PowerUp Post: Compilation of my very own SteemiTips--Post written in FilipinosteemCreated with Sketch.

in pilipinas •  7 years ago 

Batman Slapping Robin 28052017191315.jpg

Ito yung mga tips na natutunan ko sa steemit na gusto kong ipaalam sa inyo. Malaki ang naitulong ng mga tips na ito sa akin at sanay makatulong din sa inyo para mai-angat niyo ang inyong sarili sa steemit.

Una sa listahan

SteemiTIP--Need followers? Engage in conversations in the comment section.

Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat matutunan ng mga Filipino steemians dito sa steemit ay ang importansya ng pagbigay ng kumento(comments). Sa pamamagitan ng pagbigay ng iyong mga saloobin sa mga artikulo na iyong nababasa, nagkakaroon ng interaksyon sa mga taong nakakabasa nito. Maaari mo ring makuha ang attention ng mga tao sa pamamagitan lang ng pagbigay ng magandang kumento o kritisismo. Hindi man ganun kalaki ang puwedeng mong matanggap na puna sa mga tao, may posibilidad naman na magustohan ka nila dahil dito. At dahil sa magandang reaksyon ng iba, magkakaroon ka ng mga bago at maraming tagasunod.


SteemiTIP-- Properly choosing the right tags. Don't abuse it! Don't abuse it!

Hindi ko maikakaila, nasubukan ko naring mang-abuso sa paggamit ng mga tags sa steemit. At hindi natin maikakaila, hanggang ngayon marami parin ang umaabuso nito.

Mabuti na lang at nalaman ko ang importansya ng paggamit ng tama sa mga tags. Hindi mo makukuha ang attention ng isa mambabasa kung hindi naman niya gusto at hindk swak sa kanya ang inyung gawa. Kung ang isang tao na gusto mong
bentahan ng mga mansanas mo pero ang gusto niya ay mga mangga, tiyak na siya ay iiwas at hindi bibili ng mga mansanas. Ganun din sa steemit, may mga steemian na pumipermi lang sa topic na gustong basahin at walang paki sa ibang bagay. Kaya kung, gagamitin mo lang ng tama ang mga tags na ginagamit mo, hindi magagalit si @steemcleaners.


SteemiTIP-- Don't expect to earn much! Connections first before Money

Ang Pilipinas ay isang progresibong bansa. Ibig sabihin, isa tayo sa mga bansa na umuusbong pa at marami pang problemang dapat masolusyonan at isa na nito ang kahirapan.

Wag na tayong magpaligoyligoy pa, lahat tayo pumarito para magkapera. Pero, naniniwala parin ako na may mga steemian tayong nandito para may maiambag sa steemit. Bokasyon kumbaga. Naiitindihan kita kung gusto mong magkapera kaya nandito ka. Pero isipin mong mabuti kung ikaw ay magtatagal ba kung ganyan lang yung iisipin mo palagi. Magset ka ng mga gusto mong makuha sa hinaharap. Magtayo ka ng pangalan mo sa steemit. Maghanap ng mga kumunidad para maibahagi mo ang iyong nalalaman sa steemit. Dahil sa huli ang lahat ng yan ay may kabayaran- kayamanan!


SteemiTIP--@randowhale is very helpful but send the right crypto to be profitable.

Isa rin ito sa mga napakagandang ideya na umusbong sa steemit. Ang laki ng pasasalamat ko sa mga taong naka-isip nito dahil marami silang naitulong, natulungan at matutulungan pa. Hindi lang si @randowhale kundi pati na si @minnowbooster, si @booster at marami pang automated bots na nagbibigay kasiyahan at rewards sa mga artikulo na ating inilalathala. Hanggang ngayon, nagpapatuluy pa rin ang kanilang mga misyon na makatulung sa mga bagohan sa steemit o ang tinatawag nilang minnows. Isa na ako dun. 😃


SteemiTIP -- Make Friends, Lots of Friends.

Ang tunay na kasiyahan ay hindi lang natutumbasan ng pera. Ang kasiyahan ay nakukuha mo rin sa kung anung nakikita mo sa ibang taong nakakahalobilo mo.

Isa sa mga nakuha ko sa steemit ay maraming kaibigan. Kahit hindi namin kilala ang isat isa, marami kaming natututunan dahil lang sa steemit. May mga kaibigan ako na nakilala ko dahil sa Discord Channels. May mga iilan rin na nakilala ko sa Steemit.Chat. Wag mong piliin ang kakaibiganin mo, hanggat maari, maging pantay sa lahat ng mga steemians dito. Kahit na may naririnig ka o nababasa na away-away sa tabi, kabilang ang mga iilang personalidad sa steemit, piliin mo paring umintindi at manahimik.

May mga kaibigan karing makikilala dahil may maitutulong sila na walang hinihinging kapalit. Mayroon rin naman nagpapabayad o gustong may makuhang kapalit. Maliban sa mga kaibigan mo na inimbita mo na sumali sa steemit, wag mong limitahan ang sarili mo na makipag kaibigan sa iba.


SteemiTIP-- Secure your Health first like how you secure your steemit private keys! Steemit Provides not Deprives

Wag mong hayaan na kainin ka ng steemit. Kumain ka kasabay ang steemit!

Nang una kang sumali sa steemit, nasubukan mo nang hindi matulog dahil sa sobrang saya na iyong nararamdaman? Alam kong oo ang sagot nyan!

Ako, nung una kong nakita na pumapalo sa libo-libo ang maari kong makuha sa steemit, ay hindi na ako makatulog ng maayos. Hindi makakain at hindi makapagbigay ng oras sa sarili. Puro na lang steemit, steemit, steemit! Hanggang sa namalayan ko na lang na ang timbang ko ay bumaba at parang tumanda ako ng ilang taon. Kaya naman naisip ko na magplano at maayostang tamang oras para sa sarili at para sa steemit.

Dahil sa huling banda, aanhin mo pa ang pera kung s hospital at gamot naman mapupunta? Kaya sa mga kaibigan ko diyan, enjoy lang at mahalin ang sarili ng sobra kaysa sa steemit.


Huli sa listahan

SteemiTIP-- Don't just focus on your forte! Diversify your blog and catch attention!

Gagaling ka sa isang bagay, ngunit aasenso ka kung susubukan mo ang iba!

Mahalaga ito sa steemit. Maraming mga tips diyan na naglalayong miangat ang sarili sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga bagay na kung saan ka magaling. Totoo nga naman yan, at dahil nyan, makikilala ka sa steemit. Pero, hanggang diyan nalang ba ang gusto mong maabot kahit alam mong may kaya kapang gustong gawin at maibahagi?

Kaya naman sa huling tip na ito, ang gusto ko lang na maintindihan niyo na ang mga sikat sa steemit ay hindi sumikat dahil sa isang bagay lamang. Maaring may iilan na steemian ngunit alam kong may kaya pa silang maipakita.
Ipakita mo ang mga bagay na kaya mo kaibigan!

Konklusyon

Kung ikaw ay umabot dito, masasabi ko na naintindihan mo ang nabasa mo. Ang lahat ng tips dito ay personal na pananaw lamang ngunit napatunayan na epektib at walamg halong kalokohan. Kahit itanong mo pa sa mga beterano sa steemit! Maraming salamat mga kaibigan sa inyong oras!

"best of time"

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Useful topic and also helpful

Good post to your sharing!
Good luck

I love the 'stop nagging and keep steeming' pix up there. Thanks for sharing even though I don't understand Philippine.

Salamat kaibigan. Malaking tulong ito sa mga bagong katulad ko.
Thanks my friend. This would be a great help for newbies like me.