Maganda araw ni rizal mga ka steemians

in pilipinas •  7 years ago  (edited)

A84E8071-D130-4EDD-9F8D-0FC35F361511-448-00000059AE2B4AC2.jpeg

Sa araw na ito, napag-isip isip ba nating mga Pilipino kung bakit holiday ang araw na ito? Ano nga ba ang kahalagahan ng december 30 sa buhay nating mga Pilipino?

Sa araw na ito, ipagdiwang natin ang kabayanihan ni Rizal at higit sa lahat ay isabuhay ang kanyang pangarap para sa ating mga Pilipino.

Si Doctor Jose Rizal noong December 30 1896 siya ay binaril ng mga sundalong kastila sa Bagumbayan At magmula sa araw na ito ay nabago na ang takbo ng kasaysayan ng pilipinas. Pinakita nya na hindi nakukuha sa kulay ng balat ang kagalingan ng isang tao. Pinagtanggol niya ang ma Pilipino sa kanyang sanaysay na La Indolencia de los Filipinos. Ipinamukha nya sa mga Pilipino ang kanilang kamalian sa pamamagitan ng kanyang nobelang Noli Me Tangere. Ipinakita nya ang mga pang aabuso ng mga Kastila sa lahing kayumanggi sa pamamagitan ng Noli at El Filibusterismo. At ipinamalas nya din ang kanyang pagmamahal sa inang bayan sa pamamagitan ng kanyang huling pahimakas, ang Ultimo Adios.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://warlockp.wordpress.com/2010/12/30/araw-ni-rizal/