Heheh yes salamat @dyinkfinity sa pagtatawag ng tao. Heheh magiging masaya ito.

nahihirapan ako magtagalog.ahahaha

Wholesome lang ba dapat? Madami akong alam kaso hindi wholesome lol

Hmmm... child friendly muna tayo @twotripleow magagalit si Mama pag hindi wholesome. Pero kung kaya namang i kaunting kiliti sa diwa bakit hindi

Maraming salamat kaibigan sa pag-mungkahi nang nasabing ideya. Ako'y lalahok sa nasabing patimpalak, datapwat ang nasabing patimpalak ay pang-masa o pangkalahatan, ito'y aking bibigyan tugon sa pamamagitan ng hugot at banat patungkol sa mga pagkain. Aking itataas ang bandera ng mga tiga Bulacan.

Nako dinugo kagad ako dun sa comment. Wahaha.. pero asahan namin yang Banat at Hugot na iyan. Masaya kami na maraming makikigulo dahil marami talagang hugotero't hugoterang pinoy.

We must have more power.

ano pong tag ang gagamitin salamat po :-)

Hello po ate @shirleypenalosa!

tagalogbanat po ang gagamitin tapos yung ibang tags kayo na po ang bahala kung ano ang mas naangkop

bago na naman ang aabangan natin ..hugot at pick up contest hahahhaha:)

Abaaa! Hahaha! <3