Mga Byaherong Walang Dalang Mapa

in pilipinas •  7 years ago 

Malayo ang nilakbay haggat ikaw ay magkaligaw-ligaw. Marami ang napagtanungan para makita ang daan. Ang iba ay tumingin, ang iba naman ay tumango lamang. May iba naman na gumabay. May mga oras na ikaw ay nanglulupaypay dahil sa pagod, gutom at puyat. Pero hindi mo iyon ininda dahil alam mong ikaw ay may patutunguhan. Hindi madali ang makibaka, lalo na kung wala kang kakilala. May mga araw na gusto mong sumuko dahil pagod ka na. Salamat sa may mga dumaang, naliligaw na byahero na kagaya mo at ikaw ay sinamahan sa iyong paglalakbay.

Mga byaherong wala ding dalang mapa, hindi alam direksyon kaya kayo ay nagtanungan at sinubukan ninyong kumapit sa isat-isa. Wala kang dalang bala kundi lakas ng loob, tyaga at pananampalataya. Kaunting bigas na dala at sapatos na gasgas na. Ang iba ay nagpaiwan na muna para maglibang at magpahinga. Ang iba ay gumamit ng bisikleta para bumilis ang byahe. Ikaw ay umangkas, ang iba naman ay bumaba dahil madaming humihila. Kumaway ka sa kanya sa tuwa at yumakap sa kaibigan mong nauna na. Dalangin mo ang kanyang tagumpay dahil ang tagumpay nya ay magiging tagumpay mo din.

Sa haba ng bako-bakong daan at matalahib na kagubatan, nakakahilo, nakakasugat ang mga sanga na parang kutsilyo kung tumalab. Maraming balakid, maraming malalim na bangin. Ang iba ay gusto kang itulak paibaba, ang iba naman ay gusto kang alalayan. Habang kayo ay nasa gitna ng bundok, ang iba ay natulog, ang iba ay tumuloy sa misyon ang iba naman ay naglahong parang bola. Hindi ka nag alala dahil alam mong ang mga nawala, ang mga nag paiwan sandali ay makikita mo sa ibabaw sa tuktok ng bundok ng tralala at sila ay mas nauna na pala.....

Keep shining everyone.

Gratefulvibes Discord: https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord:https://discord.gg/hdDwXeu
Steem Schools Discord: https://discord.gg/sUKmXC8

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

KAtulad ako ng manlalakbay na. Yan walang mapa dito sa panglalakbay ko sa platform natin pero dahil may ibang manlalakbay n kagaya mo na gumagabay sa akin sigurado mkakarating ako sa tutok ng bunsok ng tralala heheheheh... 😊❤️😘😘

salamat sis, panalo winner ka tumpak! hehe
ako den ay walang mapa sa kagubatan ng steemit
nangangapa ngapa may mga gumabay at tumulong den.
nasa tuktok na tayo ng tralala kahit gaano pa tayo kabagal
dahil hindi kadali makapunta sa bundok ng tralalala kaya enjoyin lang natin ang ating paglalakabay.
Salamat den sis sa suporta.

Hindi ka nag alala dahil alam mong ang mga nawala, ang mga nag paiwan sandali ay makikita mo sa ibabaw sa tuktok ng bundok ng tralala at sila ay mas nauna na pala....

Ibat-iba talaga ang paraan ng mga manlalakbay upang makarating sa patutunguhan ang mga huling mensahe ay parang nag-iiwan din ng katanungan sa ibang mambabasa.

Ano kaya ang ginawa ng iba para sila ay mas mauna sa itaas ng bundok tralala.


Salamat @sunnylife dito sa likha mo. Kung maari ay maari ko bang gamiting ang piyesang ito para sa "Biglaang Kolaborasyon" kong patimpalak.

Gusto kong malaman mula sa ibang steemians na nagsusulat ng wikang Tagalog kung ano ang nasa isip nila at kung paano nauna ang mga nagpahinga agad sa itaas.

salamat @tagalogtrail, maarir mo syang gamitin walang problema.
Salamat sa pagbasa, yong iba lumipad may pakpak pala sila sa gabi hehehe
Palaisipan, maaring may mga angel na dinala sila sa tutok
o maaring hinila sila pataas ng mga nauna na sa tuktok ng hindi namamalayan.
ang leksyon ko dito sa kwento na ito, huwag maghusga kaagad, kaaano man sila kabagal
kung baga kanyang kanyang trip yan hehehe

Salamat ng marami @sunnylife! woohoo may bagong tula o kwento na naman akong mababasa mula sa ating mga steemians gamit ang inyong akda.

salamat ipagpatuloy mo yan at sana nde ka mapagod kakahanap sa tagalog article
saludo ako sayo matyaga ka tlga! MAbuhay ka!!!

Nako maraming salamat po. Ang tanging hangad ko po ay mapagbuklod-buklod ang mga manunulat sa wikang Tagalog. Kasi sobrang gaganda talaga ng mga gawa nila, sayang lang walang masyadong audience.

totoo yan, madami ang gustong magsulat ng tagalog sabi ko sa kanila sige lang sulat ng tagalog
kahit walang audience enjoy lang nila. salamat u let sau at mabuhay ka!

Wala nang mas sasarap pa sa pagtamasa nfg tagumpay mula sa pagod at hirap na tinahak. Hindi pa rin talaga mawawala ang ugali nating mga Pilipino na "never say die".

"May mga oras na ikaw ay nanglulupaypay dahil sa pagod, gutom at puyat. Pero hindi mo iyon ininda dahil alam mong ikaw ay may patutunguhan."

Great post madam! Keep on aiming the highest peak! <3

tama ka dyan madam! Kaya natin yan! gora lang pushhh! hehe
salamat sis.

may nauunang nahuhuli at may nahuhuling nauuna .. true din yan dito sa steemit sis nuh?
weather weather leymang hehe
😘❤️❤️❤️

enjoy lang kahit mahuli lols
lilipad na lang daw nde na maglalakad para makarating agad hehe

My goodness
This is really great photography..wow
Kudos

thanks so much.
how are you?

Some very nice pictures!

thanks a lot
how are you?

Hey @sunnylife i like filipinas, and so good photography.

karamihan sa manlalakbay na walang mapa ay tanging umaasa sa liwanag na kung saan ito ang magsisilbing ilaw sa daan na kanilang tinatahak at kung sumapit man ang gabi ay sandaling magpapahinga at hihintaying muli ang umaga na darating at sa panagalawang pagkakataon ay hindi na sasayangin ang araw na iyon sapagkat kailangan nang matuntun ang paroroonan bago ulit sumapit ang dilim.