Apatnapung Araw.

in pilipinas •  7 years ago 

My Post(17).jpg

Isa ito sa mga paniniwala ng mga Pilipino na kung saan ang isang espiritu ng yumao ay mananatili muna ng 40 na araw sa lupa bago ito umakyat sa langit o bumaba sa impyerno. Ang akdang ito ay hindi patungkol sa isang relihiyon o kung ano pa man ito ay isang likhang piksyon lamang mula sa aking malikot na isipan.


Isinasagawa ang isang eulogy sa eskwelahan nila Jumar nang araw na iyon para bigyan siya ng parangal. May mga guro at estudyanteng nagsasalita sa harapan ng entablado upang ibahagi ang kanilang karanasan sa binatang yumao. "Sayang" daw ang binatang ito at napaka-laki ng kaniyang potensyal na maging asensado balang araw. Hindi lamang sa taglay niyang talino ngunit pati narin sa kabutihang loob sa lahat. Naroon din ang kaniyang mga kaklase na nagluluhang buwaya na nagsasabing hindi daw nila malilimutan ang nasabing kamag-aral.

Ngayon ay ang ika 9 na araw ng pagkamatay ng binata.Bagama't may mga parangal na nabanggit ang eskwelahan para sa binata mapapansin na wala ni isa man lang miyembro ng pamilya niya ang naroon sa nasabing okasyon. Oo biktima si Jumar ng pambubully at pang bu brusko ng kaniyang mga kamag-aral.

Tama naman ang sinasabi ng mga guro, isa siyang matalinong estudyante siya ang laging nasa pinaka mataas na ranggo pagdating sa pagsusulit. Ngunit gaya ng mga nasa isip ng iba tanging talino lamang ang mayroon siya. Hindi siya nabiyayaan ng lakas, lakas na maaring makatulong sa kaniya sa pakikipagbuno sa mga kaklase niya ay iyon ang naging kahinaan niya. Sinubukan niyang humingi ng tulong ngunit walang nakinig, sumugod man ang kaniyang mga magulang sa eskwelahan upang ipabatid ang mga nangyayari ay wala ding ginawa ang kanilang pamunuan nag bingi-bingihan lamang sila dahil alam nila na kapag pinatawan nila ng parusa ang mga nang-aapi sa binata ay ang suporta sa kanila mula sa magulang ng mga ito ay mawawala. Isama mo pa ang kahihiyang idudulot ng nasabing kaganapan kung ito man ay kakalat sa labas.

Unang nagpakita si Jumar sa prinsipal ng paaralan at sinabi ang kaniyang galit sa pamamagitan ng panaginip.

Bakit wala kayong ginawa! Kahit kailan ay hindi ko kayo mapapatawad!

Na sinundan sa mga pagpaparamdam sa kaniyang mga kaklase, ang iba ay kinilabutan at ang iba naman ay naghikbit balikat lamang sa mga nangyayari.

Ang mga nangyayari daw sa kanila ay kayang ipaliwanag ng siyensiya at sikolohiya. At ang nararanasan ng kanilang mga kamag-aral ay isa lamang trauma dahil sa ang iba ay walang ginagawa sa nangyaring pambubully sa kaniya. Ngunit para sa naniniwala sa mga bagay na espiritwal alam nila na ito ang paraan ni Jumar na iparamdam ang kaniyang pagkamuhi sa kanila.

Gaya nga ng wika ng mga matatanda nasa huli lagi ang pagsisisi kaya't para naman bigyan pa kunswelo si Jumar ay isang munting parangal ang kanilang naisip. Parangal sa mga nagawa at naiambag ng binata sa eskwela at sa kaniyang klase. Sa kadahilanang wala naman ang magulang ni Jumar sa mga kaganapan napiling tumanggap ng parangal ay si Adolfo ang presidente ng klase at ang promotor ng lahat.

Pag-akyat niya at pagkakuha ng parangal para kay Jumar isang binata ang tumatakbo papalapit sa entablado at dalang kutsilyo at dagliang sinaksak si Adolfo sa may tagiliran siya si Jay isang binatang nasa katulad na kalagayan ni Jumar, mahina at laging na aapi ang pinag-iba lamang ay wala siyang talino na tulad ng kay Jumar.

Lahat ay nagulat at ang iba ay natakot. Ang iba naman ay kumaripas ng takbo habang unti-unting sinasaksak ni Jay ang walang buhay na si Adolfo ng paulit-ulit. Nang mahimasmasan na si Jay hindi niya alam ang nangyari, dali-dali siyang lumayo sa eksena tangan-tangan ang patalim na ginamit sa nasabing krimen.


Ang larawang ginamit ay mula sa spark.adobe.com na kung saan ay maari kang mag-edit ng mga larawan gamit ang lisensyang Creative Commons.


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Akala ku pu noong una ay horror story ito. Indi pala. Pero nagustuhan ku pu ang nakakagulat na pagpatay. At natutunan ang aral na huwag magpapa-api sa mga bully.

Hello @lingling-ph medyo mag ho horror, suspense muna ako this week, Hehe medyo may oras akong mag dark theme na kwento.

Iba iba ang klase ng pang bubully, iba sinasaktan, iba sa salita lang Yan ang pinakamasaklap na reyalidad sa buhay.

Tama! Yung pambubully simula sa simpleng pang-iinis sa kaklase hanggang sa pananakit. Yes ayan ang reality medyo dark lang ng bahagya di tulad ng mga kwento ko dati na masasaya lang.

Ang galing ah. Minsan dahil naka focus tayo sa isang bagay, hindi na natin napapansin na hindi lang siya Jumar yung nakakaranas ng pambu bully.

Napakaraming Jumar sa paligid. Dahil sa ang mga Adolfo at iba pa na nanatiling tahimik at walang imik nagkakagulo ang lahat. Kung may mali step up and fight for it.