Hindi Mo Lang Alam - Ilkalawang Bahagi

in philippines •  7 years ago 

Ang nakaraan...

Tinignan nya ang balde na kung saan naroon ang bigas, wala na pala halos itong laman. Tinakal nalang siya ang natitirang bigas sa lumang lata ng gatas at sinumulan na ang pagsasaing.



Pagkatapos nito ay lumabas na ang reyna sa kaniyang palasyo. Kailangan niyang makahanap ng magiging almusal niya at ng kaniyang prinsipe.

barong.jpg

Pinagkunan ng larawan

Sa kaniyang paglalakad sa asplatong kalsada na kahit kailan ay hindi parin matapos tapos sa pagawa, siya ay napansin ng duke.

Ang dukeng namamahala sa lupain na kung saan siya naglalakad sa ngayon. Oo nga't reyna siya ngunit ang kanilang kaharian ay hindi kasing lawak ng sa duke.

Isang matamis na ngiti ang binungad ng duke sa kanya at sinabing.

Magandang umaga aking reyna! Saan ka pupunta ngayon?

Wala ka nang pake!

Pag-ismid nito at dali-daling paglakad palayo.

Ngunit hindi nagpatalo ang duke, napansin nya na medyo magulo ang buhok ng reyna at halatang hindi pa ito naliligo.

Mukha yatang napabayaan ka ng iyong hari. Ang iyong mga buhok ay hindi na kasing ayos ng ikaw ay isang prinsesa. Anyare?

Pang-iinis nito

Wag kang manghimasok ng buhay ng may buhay duke. Kaya hindi kita sinagot dahil may pagka pakielamero ka talaga.

Matapos nito ay hindi na siya sumabat pa at binagtas ang tindahan ng mangkukulam.

Dito makikita ang ibat-ibang klaseng paninda, mula sa itlog ng butiki. Kinulong na isda sa lata. Mga butil ng palay na binayo at kung anu-ano pa.

O mahal na reyna ano na naman ang maipaglilingkod ko sa iyo?

Bati ng mangkukulam.

Mababakas sa kaniyang mukha na inis sya sa pagdating ng ating reyna. Naka-kunot ang kaniyang noo at sa kaniyang ngiti ay gusto na nyang paalisin ang reyna.

Matilda, isa ngang isdang kinulong sa lata. Yung may halong dugo mula sa prutas na hinaluan ng pulang pampa-anghang

sabay turo ang latang kulay pula. Nandoon nakasulat ang mga katagang Ligo Sardines

sardines-in-tomato-sauce-ligo-chili.jpg.png

Pinagkunan ng larawan

Gustuhin ko mang iabot sa inyo ang mahiwagang gamit na ito mahal na reyna sa ngayon ay hindi maari.

Inilabas ni Matilda ang kaniyang mahiwagang papel na naglalaman ng mga numero at wikang tanging sila lamang ang nakaka-intindi. Inumpisahan nyang banggitin ang mga nakasulat sa mahiwagang papel at dito ay unti-unting nakaramdam ng panghihina ang ating reyna.

Sa huli'y nagsabi nalang ang ating reyna na siya ay babalik sa tindahan ng mangkukulam kapag nakalikom na sila ng buwis sa kanilang nasasakupan.

Nagtagumpay si Matilda sa kaniyang maitim na plano, nailigtas nya sa pagkalugi ang kaniyang munting tindahan ngunit kailangan niya paring magbantay. Alam niyang sa pagdating ng hari ay hindi na siya makakatanggi dahil minsan isang panahon, siya ay umibig dito ngunit siya rin naman ay nabigo dahil ang pinili ng hari ay ang prinsesang sakdal ng ganda. Samantalang siya ay isang hamak na mangkukulam na bihasa sa pagtutuos at pagbabantay ng munti nilang tindahan.

Iyang Matildang iyan alam ko na hanggang ngayon ay may gusto parin siya sa mahal na hari. Akala niya kahit kailan ay hindi siya magwawagi dahil ako ang pinili.

Nakaabang parin ang duke sa kaniya nakangiti na tila ba alam nyang ang naganap ay naayon sa kaniyang plano.

O ano mahal na reyna mukhang hindi naging maganda ang iyong transaksyon kay Matilda ha.

pang-iinis ng duke.

Tigilan mo nga ako! Kanina ka pa, humanda ka pagdating ng mahal na hari.

E ano naman ang magagawa ng iyong hari aber?

A ammmmm....

Hindi na nakasagot ang reyna tama nga ang sinabi ng duke ano nga ba ang magagawa ng hari? Umiiyak siyang umuwi sa kanilang palasyo, muli tinignan ang salamin at nasabing.

Nagkamali ba ako sa pagpili? Bakit ganito ang nararamdaman ko bakit hindi na ako masaya? Panay pahirap nalang ang dinanas ko. Ang munting kahariang ito ay hindi sapat pakiramdam ko ako'y napabayaan na talaga.




Sa akdang ito, hindi ko ginamit ang mga pangkaraniwang elemento ng aking mga kwento. Oo nga't ito ay isa paring realismo ng buhay ngunti mas ninais kong mas paganahin pa ng bahagya ang diwa ng mambabasa.

Sinet ko lang ang mga eksena sa medyo mala medibal na panahon. Pero sa totoo lang isang pangkaraniwang eksena lang ito sa atin. May isang babae na mangungutang sa tindahan e dahil sa mahaba na ang listahan ng kaniyang utang ayun di na pinautang. Tapos ang ending siya pa ang masama ang loob dun sa inuutangan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Naalala ko noong mga panahong ang mahal naming reyna ang nasa kalagayan ng reyna sa kwento mo. :(
Pero nang dahil sa mangkukulam ay natutunan naming magkakapatid na magkaisa, magdamayan, mahalin at alalahaning lagi ang isa't isa. At higit sa lahat, ang magsumikap na maibalik ang sigla ng aming reyna at hari.

Salamat sa pagbabasa ate @romeskie,
Ang mga pangyayari sa buhay ang magtuturo sa atin ng mga bagay-bagay. Sa naging kaso ninyong magkakapatid mas pinagbuklod kayo ng pagsubok. Medyo degrading talaga yung part na iyan para sa kahit sinong taong patas.
Nangyayari talaga na mahirap ang buhay, kailangan mangutang para magkaroon ng kahit papaano.
Medyo gagawin kong heavy drama ang kwentong ito kung papalarin na maitatawid man ang mga emosyon.

Marami kasing conflict sa buhay na kung saan, akala natin ay ayos lang ang lahat pero pagdating sa dulo ay hindi pala. Kailangan masulusyonan.

Out of the context na ako haha