Habang lumuluha ang ating reyna ay siyang labas naman ng kanyang prinsipe at nagwika.
Inang reyna batek ka naiyak?
Ah wala mahal na prinsipe, napuwing lang ang reyna.
Ganun po ba sige po, nga pala nagugutom na ako ano po ang pagkain?
May kung anong kumukurot sa dibdib nya habang nagtatanong ang kaniyang prinsipe. Wala siyang maisagot ang sana'y magiging ulam nila na mahiwagang isdang kinulong sa lata ay hindi niya nakuha. Tanging habag ang kaniyang nadama ng mga oras na iyon.
Mahal na prinsipe naroon na ang mga puting butil. Malalambot na iyon at pwede nang kainin. Ingat lamang at may kainitan ito.
Salamat aking ina! Ano po ang lahok nito?
Kumuha ka nalang sa ating munting sisidlan diyan. May maalat na munting bato diyan, budburan mo nalang ang puting butil. Kung nagsasawa ka na ay may itim na likido dyan na nakalagay sa munting lalagyan ibuhos mo nalang iyun. Kaunti lamang ang ilagay mo at masyadong maalat iyon.
Ito po bang may pangalang Silver Swan ang inyong tinutukoy na itim na likido ina?
Oo ayan nga.
Kahit papaano ay nairaos na nila ang almusal. Naghanda na rin sa pagpasok ang prinsipe sa paaralan na di kalayuan kaya't ang ating reyna ay naiwan nang mag-isa.
Nagpalit na siya ng damit, isang mahabang may manggas at sinuot na ang sumbrerong binigay ng mga makapangyarihang diyos ng Lupa na may nakalagay na mahihiwagang salita "Vote Cura Coat for Mayor"
Nilisan nya na ang kanilang kastilyo at nilibot muli ang kanilang munting nasasakupan. Gamit ang sisidlan na hiningi sa tindahan ng mangkukulam pinulot nya ang mga nagkalat na ginto, pilak at kahit tanso na nasa paligid. Para din marinig ng kaniyang nasasakupan ang kaniyang pagdating siya umusal ng mga salitang
Bote! Dyaryo! Lata! Nabili ako ng bote! dyaryo at garapa
Naulinigan ng iba ang boses ng mahal na reyna. Ang mga pangkaraniwang tao, mga mayayaman ay agad lumabas para ipalit ang kanilang kalakal sa mahal na reyna.
Lubos na kasiyahan ang kaniyang natanggap at nagpasalamat sa kaniyang nasasakupan. Mayroon na siya kahit papaanong pambili ng puting butil at kahit papaano ay makakapagbawas narin sa mahiwagang papel ng mangkukulam. Magsusulong siya kahit siguro mga sampung baryang pilak.
Inabot siya ng hapon sa paglilibot sa kaniyang nasasakupan at nakapag-uwi narin ng kanilang kakainin pagdating ng gabi.
Kakarating lang ng mahal na hari, pagod na pagod din dahil sa pagtatrabaho. Ang dalawa ay hindi parin nagpapansinan dala ng komosyon na naganap noong umaga.Ngunit hindi talaga nila matiis ang bawat isa kaya't sa huli'y nag-usap rin.
Kamusta ang araw mo aking reyna?
Ayos naman, nilibot ko ang kaharian at nakihalubilo sa madlang ating nasasakupan. Ikaw?
Eto ayos lang din! Nakakapagod makipagdigma sa init ng araw at sa mabibigat na gamit. Pero para naman ito sa ating kaharian kaya ayos lang. Pasensya ka na pala kung akala mo ay sumisigaw ako kanina.
A iyon ba hayaan nalang natin iyon. May iniisip lang ako ng mga oras na iyon.
Ano naman ang iniisip mo,?
Wala lang mahal na hari. Tara na kain na tayo.
Ang lalim ng tagalog mo, magaling, magaling ka talaga gusto ko ang mga salitang iyong ginamit @tpkidkai!😄👍
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahah salamat @leahlei sa support lugaw na talaga.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Isang katotohanan ng payak nating pamumuhay. Sadt.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Tama tama. Pinaarte lang ng bahagya pero payak talaga ang buhay nila.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
My good friend!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hey there Lizzie!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit