Ako po si Toto ng TagalogTrail, kasama ang aking pinsan na si Junjun, na maghahatid ng isang bagong patimpalak na naman na pinamagatang TagalogSanaysay.
Mga Alintuntunin
Ang #tagalogsanaysay ay isang munting paligsahan ng pagsulat.
Tuwing buwan ng Wika sa aming eskwelahan ay mayroong mga ganitong patimpalak. "Essay Writing Contest" sa Ingles ang kaniyang tawag na kung saan ipapahayag ng manunulat ang kanyang saloobin o kuro-kuro sa isang paksa na napili.
- Isang entry lamang ang maaring ipasok ng kalahok para sa nasabing patimpalak
- Ang sanaysay ay dapat nasa 300-500 na salita lamang.
- Huwag pong kalimutan ang tag na #tagalogsanaysay
- Ang palugit po ay hanggang a-7 ng Mayo sa ganap na ika alas dose ng tanghali. Ang lahat ng hindi na makakahabol ay hindi na maisasama sa bilang ngunit,subalit, datapwat kung ito ay sadyang napakaganda at mahusay na nalikha ay maaring mapasama sa arawang "featured post"
- Maari ring gumamit ng larawan para mas mabigyang diin ang inyong punto para sa sanaysay.
- Dapat po ay orihinal ang akda at hindi nakopya sa internet.
- May tema o tanong bawat linggo na magkakaroon ng ganitong patimpalak para sa linggong ito ang aming napiling PAKSA ay ang:
Sang ayon ka ba sa pag gamit ng Baybayin bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat sa ating bansa?
Nitong nakaraang mga araw ay nagkaroon ng isang panukalang batas na naglalayon na gawing pangunahing pamamaraan ng pagsulat ang baybayin para sa lahat ng nailimbag na bagay. Mula sa mga peryodiko, libro atbp ay dapat mayroong translation na kaakibat nito ito ay ang House Bill 1022 o ang National Writing System Act. Para sa kumpletong detalye maari mong basahin ang pdf file na ito baybayin - House of Representatives
Ano nga ba ang Baybayin?
Ang Baybayin ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa nakarating sa kapuluan ang mga dayong Kastila - https://tl.wikipedia.org/wiki/Baybayin
Pamantayan ng Paghuhusga.
- Pagiging Orihinal - 30%
- Estilo o Presentasyon - 10%
- Kaugnayan ng ideya sa paksa - 30%
- Kalinawan ng mensahe - 30%
Ang magwawagi ay makakatanggap ng 1.5 SBD at ang ibang mapipili bilang "runner-up" ay makakatanggap ng 0.25 SBD
Sa mga kalahok ngayong linggo, naway maging paraan po ito para mas mabigyang pansin ang pagsusulat din ng sanaysay dito sa steemit.com. Napatunayan na po natin na may kakayahan tayong magdala ng mga mambabasa sa ibat-ibang dimensyon at mundo.Ngayon naman ang hamon sa linggong ito ay mas palawigin pa ang pag-gamit ng Wikang Tagalog sa pagpapahayag ng mga ideya at kuro-kuro sa mga bagay na napapanahon.
Maari pong gamitin ng mga kalahok ang imahe sa taas sa inyong mga post.
Kung nais nyo pong maipagpatuloy ang ganitong mga gawain at patimpalak ay maari nyo po kaming kontakin para sa pag-iisponsor sa mga gawain.
Kung ngayon nyo palang po nabasa ang gawain ng @tagalogtrail maari nyo pong bisitahin ang mga link sa ibaba para malaman ang aming mga pinagkakaabalahan.
Lingguhang Ulat ng Tagalog Trail : Abril 29, 2018
At opo minsanan Nag-Eenglish din po kami ay mali si Junjun lang po pala narito po ang kaniyang munting report para dito at abiso sa wikang Ingles
Tagalog Trail: Updates and Delegation Rewards (Apr 29, 2018)
Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord
Nais ko sanang sasali sa patimpalak nito pero baka mabubusy na ako sa pangampanya ko sa eleksyon huhu
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha ayun lang makakasali ka parin naman. Maiksi lang naman ang kailangang salita @jenel sali ka pag may pagkakataon dahil sa Mayo 7 ang katapusan ng palugit.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahaha sige e try ko lang toto hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maganda itong paksang napili nyo Toto... Napapanahon ☺☺
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Heheh salamat @jennybeans at least hindi horror. Hahaha mas maganda na magpalitan ng kuro-kuro sa mga napapanahong issue at konektado parin sa aming munting kampanya.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Npakaganda ng patimpalak na ito..sana ako ay mkaabot sa deadline.😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Aabot po iyan! Medyo matagal pa naman po ang palugit.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
https://steemit.com/tagalogsanaysay/@llivrazav/baybayin-bilang-pangunahing-pamamaraan-ng-pagsulat-sa-pilipinas-or-sanaysay
Meron po akong nagawang sanaysay patungkol sa paksa, kahapon ko lamang po iton ginawa. Pero ang ganda ng paksa, kaya ako ay agad na gumawa matapos basahin ang post na ito. hehehs
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Woohoo yehey! Salamat @llivrazav
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
walang anuman po, at salamat sa imbitasyon, aabangan ko pa ang ibang nga paksa sa susunid na mga linggo hehehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ito po ang aking entry @tagalogtrail
https://steemit.com/tagalogsanaysay/@beyonddisability/tagalogsanaysay-sang-ayon-ka-ba-sa-pag-gamit-ng-baybayin-bilang-pangunahing-pamamaraan-ng-pagsulat-sa-ating-bansa
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit