ANG AKING NILIKHANG TULA

in pilipinas •  7 years ago 

Naghahanap ng makakausap
Mga papel at panulat ang kaharap
Nagsulat nakalikha ng isang taludtod
Hanggang sa naging sunod-sunod

Hindi namalayan nakailang saknong
Ang isip bumubulong at nagtatanong
Bakit ganito, bakit nga ba nagkaganoon
Kapalaran natin bakit nagkaganiyan

Madalas ang isip tumutula
Habang sa kawalan natutulala
Isip rin ang s'yang kumakabisa
Puso't damdamin ang s'yang nagbabasa

Pangarap na minsa'y sumungaw
Akala'y makukuha nang sigaw
Mga pagsubok 'di kayang tawirin
Pangarap 'di rin na nakayanan tuparin

Nakikinig na lamang sa mga ibong humuhuni
Habang sa bintana nagmumuni-muni
Nagsusulat pa rin sa mahinang tinig
Kahit ang sarili na lamang ang nakakarinig

Napapaluha na may halong impit
Sa panulat nanghihina na rin ang kapit
Mga salitang mananatili na lamang nakagapos
Pangarap na na mabilis na rin nagtapos.

32AE4DF4-39D5-4881-BDE5-1330A09A6512.jpeg
imagesource

MABUHAY ANG MGA MAKATANG PILIPINO!!! 👏🏻👏🏻👏🏻

MAGANDANG ARAW SA LAHAT!!!

🌼🌼loverlass🌼🌼

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Source
Plagiarism is the copying & pasting of others work without giving credit to the original author or artist. Plagiarized posts are considered spam.

Spam is discouraged by the community, and may result in action from the cheetah bot.

More information and tips on sharing content.

If you believe this comment is in error, please contact us in #disputes on Discord

Congratulations! Your post has been featured and has received 100% up vote from @bayanihan.
the-spirit-of-communal-unity-bayanihan-24th-philippines-curation-updates

Thank you so much! It's an honor 😊