Filipino Poetry: Walang Nagwawagi

in pilipinas •  7 years ago 

war-2930223_640.jpg

pixabay

Walang Nagwawagi
Ni: @jennybeans


Nakakabinging ingay ng putukan
Walang tigil na barilan
Bomba rito't bomba riyan
Kailan ba kayo matatauhan?


Parehong may uuwing luhaan
Parehong tropa ang malalagasan
Damay pa pati mga kawawang sibilyan
Na siyang parating naiipit sa digmaan


Iba't-iba ang mga ipinaglalaban
Sing tibay ng bato ang paninindigan
Ngunit maaari bang personal na interes muna'y kalimutan?
Para sa ikabubuti ng ating bayan


Ang bayang Pilipinas ay hindi umuunlad
Kung ang usaping kapayapaan ay di umuusad
Ibon man ay may layang lumipad
Tayo pa kayang tao na rasyonal at nakapaglalakad


Dahil sa digmaan lahat tayo ay apektado
Dahil sa digmaan walang nananalo
Pagkat kapwa Pilipino ang nagtatalo
Ikasasaya ba ng kalooban niyo ito?


Pagiging Pilipino ay gisingin
Mga hinaing ay intindihin
Pagmamahal ang pairalin
Bansa muna ang siyang dapat nating isipin



Libo-libo sa ating mga kababayan ang namamatay nang dahil sa sigalot at digmaan. Swerte ikaw at ako dahil hindi tayo naaapektuhan. Pero paano sila? Paano sila na pagod na sa pakikibaka? Paano sila na unti-unti ng nawawalan ng pag-asa? Paano sila? Kawawa hindi ba? Dahil sa digmaan lahat ay talunan. Pero tama na hindi ko na dudugtungan pa. Ito ay tatapusin ko na sapagkat wala na rin akong maisusulat pa. Chos. Salamat sa inyong pagbabasa. 😂😂😂


U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif

JENNYBEANS-1.gif


Hanggang sa Muli!!!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Tropang Jenny, may account na ako sa wakas! Ako si Junjun, isa sa mga curator ng @tagalogtrail. Ang lakas at solid ng mensahe ng iyong tula. Sana manaig talaga ang pagkaka-unawaan.