BAKIT NAMATAY ANG PATING?ANG MAIKLING KWENTO.

in pilipinas •  7 years ago 

ARAW-ARAW ay naglalakad si Perlie patungo sa kanilang paaralan hanggang sa pag uwi nito.
Wala namang reklamo si Perlie kung naglalakad lang siya.

images (1).jpg

Ang natipid niya sa pamasahe ay naibibili niya ng gamit sa mga school projects. Bukod doon ay nakapag-eehersisyo pa siya. Ang totoo ay walang makalaban sa mga kaklase niya sa mahabang lakaran. Praktisado kasi ang mga binti niya araw-araw.

Isa lang talaga ang ayaw ni Perlie sa paglalakad, may daraanan kasi siyang kalye patungo sa paaralan na ang isang bahagi ay ginagawang tapunan ng mga basura. Nainis siya dahil araw-araw ay nasisinghot niya ang mabahong amoy ng mga ito. Upang hindi maamoy ang mga basura ay pinipigil niya ang paghinga. Tumatakbo rin si Perlie ng ubod ng tulin para makalayo agad sa kalyeng iyon.

Paboritong aralin ni Perlie ang science. Minsan ay naging paksa nila ang tungkol sa pating na namatay.
"Hulaan nyo kung bakit namatay ang pating," sabi sa guro nang klaseng iyon na binubuo ng mga batang mag-aaral sa ikalimang baytang.

Walang maisip si Perlie. Nasabi na kasi ng mga kaklase nya ang halos lahat ng dahilan ng maaring ikamatay ng pating. Wala sa loob na nasambit niya ang, "Basura Po." nagtinginan ang mga kaklase kay Perlie. May mga lihim na napahagikhik. Paano nga naman mapapatay ang isang pating ng mga basura? Imposible iyon. Pero gayon nalang ang gulat nila nang magsalita na ang kanilang guro.

"Tama. Basura ang kinamatay ng pating,nakakain siya ng mga basurang plastik bag.itinatapon ang mga iyon mula sa mga pampasaherong barkong nagdaraan sa karagatan." anang guro. Dahil hindi natutunaw ang plastik bag,nabarahan nito ang bituka ng pating.

Hindi makapaniwala ang mga bata sa narinig.
"Madama po pala ang epekto ng plastik bag," sambit ng isang batang lalaki. "totoo iyan. Ang plasrik bag o anumang gawa ng plastic ay nagiging problema kapag naging basura na. Hindi kasi ito natutunaw at hindi rin nabubulok.

Mula noon ay naging maingat na ang mga bata sa pagtatapon ng mga basura nila.

ARAL:

Wag basta basta mag tapon nang basura,alagaan at mahalin natin ang ating kalikasan.. 👍👍

FOLLOW UPVOTE RESTEEM
aviary-image-1502679621117.jpeg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post recieved a vote from @minnowpond. For more information click https://steemit.com/steemit/@minnowpond/boost-your-rewards-with-minnowpond

This post recieved a vote from @minnowpond. For more information click https://steemit.com/steemit/@minnowpond/boost-your-rewards-with-minnowpond