Alibughang Kabataan

in pilipinas •  7 years ago  (edited)


Masdan mo ang paligid
ano ang iyong nakikita?
Mga kabataang kilos ay pariwara
Imbis na mag-aral, inuuna pa ang walwal
Matitigas ang ulo, panay suway sa mga pangaral.

Saan man sa lipunan hindi maiiwasan
May munting dalagitang ang tiyan ay bilugan
Kasama ang asawang binatilyo pa kung turingan
Nakakalungkot isipin ang tinahak nilang kapalaran.

Yosi doon at yosi dito, alak doon at alak dito
Kay papayat ng katawan at halatang mga bagito
Hindi ba nila naiisip ang dulot nitong epekto
Kanilang kalusugan para sa kanila ay laro.

Ako'y nakikiusap mga mahal kong kabataan
Huwag ninyong tahakin ang masamang larangan
Huwag nyo ng hintayin ang hagupit ng kabiguan
Sundan nyo ang liwanag, ang daan ng kabutihan.

Photo Credit:
https://www.google.com.ph/search?dcr=0&biw=1350&bih=649&tbm=isch&sa=1&ei=6VNbWuX7OsL_8QXzuo7gDw&q=kabataan+adik&oq=kabataan+adik&gs_l=psy-ab.3...109983.112319.0.112605.10.10.0.0.0.0.226.1347.0j5j2.7.0....0...1c.1.64.psy-ab..3.4.737...0j0i67k1j0i5i30k1j0i8i30k1.0.a_DfNb095B0#imgdii=N4PAj5BsYsEEoM:&imgrc=wbezR32fj4uB5M:

rafal.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Very timely po sir. Para sa mga kabataan ngayon na medyo nalilihis.

salamat master. Tama sana tama si jose rizal kabataan ang pag asa ng bayan.

nice ang astig nito pre, idol. keep it up pre, good luck at more power

Thank you very much sir wagun!

Nakakalungkot nga ang mga ganyang kaganapan

tama po kayo

This post should be spread all over the social media.

salamat po

Very nice. Keep it up.

Thank you :)

Nakakalungkot isipin na nasayang lang yung kinabukasan nila pero di pa naman huli ang lahat kung may tutulong sa mga kabataang napapariwara. Sana mabigyan pansin iyan para mabigyan sila ng tsansang magbago para sa magandang kinabukasan.

Tama po maam sayang mga kinabukasan nila

reality bites. 😥😥😥 sadly this is common with youngsters.

indeed :(

Totoo talaga, most of the teenagers now, ay mga pariwAra na. Nakakalungkot, sila pa naman yung pagasa ng ating bayan.

tama ms. delpha sana ay mabawasan na ang ganan kabataan ngaun sabe nga ni jose rizal dapat angkabataan ang pag asa ng bayan.