Paa sa Lupa, Mata sa Langit: Kilalanin si Jampol o @Johnpd

in pilipinas •  7 years ago  (edited)

Olodi__Jampol_3.jpg

Para mas lalo nating makilala ang mga awtor o bahagi ng tambayan ni Toto sa discord ay naisip namin ni Junjun na magkaroon sila ng hiwalay na artikulo at ito ay tatawagin naming Olodi ng Tambayan na kung saan sa mga unang bahagi ay sila ay na nominate ng mga kasamahan sa tambayan. Ngayong linggo ating kilalanin ang isa sa mga makukulit ngunit mahusay na manunulat na nagtatago sa username na @johnpd

Pangalan : Jampol Dolor

Nickname : JP, Japs, Jappy, Jamps, Jeyps, Cute (wag mo lang ako tatawagin ng hoy)

Lugar : Lungsod ng Antipolo, Bayan ng Rizal, Pilipinas

Impluwensiya sa pagsusulat : Jun Cruz Reyes, Bob Ong, Eros Atalia, Ricky Lee, Bebang Siy, Benjamin Pascual, Lourd De Veyra at Carla Reiko

Genre ng sulatin : Puro daloy ng kamalayan lang ako dati pero ngayon na-brand na ako sa sulating komedya. Ibalik nyo ang katauhan ko!!!

Paboritong kulay : Mamink-mink parang... rosas. (joke) pula, itim, puti talaga

IMAHE NG KATAKAWAN

Paboritong pagkain : Century egg, Century tuna, Tokwa, Tahong, Daing na Bangus, andami kaya!

Paboritong inumin : Tubig lang, ung may yelo

Paboritong hayop : MMDA (joke lang) DPWH talaga (ay hindeh, joke lang din) Panda na lang para kakaiba

Kung magiging hayop ka, ano ito at bakit? : Elepante, para dalawa ang ano.. nyahaha! Dalawa ang tusk. (di ko alam tagalog nun eh)

Paboritong superhero : Batman, the Dark Knight (incorruptible)

Paboritong musika : Alternative Acoustic

Paboritong puntahan kapag summer : kubeta... ang init kasi

Paboritong puntahan kapag tag-ulan : Lugawan/gotohan, pantanggal lamig sa katawan

Kung isasapelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap? : Jackie Chan o kaya si Johnny Depp. pwede din si Yoo Jae Seok

Ano'ng pamagat ng pelikula ng buhay mo?: Kung Fu... mayat lang sana

Paboritong flavor ng sorbetes : Double Dutch, maputi, may maitim na bahagi, may malambot, higit sa lahat may mani (wag kang ano dyan! sorbetes tinutukoy ko)

Paboritong cartoon character : Batman pa rin

Kung makakapunta ka saan mang panig ng mundo, saan ito at bakit? : sa Greed Island para kumpirmahin kung totoo nga ito

MAPAGPANGGAP NA KARANASAN

Pangarap na trabaho : Taga-tikim ng pagkain

Paboritong libangan : RPG at mga larong bakbakan

Magbanggit ng isang bagay na kinaiinisan mo : Mabagal at (Connection Lost) putul-putol (Connection Lost) na internet (Connection Lost) connection... grrr!!!😡😡😡

Pinaka-kakaibang pagkain na natikman : Itlog ng langgam (pramis, masarap siya ✋)

Magbanggit ng isang normal na bagay na wirdo sa pananaw mo : Paninigarilyo

Gusto mong matulad ang buhay mo kay : Pope John Paul II

Pinakaunang ginagawa mo sa umaga : Manalangin 🙏

Lugar na pinaka-ayaw mong mapuntahan : Imburnal

Paboritong gulay : Lettuce (ung Green Ice lang dapat para sosyal!)

Paboritong prutas : Lahat ng nagsisimula sa letter H (hinog na ubas, hinog na saging, hinog na papaya, etc)

Magbigay ng isang sitwasyon na kinatatakutan mo : ma-hack (aay! fiesta na naman ng mga scandal 😈)

Magbigay ng isang bagay na kinaaadikan mo : Himasin ang itlog (may mini-poultry kasi kami 🍳)

Larangan na gusto mong sumikat : Pagsusulat ng kwento

Pinaka-ayaw mong trabaho : Taga-suri ng dumi at ihi sa laboratoryo

Pinakamasakit na salita na kaya mong bitawan : Hindi ka marunong!

Magbanggit ng isang bagay na pinapangarap mo : Magkaroon ng sariling Disneyland

Menasahe sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas : Pwede po ba akong mag-apply na consultant nyo?

Larangan na masasabi mong hindi mo kaya : Gymnastics (malamang!)

Kung magkakaroon ka ng tindahan, ano ibebenta mo at bakit? : Supermarket o kaya convenience store para madami ang kostumer

Gamit sa makabagong teknolohiya na gusto mong magkaroon : Teleportation Machine (whoa! cool)

Paboritong iluto : Sausage (ung Libby's dapat)

Kung mapapadpad ka sa isang isla, magbigay ng isang bagay na kailangang-kailangan mo : Saklolo (un ang pinaka-kailangan ko)

Kung tatakbo ka sa eleksyon, ano ang slogan mo? : Jampol for President, Para sa pagbabago sa hinaharap, kumonsulta lamang kay Dra. Belo.

Magbigay ng isang produkto na gusto mong gawan ng patalastas : Underwear (para wholesome)

Pambihirang talento na kaya mong gawin : Mag-DLIVE habang naliligo (try mo)

Kinatatakutan na costume kapag halloween : Ung walang maskara (aaaaaah! takpan mo pls)

Paksa na pwede mong ituro : Mathematics (Algebra, Trigonometry, Geometry, Calculus para tahimik lahat ng estudyante)

Paboritong suotin : Polo Shirt, maong pants, pillow slippers (kakaiba ang pormahan ko)

Bansa na nais sakupin : France (Punitin ang cedula!!!)

Kung magiging superhero ka, anong kapangyarihan ang nais mo? : Black Magic, Dark Arts

Pangyayari sa nakaraan na gusto mong balikan : Panahon ng Kastila sa Pilipinas

Award na gustong mapanalunan : Oscar at Grammy's 😂

NAGLILINGKOD SA BAYAN

Mensahe sa mga nais magsulat :

Ehem! Katulad ninyo, dumaan din ako sa pagsubok na iyan kung saan kailangan kong magdesisyon kung uumpisahan ko ba o wag na lang. Pero nilamon ko lahat ng takot at duda ko, hindi ko alintana kung magugustuhan ba ng tao ang gawa ko, hindi ko rin inisip kung akma ba sa panlasa ng publiko, basta ang gusto ko lang nun ay makapagsimula. Dahil hindi ka naman makikilala agad dahil sa unang bagay na ginawa mo kundi sa konsistent na bagay na palagi mong ginagawa. Kaya sa mga nais magsulat sa wikang Filipino, inaanyayahan ko po kayo na subukan ito at paglinangin pa ang inyong kasanayan sa pamamagitan ng paglalahad ng kwento, pagsulat ng tula, sanaysay, tanaga at iba pang sulating Tagalog. Tandaan, hindi awkward ang masabihan ka na Makata, mas awkward kaya ang masabihan ka na Makati (biro lamang). May mga nahihiya kasi at hindi sanay na matawag silang Makata. Ayos lang iyon. Ikaw pa rin naman magbibigay ng pagkakakilanlan sa sarili mo, hindi ang ibang tao. Kaya ikaw lang ang makakapagdesisyon kung ano ang mas tama at mas dapat para sa'yo. Kaya sulat na!

Paa sa lupa 👣
Mata sa langit 👀

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hahahhha. Lodi talaga si Jampol! As expected, ang kwela basahin ng bio niya. 😂😂😂
Natatawa ako! Hahahaha

salamat @jemzem wag ka mag-alala, ilang linggo mula ngayon ikaw naman ang magsusulat ng ganyan. ini-isa-isa lang tayo ni @tagalogtrail at nagkataon lang na ako ang pinakamadaling bumigay sa napakaliit na suhol 😂😂😂

Hahahhhah. Di bale, ikaw ang laging ino-nominate naming olodi ng linggo para mas makilala ka pa namin. hahahahhahaha

@johnpd, lodi talaga. Pasensya na at tumaas expectations ko nga para sayo pag dating sa komedya. Hehe. Pero nakakabilib din yun mabigatang pagsusulat na namalas ko dun sa Rosa/Emily series.

Salamat sa palagiang words of wisdom sa iyong mga post. Nakakainspire lalo magsulat at nakakabawas ng kaba at takot :D

kayo po ang dapat ko pasalamatan @jazzhero
ang nag-iisang fan ng tambalang Jam-min for life! nyahaha! natatawa ako 😂
pero nung baguhan pa lamang po ako sa pagsusulat, isa kayo sa inirekomenda sa akin ni Toto na pagbabasehan ng magagandang akda at tunay nga po na napabilib ako sa husay at galing nyo. Lalo na nung naging kagrupo kita sa TagalogSerye, di ko akalain na mas malupit na @jazzhero pa pala ang nakatago 💪😎👍

Jam-Min for life - ang bagong Monday Couple 😂 Fan din yan si @chinitacharmer ng jam-min.
May punchline ba sa dulo yan? Haha. Salamat sa pagtangkilik din sa pagsulat ko. Malaking bagay sakin yun lodi. Thanks!

yes! Monday Couple for the win!!! 🎉🎊 gusto ko un
pero parang Kwang-Min ang dating kapag pinagtambal kami ni Min-min.
napasa yata sa akin ung bertud ni Lee Kwang Soo.
[insert picture of giraffe] ay teka, elepante nga pala ako 😁

Hahahaha! Bakit kaya nasasangkot aq lagi sa mga love team dito sa steemit? Lol! 😅😂

Pero lodi talaga si Jampol! Hahaha 👏💪👍

Salamat @johnpd sa sobrang kwelang bio. Grabe ang dami naming natutuhan na bago mula sa iyo dahil dito heheh teka @tagalogtrail bakit walang age nung awtor? Hahahaha

Joke lang sympre. Sobrang galing talaga no wonder bakit ikaw ang naging OLODI ng linggong nagdaan hehe pagbutihan mo Man!

Yung huling mensahe talaga ang nagdala keep us inspired and also laughing with your funny antics in your stories.

naku, nag-iba na naman ng avatar si pinunong @tpkidkai
gusto ko sana ma-experience ung laro na dinedevelop nyo. pero salamat po pala dahil kahit papaano may natutunan kayo sa akin. akala ko puro harot at biro lang ang naiaambag ko sa Literaturang Filipino. nyahaha! 😂

P.S. ung age, mahahalata mo sa sagot ko sa ika-53

Hahah ang harot at biro ay parte parin ng Literaturang Filipino. May mga nailimbag sa peryodiko para diyan kaya't masasabi parin natin itong sining.

Dun sa laro ewan ko kung ano ang role ko dun basta taga promote lang din ako dun hahaha.

Yung avatar ko galing sa post ni @takipsilim, si @kothy ang isa sa mga batang artist ang gumawa mga mahuhusay din sila kaya nagustuhan ko ang avatar bagay na bagay sa akin ngayon.

P.S. binasa ko 52 lang ang tanong kasama ang mensahe sa mga manunulat hahahha

Kenkoy talaga yan

pag ikaw talaga , hindi maubos ubos ang katatawanan @jampol hahahaha.
siguro nakikita mo kami lahat kasi yung mata mo nasa langit

hehehe Galing ng Bio mo @johnpd, nakatuwa. maraming salamat sir.

Hehe abangan ang susunod na Olodi ng tambayan na si @itsmejayvee :)

Olodi_JV_2.jpg

Isang boto para sayo mula rito.

Feel free to visit my blog too...
https://steemit.com/steemit/@henrymac/philippines-election-meme-tatakbo-kaba-pwede-naman-maglakad

Will do po ginoo. salamat sa upvote.