Inabot na ng umaga ang pag-iinuman ng dalawa. Mga bandang 12:01 ng madaling araw sila nagtapos ng huling shot sa empi lights.
Nagpaalam na si Wilmer na aalis para naman matuloy na ang naputol na kissing scene ng mag-asawa kanina.
Susuray suray naglakad ang binata na waring masusuka narin sa kalsada.
Pasok Teeth!
Kabilin-bilan ng lola wag nang uminom ng serbesa.
Ito'y hindi inuming pambata magsopdrinks ka nalang muna.
Ayun na nga sumuka na siya sa daanan at doon na natapos ang araw ni Wilmer.
Nakauwi naman siya ng bahay ng matiwasay pagkatapos niyang mahimasmasan.
Balik tayo sa mag-asawa, pagka-alis na pagka-alis ng binata ay agad na nilang pinatay ang ilaw sa garapa.
(Ang mga sumunod na eksena ay di na ipinaliwanag ng awtor bahala na kayo sa inyong iisipin)
Kinabukasan....
Nandito na naman tayo sa carwash area ni Mr. Krabbs este ginoong Bolivar pala nakatunganga lang ang dalawa dahil walang nagpapalinis ng kotse.Maulan ng araw na iyon, simula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ay walang nagawi ni isa at alam na natin ang kasunod na eksena.
Pagkatapos nilang kunin ang timecard ay dali-dali nila itong pinapirmahan at dumerecho na kay Mr. Krabbs para sa kanilang arawang sahod.
Nakabusangot ang hitsura nya, di gaya sa naunang kabanata, si Mr. Krabbs ay nasa kanyang Ultra instinct mode. Pagtunog palang ng kaniyang pintuan alam nya na ang dalawang ungas ang paparoon kaya't nag-umpisa niyang pindutin ang "fake call" button sa kaniyang selepono para masabi nyang abala siya sa kaniyang kausap. Isinakto niya ang oras na iyon para di siya talaga ma istorbo ng dalawa.
"Ginoong Bolivar...." bungad ni Lawrence
"ANO YON!" Singhal ng matandang negosyante na parang isang naluging Intsik na nanlilisik ang mata.
"Yuuunnng.... sahooodd.. po nammiin.... ngayyyooonng arraw.." nangangatal niyang sagot sa nagpapalit anyo nyang amo.
"ANONG SAHOD ANG SINASABI NYO? MAY NALINIS BA KAYONG KOTSE NGAYONG ARAW?
Hindi na nakaimik ang dalawa
"TSAKA ALAM KO ANG GINAGAWA NYO, BUTI DI KO PA KAYO SINESESANTE NGA AT PANAY KAYO CHARGE NG CELLPHONE NYO HABANG NAGLALARO NG MOBILE LEGENDS BUTI DI KO INAAWAS YUN SA SAHOD NYO"
dagdag na reklamo ng matanda.
"MAGSI-ALIS NA KAYO AT MAY KAUSAP AKO SA TELEPONO!"
pagkatapos noon ay inihagis niya ang tasang nabili sa may Divisoria sa sahig at sa lakas nito ay nagkapira-piraso. Antigo ang disenyo nito para mas lalong kabahan ang dalawa at maramdaman niya na galit na galit talaga siya.
Agad kinausap ni Ginoong Bolivar sa mahinahon na tono ang kaniyang kausap sa telopono at doon na kumaripas ng takbo ang dalawang binata paalis ng kwarto.
Mahusay ang naging pag-arte ng matanda dito nya nakuha ang kaniyang mga ari-arian pero dahil ito ay kwento ni Lawrence pag sinipag na akong magsulat ilalahad ko naman ang buhay ni Mr. Krabbs.
"Grabe talaga iyon ano! Wala siyang puso, kaluluwa, atay, balunbalunan at apdo." Reklamo ni Wilmer
"Oo nga par! kasalanan ba nating umulan kanina at walang nagpapalinis ng kotse. Paano na to kailangan ko ng pera pambili ng gamot ni Butchoy" dagdag ni Lawrence
"Alam ko na par! Tanda mo ba yung "Angels Paradise KTV Bar"?
"Oo par bakit?"
"Basta pupunta tayo doon. Dating gawi magsuot ka ng leather jacket at itim na sumbrero mamayang gabi magkakapera tayo"
"K"
Ayan sa wakas na update ko din tong serye na to. Haha palugaw na ako ng palugaw. Hangga't maari maiksi lang ang mga kwento at update ko kasi impromptu halos lahat sila. Dahil sa medyo na iimpluwensyahan na ako sa #tagalog-serye minabuti ko na i konek ng bahagya ang kwentong ito sa naunang araw kong gawa pero sympre iniba ko parin ng kaunti as in sobrang kaunti lang talaga.
Gayumpaman salamat sa pagbabasa ng aking akda na alam kong sabaw na talaga. Matatapos ko din ito tiwala lang!
Nga pala suportahan po natin ang mga likha ng aking mga bagong kaibigan sa #tagalog-serye
Nasa ika-apat na araw na po kami ngayon at nawa'y na e enjoy nyo ring basahin ang mga akda nila. Tulad naming mga manunulat. Narito po ang link ng mga akda mula sa dalawang grupo.
TagalogSerye: Unang Araw mula sa Unang Pangkat
TagalogSerye: Ikalawang Araw mula sa Unang Pangkat
TagalogSerye : Ikatlong Araw Mula sa Unang Pangkat
TagalogSerye : Ika-apat na Araw Mula sa Unang Pangkat
TagalogSerye : Unang Araw mula sa Ikalawang Pangkat
TagalogSerye : Ikalawang Araw mula sa Ikalawang Pangkat
TagalogSerye: Ikatlong Bahagi (Ikalawang Pangkat)
Hey there Ohana! You were featured on the #99th edition of Steemitfamilyph's Featured Posts. Congratulations!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hello Ohana thankies for the featured post :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit