πΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌ
πΌ Maligayang Pagbabalik! πΌ
πΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌπΌ
π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»
It's me again @lingling-ph! Andame ko ng utang na posts ng Arawang Edisyon kaya Pasensorry po sa mga naghihintay at umaasa. Parang ako lang din kay Henry, pinaghintay ko lang at pinaasa. Huhubels. Sorry dear friend but we're only friends. Hindi ako nadadala ng McDonalds lang. Gusto ko din ng fine dining.
At para maumpisahan na ang mahabang delay, narito na po ang mga napili namin na tagalog posts. Sana ay mabigyan ninyo ng oras na masilip ang kanilang mga gawa.
π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»π»
Para sa araw ng Lunes, ika-dalawampu't lima ng Hunyo,
narito na po ang mga akdang aming napili
at nais ibahagi sa inyo...
A FILIPINO WRITING; SAAN TAYO MADALAS MAGKAMALI SA PAG-SUSULAT?
Teacher na rin ngayon si kuya @twotripleow at nakahanda na siyang magturo ng green Filipino. Tunay nga na napakaraming nagkakamali sa wastong paggamit ng ng at nang. Aminado ako na isa na rin ako sa mga sumasablay. Tamad kaso ako magsulat o magtype kaya ung "ng" ang palagi kong nagagamit.
Pero subukan po ninyo basahin ito. Madami po kayo matututunan (minus the double meaning mula sa mga sample sentences) at malalaman ang mga pagkakamali sa sulat ninyo.
Paalam mga Kaibigan...
Hindi ko alam kung totoo ba na huling sulat na ito ni @tarsivy sa Steemit o sadyang napakaganda lang ng kanyang sulat pamamaalam at ako ay sobrang nadala ng aking emosyon. Huhubels. Sana mali ang iniisip ko. Magpakatatag ka po sana kahit ano mangyari. Kaya mo po yan! Laban lang po!
Apritadang Manok - Pinoy Recipe
Hindi naman po ako matakaw. Hindi din ako mahilig sa chicken. Hindi po talaga. Hindi ko din aaminin na tumulo ang laway ko habang binabasa ang recipe ni @shielashraf sa kanyang Apritadang Manok. Sis, penge po sana ako. Message ko po sa iyo ang address namin.
Talaga namang matatakam ka. Malinaw ang pagtuturo ng procedures at ang larawan ay talagang kaakit-akit. Mas love ko ang katawan ng manok kaysa sa mga lalakeng may abs.
My Street Photography | "SABIT BUHAY" sa Muntinlupa City, Philippines
Minsan na din akong nagbigay ng limos sa mga badjaw na nakikita ko sa mga pampublikong sasakyan. Pati mga tribo ng ita at mangyan, na-encounter ko na din. Salamat po sis @ailyndelmonte sa pagpapaalala sa amin na tumulong kahit maliit na bagay lamang. Dahil talaga naman pong mahahabag ka sa kalagayan nila.
Lenie ang Makabagong Estudyante : Lenie for President
Muling nagbabalik si Lenie, ang aking protege. At ngayon ay sinwerte nga ba siya o minalas nang manalo bilang Presidente ng kanilang klase. Tawang-tawa po ako sa mga patutsada ni @beyonddisability at mga banat niya sa hipon. Pinatulan pa niya pati mga kanta ni Angeline Quinto.
Gusto mo din ba na matawa? Magbasa ka na lang para hindi ko na spoil pa. Tiyak na mag-eenjoy ka sa kakukitan at kacornyhan ng mga jokes.
Abangan ninyo po muli ako bukas para sa isa na namang edisyon ng TagalogTrail!!!
Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.
Maliban sa tula at kwento, nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.
Maraming salamat @tagalogtrail
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang adik nitong Ling-Ling na'to haha. Hay naku! Bahala ka diyan.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kawawa naman si Henry. Na-friendzone. Pero tama lang iyan @lingling-ph. Aral ka na lang muna para di mapagalitan ni kuya Toto.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ayos ka talaga @lingling-ph..
ikaw talaga ang muse ng tambayan :) :) :)
maraming salamat sa pagpili sa kwento ni Lenie
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit