Tagalog Serye Ika Anim na Hamon - Magbalik Biyaya

in philippines •  6 years ago  (edited)

Sa inspirasyong dala ng mga Steemitserye sisters, narito po at inihahatid sa inyo ng @tagalogtrail ang kauna-unahang tagisan ng kwentong dugtungan ...


Ang tagalog-serye na inaabangan ng mga katambayan ay nagbabalik at sa ngayon ay mas pina exciting pa at pinasaya.

@tagalogtrail bakit Magbalik Biyaya ang pamagat ngayon ng tagalogserye?


  • Simple lamang po, dahil sa ang Tagalogtrail ay nabuo sa pagmamahal ng mga awtor sa wikang Tagalog at nais naming mas ma promote pa ang Steemit.com sa ibang tao naisipan namin na magkaroon ng isang batang magiging parang iskolar ng @tagalogtrail at ang mga sasali sa patimpalak na ito ay nagkasundo na ang SBD reward na matatanggap nila ay ipapadala sa account ni @tagalogtrail at kapag kumpleto na ay ipapadala naman sa account ni @chinitacharmer para ma encash.

Paano ba napili ang naging beneficiary ng proyektong ito?


  • Dahil sa guro si @chinitacharmer, mayroon siyang ideya kung sino ang batang medyo nangangailangan ng tulong sa eskwelahan pagdating sa pinansyal. Sa ngayon ay may sinusuportahan siyang pipi at bingi na estudyante at medyo mahigpit din sa bulsa. Lalo na at ang sweldo ng mga guro ay hindi naman ganoon kalaki. Kaya't para matulungan namin siya ay ang estudyante nya muna ang aming napili.

Magpapatuloy ba ang ganitong proyekto?


  • Sympre naman po! Dahil sa naniniwala po kami sa tambayan na sobrang blessed tayo sa steemit at marapat na kahit isang post ay maglaan kami para sa mga ganitong gawain. Sobra-sobra po kaming nagpapasalamat sa mga tambay dito para sa pagsuporta sa aming mga pa-andar lagi.

Para umpisahan na ang Tagalog-Serye narito po ang Prompt ngayong Linggo:

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter
  • Hero: The Saviour: Karakter na handang magsakripisyo para sa iba Villain:

  • The Dark Lord: makapangyarihan na kalaban na ang kadalasang layon ay sakupin ang mundo

  • Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler tsaka minus points sa buong team)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Rescue

  • Transformation

  • Slavery

Tema ng ika- Anim na Serye
  • Sci-Fi

Hindi tulad sa mga naunang Tagalog-Serye na may pa premyo. Sa ngayon ay wala muna, tanging ang inaasam na personalized na OLODI banner muna ang aming maihahandog sa magiging kampeon at suporta mula sa @c-squared sa kanilang mga post.

Para sa mga sample ng OLODI Banner maari nyong tignan ang mga larawang ito. Mula sa mga naunang OLODI ng tambayan.


Olodi_JV_2.jpg


Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang Pangkat

@romeskie , @cheche016, @jampol, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @oscargabat, @julie26

Ikalawang Pangkat

@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer

Kung nais nyo pong tumulong sa aming munting proyekto maari nyo pong bisitahin ang aming tambayan sa discord

Kami po ni @lingling-ph at @junjun-ph ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik sa paglikha sa wikang Filipino at kung may tanong po kayo nandun din po ang mga tambay minsan sa tambayan na handa kayong tulungan at kulitin. Wala lang sustansya madalas ang usapan nila pag hindi tungkol sa mga akda nila.

Muli ako po si @toto-ph ng @tagalogtrail at isang mapag palang araw po sa lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Maraming salamat toto, junjun, at lingling :) More power!


Wala pong anuman Ohana! Abangan nyo po ang mababangis na kwento ng mga kasali sa Tagalogserye, Malay nyo po isa sa mga iyan ay makatanggap ng munting Curie Vote ulit

Diyos ko po, ako ang magtatapos ng kwento. Paktay na...

Free sched naman ang lahat @jamesanity06 depende na sa usapan ng mga ka team mates mo kung sino ang magtutuloy ng kwento.

ang ganda ng line up
bwahahahaha
kaos wala si madam @chinitacharmer

Opo sobrang ganda, nung kagabi tanda ko andaming nagrereklamo panay OLODI daw ang nasa unang pangkat nyahahah.

Aw' puede po bang Si Pareng @johnpd na lang magtapos ng kwento para sa Unang Pangkat Toto? Baka masira ko ung kwento, hahahaha'...

Nyahahah free sched naman po iyan ate @julie26 kaya chill lang tayo.