Kamusta mga Katropa!
Ako po si Junjun ng @tagalogtrail na pansamantalang maghahatid sa inyo ng mga akda na aming naibigan sa araw na ito. Nag-change shift lang po kami ngayon ni @lingling-ph kaya po nataon na ako ang inyong curator para sa araw ng Huwebes.
Ngayong araw, narito ang mga akdang aming naibigan at nais naming ibahagi sa inyo
Ang Mga Pinto Sa Ating Buhay
#gratefulvibes po talaga ang akda ni ate @sunnylife 😇Ako ay na-inspire ng mabasa ko ang tula. Nakatulong din po ang magagandang larawan para mas mabuksan pa ang aking imahinasyon at diwa. Bukas-sara man ang mga oportunidad sa buhay, wag kalimutan na nasa atin ang susi sa tagumpay: pag-asa at pagsusumikap.
Perks of being one of the boys.. (Tagalog na tula)
Ang ganda ng tula ni @neihy05 na hango sa totoong mga karanasan at obserbasyon. Tama nga naman, bakit isasakripisyo ang iyong pagiging isang indibidwal para lang umayon sa gusto ng ibang tao. Tula at picture pa lang, pakiramdam ko malupit ang crew ni ate @neihy05 pagdating sa hatawan. Sana ay pakitaan kami ng sampol jan 😎
Medyo nabitin po ba kayo? 😅 Dalawa lang pong akda ang naitampok namin ngayong araw, hindi dahil sa dalawa lang ang nagustuhan namin kundi dahil sa napagkasunduan po naming mga curators na medyo iba-ibahin po ang mga manunulat na itatampok sa bawat edisyon. Kaya pinalampas po namin ang ilan sa aming mga suking manunulat.
Ngunit patuloy pa rin naman po kaming naghahasik ng aming $0.03 😂na upvote sa karamihan ng orihinal na akdang-Filipino na aming madaanan.
At bago ko po makalimutan, mayron na naman po kaming magandang balita. Alam naman po natin na sa ating mga Pinoy, naging marka na ng maganda at orihinal na akda ang upvote ng Curie. Kaya lubos po kaming natutuwa na mayroon pong ulit na mga akda sa wikang Filipino ang nabigyan ng Curie upvote. Maliit man ang payout, nakakaproud pa rin 😊
Congrats po sa inyo, mga lodi!
Mga Akdang Nakatanggap ng Curie
Tatlong daan at apatnapu't dalawang pisong dangal mula sa bangketa ni @johnpd
TAGALOG SERVE V: IKA-APAT NA BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT ni @kendallron
Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.
Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.
nyahaha! salamat junjun. natawa lang ako na kapag dinugtong ung pangalan ko sa title nung gawa ko, parang ako na ung may-ari nung bangketa na un. nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
OMG. Salamat kabayan! Hehehe, sampol ba kamo? Sige sa susunod hahaha :p
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit