Ang pagkakaroon ng isang bansa ng sariling wika ay nagpapakita ng pagkakakilanlan nito at gayun din sa pagsusulat. Ang mga bansang Korea, Japan at Thailand ay ilan lamang sa mga bansang may sariling tekstong ginagamit na kapag nakita mo ay malalaman mo agad kung saan napapabilang ito. Tayong mga Pilipino ay may sariling pamamaraan din ng pagsusulat na ginagamit noon ng ating mga ninuno. Nakilala ito bilang "Baybayin" na nangangahulugang "pagbaybay o to spell". Ang Baybayin ay sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino ngunit unti-unti itong napalitan at nawala dahil sa impluwensiya ng mga unang mananakop ng ating bansa; ang mga Kastila.
Kaya naman muling isinusulong ng ilan sa ating mga mambabatas na gawing pangunahing pamamaraan ng pagsulat ang Baybayin. Nakapaloob sa bill (House Bill 1022) na ito na ang mga logo ng gobyerno, street signs, at mga label ng produkto ay papalitan ng Baybayin at ipasok din ito sa curriculum ng mga paaralan.
Masasabi kong isa itong magandang panukala at sang-ayon ako kung isasabatas ito dahil muli nitong binubuhay ang kahalagahan ng Baybayin sa kultura nating mga Pilipino at isa itong patunay nang ating kasarinlan, hindi lang sa wika kundi maging sa titik din na sana'y hindi tuluyang maibaon sa limot. Panahon na rin upang gisingin ang natutulog na damdamin ng pagka-Pilipino natin pero bago ito tuluyang maging batas ay dapat gawan muna nila ng matibay na pundasyon, gawing moderno o magkaroon ng kaunting rebisyon sa mga letra gaya na lamang ng pagdagdag ng mga hiram na titik (c,f,j,q,r,x,z) upang hindi mahirapan ang mga taong may ganitong letra sa kanilang mga pangalan. At dahil parte na rin ang Pilipinas sa Asian Integration nararapat lang na ayusin muna ito at kailangang pag-aralan ng mabuti lalo pa't isa sa aspeto ng AI ay ang pagiging istandaralisado pero gayunpaman alam kong may mabuting epekto ito. At kung maaaprubahan man at maisasabatas ang panukalang ito ay tiyak kong marami sa atin ang mahihirapan at ramdam ang magiging pagbabago pero sa una lang yan at kalaunan ay makakasanayan na rin natin ito. Marami nga sa ating mga kababayan ang pinag-aaralan ang wika at teksto ng ibang bansa ito pa kaya na sariling atin talaga. Ipakita natin ang pagiging maka-nasyonalismo natin. Para sa pagbabago, char.. 👊👊👊 😀
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit