Ang paglalakbay na ito ay pinasimunuan ni @shikika at sinundad naman nina @sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica at @akoaypilipina.
Dahil kami ni @shikika ay nagmula sa iisang bayan at naibahagi na niya ang mga magagandang mga tao, tanawin at lahat ng maipagmamalaki dito, ngayon naman ay iba naman ang ibabahagi ko sa inyo, ang aking paglalakbay sa iba't ibang panig sa dako pa roon kasama ang aking mga minamahal sa buhay.
Sisimulan ko ang aking paglalakbay sa isang hakbang. Sa simula ay dahan-dahan akong naglakad.
Hanggang sa nakasalubong ko sa Basilica Minore Del Sto. Niño De Cebu ang noo'y mahiyain pero magandang dilag na si @shikika.
Tinanong ko kung saan siya patutungo, ang sabi niya ay sa Metropolitan Cebu Cathedral at pagkatapos ay pupunta sa pamilihan ng mga prutas sa Metro Ayala. At nag-atubili agad akong sumama.
.
Hindi namin namalayan ang oras. Kami'y hapong-hapong umuwi sa aming tinutuluyang tahanan at nagpahinga.
Kinabukasan, dahil sa pagod, hindi na sumama si @shikika. Sinulit niya ang araw sa pagpapahinga dahil wala namang pasok sa trabaho nun.
Mag-isa ulit akong naglakbay at binisita ang aking Inang matagal ko ng hindi nakakasama. Niyaya ko siyang kumain sa labas sa isang kainan sa Tacloban City, Leyte at nagkwentuhan ng napakatagal. Nakakasabik masilayan ang kanyang mukha.
Pagkatapos ay sinundo namin ang aking nakababatang kapatid mula sa kanyang eskwelahan sa Leyte Normal University at sabay naming pinuntahan ang aking Ama na noo'y nasa simbahan ng Sto. Niño at matiyagang naghihintay at nagdarasal.
Ipinapanalangin nila na sana ay dumating ang tamang panahon at tamang taong magpapaligaya sa akin habang buhay at magiging kasama ko sa susunod kong paglalakbay sa dako pa roon.
Hindi nagtagal at natupad ang kanilang mga dasal. Natagpuan ko ang taong yon, si @carlo1974, doon sa isa sa mga paborito kong kainan.
Sa di sinasadyang pagkakataon ay nagkasundo kami'ng magsama at sabay na ipagpatuloy ang dako pa roon.
Ang una naming tinunguhan ay ang probinsiya ng Alcoy, Cebu kung saan siya ay nagmula.
Sadyang napakaganda nang lugar na ito. Tahimik, mapayapa, walang pulusyong nakakasira sa kalikasan at sa tao. Ngunit dahil narin sa napakainit na klima ang ibang pananim ay nasira at namatay.
Sa kabila ng nakakalungkot na tanawing ito sa kanilang sinasakang bukid, ay hindi ito nakahadlang sa masaya naming paglalakbay.
At dahil ikinagagalak ng aking puso ang maglakbay sa lugar na ito ay isinama ko ulit si @shikika kasama ang kanyang kapatid na si @bing2. Ito ay sa Narra Park, Alcoy, Cebu.
Nakakalulang pagmasdan ang buong bayan mula sa tuktok. Napakaganda. Nakakawala ng pagod mula sa halos tatlong oras na biyahe ng bus mula sa siyudad ng Cebu.
Pagkatapos ng Narra Park ay nagtungo naman kami sa isa sa ipinagmamalaki nilang baybayin, ang Tingko Beach.
Pagkatapos magtampisaw sa tubig ay pinuntahan namin ang pinakalumang simbahan ng Cebu, ang Boljoon Church sa lungsod mismo ng Boljoon, Cebu,
Hindi kami nagtagal dun kasi inaayos ang simbahan at bawal ang pumasok kaya dumiretso nalang kami sa bayan ng Oslob, Cebu.
Kay ganda ng dagat. Maraming mga turistang lokal at ibayong bansa and nandun. Sa dami ng mga tao ay hindi na namin nasilayan ang mga Butanding at dahil mahal ang bayad at baka hindi na kami makauwi kasi makukulangan ang aming pamasahe, Hehehe.
Sa awa ng Diyos ay nakauwi kami ng matiwasay. Pagod man ay sulit naman ito pagkat baon namin ang napakagandang mga alaala sa aming paglalakbay sa dako pa roon.
Pero teka lang, hindi pa po tapos ang aking paglalakbay. Balikan naman natin muli at ipagpatuloy ang paglalakbay ko kasama ni @carlo1974. Umuwi ako ng Barugo, Leyte kasama siya at doon kami'y nag-isang dibdib sa harap ng aking mga mahal sa buhay.
Pagkalipas ng isang taon ay biniyayaan kami ng isang napakandang regalo mula sa Maykapal, ang aming munting supling.
Ito na ang pagwawakas ng aking paglalakbay kasama si @carlo at pagsisimula ng bagong destinasyon kasama ang aming anak. Sabay-sabay ulit kaming tatlo sa panibagong serye ng paglalakbay, sama-sama saan man makarating, sa hirap at ginhawa, sa dako pa roon!
Maraming Salamat Po sa Pagtitiyagang Pagbasa sa mahaba kong kuwento ng Palalakbay!
Maraming Salamat @shikika sa pag-udyok sa aking gumawa at sa pagiging bahagi ng paglalakbay na ito!
Pinupuri ko rin ang mga malikhain at magandang paggawa nina @sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica at @akoaypilipina!
Sharing my #gratefulvibes story. Join the @gratefulvibes community by @paradise-found.
P.S. support the person who inspires many, Sir Terry @surpassinggoogle by voting @steemgigs as a witness.
Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgigs" in the first search box.
Many thanks Steemians!
Maraming Salamat!
Daghang Salamat!
Damo na Salamat!
MAY FOREVER NGA!
Grabe yung pag lalakbay ng mag-isa tapos may naging ka forever si @ ellechim0816 sana lahat.
Ang layo ng naging lakarin at gala pero habang binabasa ko siya nakangiti ako dahil nakikita ko na sobrang masaya ang naging lakbayin.
Salamat po sa pagbabahagi.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat din sayo @tagalogtrail, lahat tayo ay may itinakdang makakasama sa paglalakbay sa dako pa roon. Hehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
AMEN nalang po! Hahaha sana talaga lahat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
May Forever po @tagalogtrail. Kaya gora lang at wag mawawalan ng pag-asa. Hahaha
Ang sarap sa pakiramdam na ikaw nakangiti sa mahaba ngunit masayang paglalakbay na ibinahagi ni @ellechim0816. 😀
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pasok Rico J, Puno!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahaha tama @tagalogtrail sana lahat dahil nung naglakbay ako sa Sarangani di ako pinalad lols
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Tama @jennybeans sana talaga lahat para naman masabi natin na di tayo "Alon"
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat te @ellechim0816 pinatunayan mo na meron palang forever hahahhahah..at dinala mo kami sa paglalakbay patungo sa dako pa roon..👍😀💞
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha.
Naglalakbay na rin ang ating Forever @yennarido.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Exactly te @shikika hahahhaha😀😀💞
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang ganda ng paglalakbay mo @ellechim0816 at ang gaganda rin ng mga larawang ibinahagi mo lalong-lalo na ang mga simbahang napuntahan nyo... Sana makabisita ako sa Cebu soon at makasama kayo ni @shikika
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat @jennybeans, sana nga makapunta ka dito para sabay-sabay tayo nila @shikika at @yennarido maglakbay sa panibagong serye sa dako pa roon. Hehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You got a 1.44% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!
Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you so much @upmewhale
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat mommy @ellechim0816 sa pagsama sa paglalakbay patungo sa dako pa roon. Ang haba ng ating nilakbay at lalakbayin pa. 😀😘💖
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sa susunod ay kasama na ni baby reese @shikika 😄
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit