KAIBIGANG HANDA KANG DAMAYAN!

in pilipinas •  7 years ago 

Mga sakit na dulot ng pusong salawahan
Tamis ng mga pangakong binitiwan
Na mamahalin ka at pakakasalan
Haggang sa pagtanda ay aalagaan
Boung puso mong pinaniwalaan
At binigay na lahat mapasaya mo lang.

Mga bagay na 'di mo inaasahan
Relasyon niyo'y unti-unting nabahiran
Mga dahilang mahirap paniwalaan
At sa iba mo nalang nalaman
Ang totoong dahilan ay may iba na siyang mahal
Basta ka nalang iniwang luhaan at sugatan.

At sa panahon ng iyong kapighatian
Sa mga pasakit na nararanasan
Diko man kayang lunasan at ibsan
At kahit di sapat na ikaw ay tabihan
Gusto ko lang na iyong maramdaman
Dito lang ako na handa kang damayan.

Hayaan mo lang at ikaw ay sasamahan
Masakit man ang makita kang nasasaktan
Lagi mo lang pakatatandaan
Nandito lang ako bilang kaibigan
Ika'y lagi kong sasamahan sa anumang laban
Anumang pagsubok na dumaan ay handa kitang tulungan.


Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,
at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

- Mga Kawikaan 17:17 MBBTAG

Ang imahe na nasa itaas ay pag-aari ko.

Maraming salamat, hanggang sa muli.

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Ilocano ak, Proud nak.

@jhunbaniqued)

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

I really like the photo :)

hehehe salamat mam

Friendship goals talaga ito, kuya @fherdz. Ako po si Junjun isa sa mga curators ng @tagalogtrail. Panalo ang iyong tulang inspired pa ng bible. Good job po.

Hehehe Maraming salamat sa pagdalaw kabayang @junjun-ph, Pagpalain tayo ng Diyos.

  ·  7 years ago (edited)

OH wow mr. president ang galing..
Sino yng mga model mo?

ikaw ata yan hehehe

Nope, not me!

Done...