Sa Saudi, Bakit hindi?steemCreated with Sketch.

in pilipinas •  7 years ago  (edited)

     Siguro magtatanong ka, bakit sa Saudi? Sagot ko, bakit hindi?  kung gusto mo magpayaman, punta ka sa Saudi. Isa sa pinakayamang bansa hindi dahil sa taxes na binabayad ng tao, kundi dahil sa dami ng petrolyo (oil) na nasa ilalim ng lupa neto. In short, wala kang babayarang kalahati ng sahod mo, walang kaltas, buo ang sahod mong lalapag s kamay mo.  Pero kung itatanong ninyo kung mayaman na ako, sagot ko “hindi pa”. Mas mayaman pa yata ako sa experience eh.


             Kung mahina ang loob mo, kung hindi ka sanay mag isa, kung maikli ang pasensya mo, huwag mo na subukang pumunta dito. Pagbaba mo pa lang ng eroplano, culture shock agad mga bes. Lahat ng babae nakaitim, takip ang mukha. Naisip ko tuloy paano nakilala ng bata ang nanay nila, lahat sila parehas itsura, mata lang nakikita. Bawal makipag usap sa mga lalake sa mga public places, kelangan nkatakip ang buhok (given n un kahit s pinas basta Muslim), bawal ang makapal na make ups kundi hahabulin ka na ng “mutawa”(religious police). Sa Saudi pinapahalagahan nila ung religion nila kaya napkadaming restrictions, as in RESTRICTIONS.  Isa sa bagay na sa Saudi mo lang makikita ay yung Limang beses na pagtigil ng mundo sa isang araw,hehehe, Iniisip nyo siguro kung paano. Limang beses sila nagdadasal sa isang araw at sa oras na yun, titigil lahat, sarado lahat. Kaya kung uhaw na uhaw ka sa 50 degrees na temp dito, di ka makakabili ng tubig sa kahit saang tindahan sa oras ng dasal nila, tiisin mo na lang, 30 minutes lang naman sila sarado.Bawal din maglakad ang babae ng mag isa sa kalsada, bigla na lang may titigil sa sasakyan sa harap mo at pagkakamalan kang prostitute.(kaya tiis ka sa itlog kung wala k kasamang mamalengke)


           Ilan lang yan sa mga bagay na sa Saudi mo lang makikita, mararanasan. Pero lahat naman ng bansa may pros and cons. Hindi ako namomroblema sa pamasahe at traffic papasok sa trabaho at pauwi sa accommodation ko. Sagot lahat ng employer ko kasama ang upa s bahay, kuryente at tubig. Dito, kahit nakalimutan mo dalhin ang wallet mo, di ka magugutom at siguradong makakauwi ka pa ring buo s bahay mo. Isang bagay lang siguro ang sobrang mahihirapan ako ay iyong kapag wala akong internet. Internet is life dito, kahit walang bigas basta may data,lol. Kaya kung ibabalik  yung tanong kung bakit Saudi? Bakit nga ba hindi diba? Masaya dito kapag wala kang ginagawang masama at sinusunod mo lahat ng bawal dito..

Disclaimer: image taken by Lyn Abercrombie

https://www.britannica.com/place/Arabian-Desert

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Masyadong mapanganib ngayon saan man sulok ng mundo kapatid. Kaya dobleng ingat. Love you.

Ikaw..kelan ka susunod @bowiemagbag
Baka mauna pa si Mai.