TagalogSanaysay: Anunsyo ng mga Nagwagi

in philippines •  7 years ago 

TagalogSanaysay.jpg

Ang banner pong ito ay gawa din po ni Junjun

Isang taos pusong pasasalamat po mula sa amin ni Junjun sa sumali sa aming patimpalak ang #tagalogsanaysay. Lubos po kaming nag-enjoy sa pagbabasa ng inyong mga inilahok na entry para dito.

Isa ito sa pinaka mahirap na patimpalak namin ni Junjun dahil sa hindi kami nagkasundo sa mananalo. Opo nagtatalo din kami at walang may gustong magpatalo.

stick-figure-gif-3.gif

pinagkunan ng gif

Sobrang naging masalimuot ang naging deliberasyon namin na Ininglish nya na ako sa eksplenasyon kung bakit ang pambato nya ang dapat manalo kaya't para naman hindi na magkaroon ng mahabang pagtatalo pa ay minabuti naming magkaroon ng munting kasunduan na hahatiin nalang ang pot money na premyo para sa aming pambato.

Ang orihinal na eskema ng pabuya ay

  • 1.5 SBD para sa mapipili
  • 0.25 naman para sa apat na kasali pa bilang runner up

Ngunit dahil sa tatlo lamang ang sumali ang naging bagong eskema ay

  • 1 SBD para sa aming pambato
  • 0.50 para sa runner up.

Ang nagtabla para sa unang karangalan ay ang likha ni @llivrazav at ni @jennybeans para sa nasabing patimpalak. Ang aking napili para magwagi para dito ay si @llivrazav ngunit si Junjun naman ay si @jennybeans ang napili. Basta masalimuot ang nangyari na nasa puntong muntik nang maghiwalay nang landas kaming dalawa para dito. ( Joke lang po ine-xaggerated ko na ito ng kaunti)





May iba pa po kaming patimpalak kaya't maari pa kayong sumali.

TagalogLogo: Patimpalak ng Paglikha ng Logo at Avatar (15 SBD po na papremyo 😊)

TagalogLogo.jpg

Sa ika 20 ng Mayo na ang deadline nito

Papremyo:

Likhang obraPabuya
Opisyal na Logo7 SBD
2 Abatar na Aming Napili8SBD


TagalogTrail: Kwentong Nanay Isang Patimpalak na Alay sa ating mga Inay
KwentongNanay.jpg

Sa ika 11 ng Mayo na ang deadline nito

Sa mga sumali at balak pa pong sumali maraming maraming salamat po!

Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Muli ako po si Toto kasama ang aking hugoterong pinsan na si Junjun isang mapag-palang araw po at hihintayin namin ang inyong mga ilalahok dito.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

masaya po akonga marinig na hindi kayo tuluyang maghiwalay ng landas ni junjun hehehe. at maraming salamat po sa patimpalak na ito. Nakakalungkot man isipin na kakaunti lang ang sumali. pero alam ko pong dadami ang lalahok sa mga susunod pang patimpalak nyo po. hehehe

Ayos lang yan Liv (ang hirap ng username) kaya liv nalang chill lang kami ni Junjun na. May iba pa kaming pa kontes na pag aawayan este pag tatalunan. 😂

Salamat sa pag suporta sa aming adhikain.

Hahahaha, masaya ako't kayo ay muling nagkasundo ni Junjun.
Maraming salamat din sa patimpalak na kagaya nito 😀😀
Medyo mahirap ang paksang inyong napili Toto kaya marahil ay kaunti lang ang lumahok pero alam kong dadami yan pagdating ng panahon char 😀😀

Ganun talaga @jennybeans panay pahirap kami lagi 😂 kaya ayos lang iyan.

Sali ka din sa ibang patimpalak namin lalo na ang #kwentongnanay at #tagaloglogo.