Magandang araw sa inyong lahat nandito muli ang inyong lingkod @ankarlie upang ibahagi sa inyo ang napakagandang oportunidad ng "cryptocurrency." Kung magbabasa kayo ng "Businesss news" lagi niyo magkikita ang balita ukol sa "cryptocurrency.". Kahit na ang ating pinakamamahal na Manny Pacquiao ay sumali na din sa mga "cryptocurrency." at gagawa siya ng sariling niyang uri ng "cryptocurrency." Nagpapatunay lamang ito na ang "cryptocurrency." ay isang lehitimong uri ng pangkabuhayan.
Ang Steemit mismo na nagbibigay ng oportunidad kumita sa pag-blog ay pinapatakbo ng "cryptocurrency" na tawag ay STEEM. Napatunayan ng Steemit na maaring kumita ng salapi sa pagsusulat lamang at ito ay naging posible dahil sa "cryptocurrency." Ang STEEM ay isa lamang sa libo libong mga "cryptocurrency." Lingid sa kaalaman ng nakakarami libo-libo ang iba't ibang klaseng "cryptocurrency." at lahat ito ay nabibigay ng iba't ibang klase ng oportunidad.
Paano ba magumpisa mag-"cryptocurrecy?" Yan ang laging katanungan ng nakakarami. Madaming paraan para magumpisa subalit sa lahat ng pagkakataon ang lagi kung unang itinatanong ay kung meron na silang crypocurrency "Wallet." Ang malimit kong gamitin sa mga transaksyon ko ang Coins.ph, Abra, Blockchain Wallet, Coinomi Universal Wallet, Metamask o myetherwallet at STEEMIT internal wallet. Mahalaga na meron tayong wallet dahil dito natin iniimbak ang mga naiipon nating iba't ibang crypto na natatanggap natin. Mahalaga din na ang mga "Wallet" nating ginagamit ay lehitimo at malakas ang siguridad.
Isa-isahin natin ang mga uri ng mga "Wallet" na nabangit. Una ang Coins.ph. Ito ay isang "smartphone application" o "website" na kung saan naiimbak ang inyong salapi. Isipin lamang itong "online savings bank." Isa ito sa pinaka una at talamak "cryptocurrency wallet" sa Pilipinas. Ang wallet na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa mga gumagamit nito ng paraan upang maipagpalit ang Bitcoin at Ethereum sa Peso. Gamit ang wallet na ito at internet maaring ipagpallit ang Bitcoin at Ethereum sa Peso upang maipadala patungo sa banko, "remittance centers," "ATM" at ibang serbisyong pinansyal tulad ng Gcash. Isa ito sa pangunahing wallet na kailangan kung kayo ay maguumpisa mag-"cryptocurrency." Nagbibigay din ang wallet na ito ng kakayahan sa gumagamit na bumili ng BItcoin o Ethereum. Sa katunayan niyan gamit ang Coins.ph maari kayong bumili ng Bitcoin sa 711 kung nanaisin, ito ay mahahambing sa pag-"load" ng inyong smart or globe telecome service.
Sa mga indibidwal naman na hindi nais gumamit ng Coins.ph maari din mag-"download" ng Abra na tulad ng ng Coins.ph na isang "smartphone application" na kung saan pwede niyo itago ang inyong bitcoin at cryptocurrency. Bagamat limitado lamang ang mga paraan nito sa pag "transfer" ng inyong mga cryptocurrency talo naman nito ang Coins.ph sa dami ng mga cryptocurrency na sinusopporthan. Ginagamit ko ang Abra bilang isang alternatibong wallet sa Coins.ph.
Ang isa ko pang wallet na malimit gamitin ay ang Blockchain.info. Ito ay isa sa pinakarespitadong cryptocurrency wallet sa buong mundo. Tulad ng Coins.ph at Abra ito ay may "Smartphone application" at "website" kung saan pwede natin itong ma-"access" at gumawa ng mga transaksyon. Tatlong cryptocurrency ang kasalokuyang sinusupportahan nito Bitcoin, Ethereum at Bitcoin Cash. Maiihambing ito sa isang "offsore account" na kung saan pwede niyo maitago ang inyog mga "cryptocurrencies. " Ang kagandahan nito ay hindi ito saklaw ng anumang "regulatory agency" ng Pilipinas hindi halintulad sa Abra at Coins.ph na kung saan na may mga limitasyon at requirements.
Kung ikukumpara sa dalawang nasabing wallets na naka base sa Pilipinas ang halaga ng pag-transfer ng mga cryptocurrencies ay masmababa dahil kahit hindi sabihin ng Abra at Coins.ph sila ay mga negosyo na may kaakibat na gastos sa kani-kanilang operasyon at TAX ng gobyerno ng Pilipinas at lahat ng gastusing iyan ay ipinapasa sa mga nagamit nito. May limitasyon din ang paggamit ng Coins.ph at Abra. Kung hindi ako nagkakamali ang Coins.ph ay may limitasyon na PHP 400,000 sa isang buwan at ang Abra naman ay PHP 100,000 kada araw. Anumang higit sa mga nasabing halaga ay maaring ma-"suspend" ang inyong account at kailangang makipagugnayan sa kani-kanilang himpilan upang ipaliwanag kung saan nanggaling ang salapi mula dito.
Ang susunod na wallet na malimit kong gamitin ay ang Coinomi. Itunuring itong "universal wallet" kung saan halos lahat ng cryptocurrency na nasa mercado ay sinusupporthan nito. Gamit ko ito sa pagiipon ng iba't ibang cryptocurrency na hindi sinusupportahan ng mga wallet na nasabi ko sa itaas. Dito pwede iimbak ang iba't ibang "cryptocurrency" na naiipon niyo sa mga ibang uri ng pagiipon ng cryptocurrencies.
Mahalaga ang wallet na ito dahil upang maging matanggumpay sa cryptocurrencies kalangan hindi limitado sa iisang cryptocurrenciy ang anting iniipon. Hindi natin alam kung anung cryptocurrency ang pweding biglaan tumaas ang halaga. Mabutihing magipon ng ibat ibang klase nito at mabibigyan kayo ng masmataas na possibilidad na maging matagumpay dito. Liban pa dito may kakayahan ang Coinomi na mai- "backup" ang inyong wallet upang ma-"export" ito sa ibang wallet na may kakayahan nito. Lahat ng wallet na nasabi sabi sa itaas ay walang kakayahang nito. Meron din itong kakayahan na patunayan na ang wallet na gamit niyo ay inyong pag mamayari sa pamamagitan ng "signing and verification wallet function" na hindi din nakikita sa mga nasabing mga wallets. Ang mga "Functions" na to ay mahalaga sa pagiipon ng cryptocurrencies lalo na sa mga "Activiities" na tawag ay "Airdrops" at "Forking."
Huwag magtaka kung ano ang "Airdrops" at "Forking," magsusulat ako ukol sa mga susunod na mga iba't ibang paraan ng pagiimabak ng cryptocurrency na hindi nangangailangan ng puhunan sa aking mga susunod na artikulo.
Ang susunod na wallet na nais ko ibahagi sa inyo ay ang MetaMask at MyEtherwallet. Iisa lang ang sinusupportahan ng wallet na ito Ethereum. Mahalaga ang wallet na to dahil dito ako nagiiambak ng mga cryptocurrencies na mga "tokens." Sa mundo ng mga cryptocurrencies meron tinatawag na coins at tokens. Huwag muna nating pausapan kung ano ang pinagkaiba ng Coins at Tokens. Isipin lang na ito ay mga categoria ng cryptocurrencies. Ang importante na alam natin na tulad ng Coins ang Tokens ay may halaga at maaring ipag palit sa serbisyo o produkto sa wikang ingles "a medium of exchange" tulad ng salapi.
Dahil sa kakayahan ng Ethereum na tinatawag na "Smart Contracts function" mayroon ito kakayahan na gumawa ng "Tokens" bagong mga cryptocurrencies na nakabase sa Ethereum. Ang tawag sa mga tokens na ito ay mga "ERC20 tokens". Ihalintulad na lamang ito na parang isang "gift certificate" na ang ERC20 tokens ay "Gift certificate" at ang Peso naginamit na pambili ng gift certificate ay ang Ethereum. Samakatuwid, bagamat ang MetaMask at Myetherwallet ay para sa Ethereum lamang madami itong mga tokens na pwede hawakan. Mahalaga ang wallet na ito dahil karamihan sa mga bagong tokens na nilalabas ngayon ay mga ERC20 tokens. Ang kagandahan nito iisang wallet address lamang ang inyong kailangang gamitin at "automatic" na ilalagay ng Ethereum wallet sa kinauukilang lagayan ang mga ERC20 tokens ito.
Ang huling wallet na nais kong ibagahi sa inyo ay ang internat wallet ng STEEMIT. Marahil halos lahat ng steemian ay alam ito at hindi na nangangailangan ng ipaliwanag ng husto. Ngunit ang artikulong ito ay hindi isinulat para lamang sa mga steemians kaya't minabuti kong ipaliwanag ang internal wallet ng STEEMIT. Ang internal wallet ng STEEMIT ay isang klase ng cryptocurrency wallet na nabibilang sa kategoryang "Hot Wallets" o mga wallet na "online." Kinakailangan ng internet connection upang magkaroon tayo ng "access" dito.
Dalawa ang wallet ng mayroon sa STEEMIT, ang Steem backed dollars wallet (SBD) at ang STEEM wallet. Parehas itong cryptocurrencies at may kanya kanyang "Function" ang bawat isa. Ang SBD ay ginawa upang maging isang cryptocurrency ng STEEM na ang halaga ay KATAMBAS lagi ng "US dollars." Ang STEEM naman ay ang tunay na cryptocurrency na dapat na nais nating tumaas. Huwag muna nating pagusapan kung bakit ganito ang kanilang disenyo may importanteng pakay ang mga developers ang STEEM kung bakit ito ganito at tatalakayin ko yan sa susunod na artikulo na aking isusulat.
Mahalaga ang wallet na ito dahil naniniwala ako na malaki ang potential ng STEEM. Bukod sa napakagandang oportunidad mayroon sa STEEMIT, ang unang "application" ng STEEM nandiyan ang kapasidad nitong mag-"process" ng mga transaksyon ng mas mabilis at sa mas maliit na halaga kompara sa BItcoin at Ethereuem. Napakadali din nitong gamitin at hindi mo kailangang tandaan ang complikadong address ng tulad sa Bitcoin at Ethereum. Darating din ang panahon na magkakaroon din ito ng kapasidad na gumawa ng sariling "tokens" tulad ng Ethereum.
Kailangan natin matutunan ang STEEMIT internal wallet kahit hindi nating balak mag-blog dahil una, ito ay matuturing na napakagandang "investment" na may lehitimong "passive income" na kung gagamitin ng ayos ay isang epektibong pamamaraan ng pag "HODL" o ang pag-"HOLD" ng mga STEEM. Ang pangalawa dahil na din sa bilis at halos libreng "Cost" ng pag transfer ng STEEM ito ay mabisang "cryptocurrency" sa paglipat lipat lipat ng mga "cryptocurrency" sa mga "exchanges" kung saan pweding mag-"arbitrage" ang isang "crypto trader." Ito ay isang mahalagang aktibidades na kung saan naglilipat ng mga cryptocurrencies kung saan pwede nilang magawang paramihin ang halaga ng kanila cryptocurrencies.
Hanggang dito na lamang ang aking artikulo. Sana may natutunan kayo. Kung may katanungan huwag mag atubiling mag-"comment" sa "comment section" ng page na ito. Ito muli ang inyong lingkod na si @ankarlie maligayang pag-"STEEMIT."
Gusto niyo ba matuto ng "cryptocurrency" mag airdrops, faucets, trading, ICO participation at iba pa samali sa aming gropo [steemitpowerupph](https://steemit.com/pilipinas/@steemitpowerupph/sino-ang-steemitpowerupph#).
image source
amazing article :P but didn't understand :P
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Don't worry sister I can make a translation for you I might post it also tom it will be a lot easier in english somehow alwasy reading english text makes me think in the english language not in our native tongue.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Super super ubos talaga Ang bilib ko galing mo mag paliwanag! @ankarlie...Ito Kailangan namin na Senior beginner sa Crypto...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Grabeh noh! Nakakabilib!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
isa na namang akda na tunay na makakatulong sa aking mga katanungan ukol sa crypto currency. dinlamang s akin ngunit sa lahat ng dinpa pamilyar dito. maraming slamat muli bunso @ankarlie. sa dagdag kaalaman na ito. 👏👍❤️❤️❤️
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
worth sharing :) para sa mga nagsisimulang mag crypto. Ayos to mdm ani
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Everyday natututo kami sa mga artikulo mo dear... malaking bagay to... bilang isang baguhan ang alam ko lang ay coins.ph ngaun apam kong madami pa palang options... salamat ng marami neng... 😘😘😘
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thanks dito ading, check ko mga nabanggit mo na wallet :). Then aabangan ko mga susunod mo pang post about cryptocurrency. Para malinawan ko mga gamit nyong terms sa gc..hehe..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
2 beses akong nag try magcreate ng myetherwallet di ko tlaga ma gets..aabangan ko sa susunod nyung blog ang tagalog tutorial panu mag create...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Na search mo na ba ang site?, www.myetherwallet.com
Sundin nyo lng ang guide, actually may mga vlog yan sa YouTube, isave nyo yung KEYSTORE file UTC/json, wallet address nyo at PK or Private Key, yung kayo lng nkka alam, pde nyong iimport yan sa imToken app, pde pdeng sa metamask para safe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
oo na search ko na ang site kaso di kaya idownload ng cp ang wallet address..tapos ask ako kung anung wallet may pinagpipilian ko di naintindihan yung mga type ng wallet tapos pinapainput ang public key b yun di ko alam kung anu ilalagay ko kung saan ko yun kunin..iba kase ang way ng pag create ng MEW wallet sa nkasanayan kung pagcreate..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Bookmark mo lng muna ang site, ako gagawa ng wallet mo but be sure to keep all important details na issend ko sayo at ngddelete kc ako ng mga inbox so totally walang back up copy
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ikaw na ate! Sayang hindi ka nag reporter
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat sa pagshare nito miss @ankarlie. Malaking tulong 'to para sa mga nagsisimula pa lang matututo about sa cryptocurrencies tulad ko. Susubukan ko din gumawa ng account sa mga binanggit mong website o app tulad ng Abra atbp. Currently, Sa coins.ph pa lang ako may account. Thanks ulet, very useful 'tong post. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations my dear another informative blog
Resteemed
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Natawa ak9 kay @jurich60 ..para sa seniors.. great explanation Ani!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit