Ika Animnapu't Tatlong Edisyon ng Tagalog Trail

in pilipinas β€’Β  7 years agoΒ 



🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼
🌼Magandang Araw kahit Tag-ulan!🌼
🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻 Ako po ang masunurin at mabait na si @lingling-ph ng @tagalogtrail na pansamantalang maghahatid sa inyo ng mga akda na aming naibigan sa araw na ito. Ito na po ang aking pangalawang beses na gumawa ng Arawang Edisyon at nagpapasalamat po ako sa mga taong nagbigay ng payo at pangaral upang mapaganda at maayos pa ang aking pagsulat. Special mention po kay kuya @twotripleow at sis @chinitacharmer sa pagtutuwid sa aking pagkakamali. Salamat po sa concern. Napalitan ko na po ng letrang o ang u. Ahihihi! 🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Para sa araw ng Sabado, ika-siyam ng Hunyo, heto na po ang mga akdang aming napili at nais ibahagi sa inyo

Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina


Entry para sa patimpalak na Ika-Anim na Word Poetry Challenge Tagalog Edition. Tunay nga na tumatagos sa puso ang mga salitang binitawan ni @wondersofnature sa kanyang tula. Napaluto ako bigla ng sinigang na baboy na paborito ng aking ina upang mapagsilbihan siya (at makabawi naman dahil sa kakulitan at kalikutan ko). Salamat po sa paalala na dapat nating alagaan sila sa kanilang pagtanda.


Sa Pagpatak ng Ulan

76njdwjwsi.jpg

Mula sa bubungan ni @tpkidkai ay dinala niya ako sa kakaibang mundo. Mundo na kung saan nagpapaalala sa akin sa dating kasintahan na iniwan ko noong tag-ulan. Sobrang relate ako sa mensaheng kanyang ipinarating. (huhubels) Nalulungkot tuloy ako tuwing umuulan.


TULA : Tag-Ulan

fura7x79r0.jpg

Hindi pa rin ako maka-move on sa ulan kaya paksa ulit tungkol sa ulan ang aking ikatlong napili. Dito naman sa tulang ito ay inilalarawan ni @zephalexia ang mga advantages ng ulan at ibang activities na masayang gawin tuwing umuulan. RAMEN plus ULAN equals HAPPY kid!

🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺
🌺Munting Anunsyo🌺
🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺

Ang aming kasamahan sa Tambayan na si @romeskie ay merong munting patimpalak. Sumali at makibahagi sa kanyang selebrasyon ng ika-100th araw sa Steemit. Maaaring mabasa ang mechanics ng kanyang patimpalak sa https://steemit.com/paboritongalaala/@romeskie/100th-day-celebration-or-writing-contest-ang-paborito-kong-alaala

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: Β 
Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Salamat sa pag-plug @lingling-ph! Sali ka rin. :-)

Ate @romeskie, pasensorry wala kasi ako sa Discord, kaya dito ko na lang itanong. Anong class po ang gamit nyo sa Ragnarok dati? πŸ˜‹

Congrats sa pa-feature at sa @c-squared vote!

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Hello @jun-jun-ph! Ngayon lang kita nakausap. :-) Isa akong full support priest sa Ragna. Nanghi-heal at nangwawarp nang libre. May bonus pang blessing, gloria at angelus. Yun nga lang pag nadeds ang mga kakampi ko, tago na ako sa pinanggalingan ko.

Maraming salamat! :-)

Β  Β· Β 7 years agoΒ (edited)

Ay, parehas tayo. Madalas din ako priest o kaya mage. Tapos lagi ako deads. Haha

Pili ka po ng banner; libre pa magpa-revise now pag may request. Tapos may bayad na pong 1 SBD after 3 days 😝 Pede rin po violent reactions.

Olodi_Rome.jpg

Olodi_Rome (2).jpg

Olodi_Rome (3).jpg

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Wow! Ang ganda naman ng priest! Gusto ko yung una. Saktong sakto sa pagka green na favorite ko. Wala akong violent reaction. Di na rin ako magpaparevise bilang ikaw naman ang eksperto sa paggawa ng banner at maganda ang gawa mo. Idol! Haha

Salamat Junjun! :-)

Dapat vit type ka para di madeds agad. Haha.

Β  Β· Β 7 years agoΒ (edited)

Naka max-int ako palage. Ewan ko ba kung bakit haha 😝
Ah yun green pala sa unang banner. Wait edit ko lang ulit haha.

Maatapos ang ilang minuto

Eto na talaga un final banner hehe.
Olodi_Rome (6).jpg

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Hong gondo gondo!!! Salamat Junjun! Gagamitin ko na agad sa susunod kong post. :-)

Go lang nang go Ling-Ling haha. Pagbutihin mo pa para sa mga Filipino na manunulat.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Aw! Ako'y lubos na nagagalak na inyong naibigan ang aking likhang tula @lingling-ph. Ako man ay na-touch sa sinigang na niluto mo para sa iyong ina. Madalas ko rin itong lutuin sa tuwing bibisitahin ako ng aking ina at lola :) Tamang-tama sa malamig na panahon