BAKIT IKAW AT BAKIT AKO?

in pilipinas •  7 years ago  (edited)

IMG_6226.JPG

Ngumiti ka mula sa malayo. Napatingin ako. Tinititigan nalang kita ng matagal. Patuloy ka ding ngumiti na tila ako din ang tinititigan mo. Sa mga sandaling yon tumigil ang mundo ko. Ano kaya kung para saakin nalang ang mga ngiti mo? Kung ako nalang yong kinakantahan mo, tinatanaw at hinahanap mo?

Napakaraming tao. Nakikita mo din kaya ako? Nararamdaman mo bang may isang ako dito sa mundo? Oo nga pala iba ang mundo mo sa mundo ko. Sa bawat tanong na mayroon ako, ang sagot ay malabo. Okay na rin 'to.

Nagpatuloy ka sa pagkanta. Habang kumakanta ka, lalo akong sumasaya. Musika'y nagiging mahika. Ngunit sa mundong ito, mahika ay imposible kaya't sa gabing iyon umupo nalang ako sa tabi. Puso'y patuloy kang pinangarap kahit isip ay nagpapanggap.

Makaraan ang ilang oras, napadaan ka at nagngitian tayo. Kinabahan ako. Sa ikalawang tagpo, sinundan ito ng maikling pag uusap, lumapit ka at sabi mo nakakapagod sobra pero masaya ka. Kitang kita ko sa iyong mga mata.Hindi ko alam ang isasagot ko, oo nalang ng oo pero kinakabahan talaga ako.

Kumanta kang muli at sumayaw lalo kitang hinangaan ng makita ko kung pano ka makisama sa ibang tao. Sumasayaw, tumatalon, nakatawa. Sobrang saya mong pagmasdan.

Sinundan ito ng muling pag uusap, tumabi ka saakin at nagbiro. Akala ko'y kaibigan ko ngunit ikaw na pala ang nasa likod ko. Bigla mong hinawakan palad ko at nagpasalamat , tinanong kita ng "bakit?" kahit sa aking isip "bakit ako?" Sabi mo "basta sa lahat".

Bumalik ka sa entablado. Nakiusap sa lahat na ikaw ang sunod na kakanta at hiniram mo ang mikropono. Tumahimik ang lahat nang magsimula kang kumanta.Totoo ba yan? Kinakanta mo yong kanta na nabanggit ko sayo? Sandali, Puso ko'y napupuno ng saya pero hindi maaari. Bakit at bakit ako?

Sa iyong pag alis, ako'y hindi nalulungkot. musika mo'y pakikinggan nalang ulit at baka ikaw ay sakaling bumalik. Magkikita at mag ngingitian pa rin tayo. Alam kong ikaw ay hindi para saakin o kanino man kundi para sa panginoon. Masaya ako.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hala! Anyare bakit ganun? Bakit hindi pwede 😢 magbubuo na ako ng loveteam eh.

Ang ganda nung umpisa tapos... tapos.... tapos.. 😣 😢 😭

Anyhow yung ending talaga ang nagdala kasi mapapatanong ang readers kung bakit ganun ang naganap.

Hehe salamat po sa paglikha sa wikang Filipino! Lubos naming naibigan.

@tagalogtrail thank you so much sa pagtangkilik ng likha ko hehehe nakakainlove talaga sa umpisa. Magpapari kasi yong lalaki sa story. :/ kaya di pwede.

Tsk! Di ko nakuha yung hint dun sa

Alam kong ikaw ay hindi para saakin o kanino man kundi para sa panginoon. Masaya ako.

Akala ko praise and worship singer lang si kuya.

Biglaang katha lang kaya malabo din hint hehehe inspired lang gumawa today ;)

Tuloy lang po kayo sa pagsusulat! Kung may oras ay maaari din po kayong sumali sa mga patimpalak na ito.

"Word Poetry Challenge #2". Tema : "Huling Sayaw" | Tagalog Edition - deadline po ay hanggang 18 ng Mayo 11:59 ng umaga

Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. (Contest#9)

Wowwww! Gusto ko 'to! Sige gagawa ulit ako. Try ko sumali. Maraming salamat dito 😄❤️

Helloooo. Just wanted you to know na ang cute nito! Medj di ko inexpect yung dulo, pero super napapangiti ako throughout. Pati nakakakilig. Haha. Keep it up! ❤

Woww! Thank you @erangvee for the compliments. Hehehe nakangiti din ako habang sinusulat ko 'to. At syempre kinikilig din. ☺️

Loading...