Naghabulan ang dalawang grupo at gaya ng mga eksena sa mga pelikulang aksyon nakarating sila sa isang lumang bodega.

Tangan-tangan parin ang side mirror Ginamit ng ating magiting na pulis ang kaniyang tinatagong kapangyarihan ang "unli-bala" pero sa kasamaang palad hindi tinamaan sina Wilmer at Lawrence mabuti narin iyon para may mga sumunod pang eksena sa kwentong ito.
Kinakapos na ng hininga ang dalawang binata dahil sa pagtakbo at pag-iwas sa unli bala ng baril ni Ricardo Dalithay kaya't para makaligtas sila nag-isip ng plano si Lawrence na sadyang ikinagulat ni Wilmer.
"Par! Hawakan mo itong mga side mirror, lalansihin ko itong parak"
"Teka Par anong gagawin mo?" Nagtatakang tanong ni Wilmer
"Tatakbo ako palapit sa parak, pagkatapos non ay kukunin ko ang baril nya. Pag nakatakbo na ako palapit ikaw naman tumakbo ka palabas ano gets?"
"Pero Par naka unli-bala ang pulis na iyan baka tamaan ka agad"
"Hindi ako tatamaan Par! Kakampi ko ang writer ng kwento at kung napapanood mo ang palabas sa TV kung saan kinuha ng awtor ang karakter malalaman mo na wala sya laging napapatay gamit ang baril nya"
Isa.....
Dalawa....
Tatlo.......
Pagkatapos nilang magbilang ay agad tinungo ni Lawrence ang lokasyon ng pulis, binaril sya nito ng maraming ulit gamit ang kanyang Peng-Peng (tawag sa baril sa Counterstike ) ngunit gaya ng mga nabanggit hindi siya tinamaan parang bumagal ang takbo ng oras habang papalapit sya ng papalapit sa pulis. Nag ala matrix siya sa pag-iwas sa mga bala na pinutok sa kanya hanggang sa unti-unting napalapit na sila sa isat-isa.

Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Lawerence sa pulis gamit ang mga pwersang naipon nya. At tinamaan agad sa mukha ang pulis. Nagbuno ang dalawa at dahil sa sobrang intense ng mga pangyayari na labanan hindi na naka alis si Wilmer sa bodega nanood sya sa umaatikabong laban ng dalawa. Unti-unti dumami ang miron na nanunod sa labanan ng dalawa Sa wari niya'y para syang nanunuod ng labanan sa isang laro na paborito nya ang BeatDown Fist of Vengeance.

Nagpalitan sila ng suntok, mabibilis na suntok na dina kayang sabayan ng mga pangkaraniwang mata. Natuto din si Lawrence ng grappling kaya'y ini apply nya ito sa laban. Inabangan nyang magkaroon ng bukas na pagkakataon para mapagbagsak ang pulis. Sa pagsuntok ni Ricardo Dalithay agad nyang nasalag ito at nahuli ang kamay. Pagkatapos ay ginamitan nya ng isang matinding arm lock. Pagkatapos ay binigyan nya ito ng isang sipa gamit ang tuhod na nadali ang sikmura ng pulis.
Parehas na silang pagod at ang kanilang pagbubuno ay inabot ng ilang minuto din, duguan ngunit kaya paring lumaban. Ngayon ay naging pagkakataon naman ng pulis natin na makaganti habang hinihingal pa ang binata agad nya itong niyapos na parang clinch sa boxing at gamit ang nakatagong baril at agad nyang binaril si Lawrence sa may sentido.
"Foul yan!" Sigaw ni Wilmer habang pinapanood ang mga kaganapan, hindi makapaniwala na maruming makipaglaban ang pulis at may nakatagong baril pa pala siya.
"Buhay at kamatayan na ito Boy! Ikaw na ang kasunod paano ba yan."
Inasinta na ng pulis si Wilmer at sa isang hindi inaasahang pagkakataon tinamaan nya ang binata, bumulagta ito at nawalan ng malay sa pagbagsak ng binata, nabagsak din ang side mirror at ito ay nabasag.
Habang naghihingalo si Lawrence at naramdaman nya na parang lumilindol.
"Par! Gising na! Alas singko na tara uwi na tayo" sambit ni Wilmer
Pupungas-pungas ang binata at tinignan ang paligid, nasa carwash shop parin sya ni Ginoong Bolivar at nagpapahinga dahil sa sobrang pagod sa paglilinis ng maraming kotse ng araw na iyon.
Pinagkunan ng larawan
Ayan sa wakas natapos din hahaha wala talaga akong maisip masyado sa kwentong ito. Dapat gagawin ko syang drama pero naisip ko gawin ko nalang na ganyan panindigan na ang pagiging sabaw ng kwento. Bawi nalang ako sa susunod na linggo.
Upvoted
@bitcoinpaul from kryptonia
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Upvoted brad kryptonia @juoleuse
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
upvoted @absinkaren from kryptonia
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Upvoted
@cashthekush2 from kryptonia
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Upvoted by rubelynmacion of krypto
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
upvoted @blackhole from kryptonia
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
No idea what you said here but you got my upvote because of Kryptonia.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
upvoted @vipnata from kryptonia
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
upvoted from kryptonia@everdope
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Upvoted from KP.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit