Isang magandang umaga mga ka steemit narito na naman ako upang magbahagi ng isang likhang gawa sa Filipino para sa kapwa Pilipino.
Ito ay isang maiksing kwento lamang at ito ay hindi kailanman nangyari sa totoong buhay. At kung may pagkakapareho man ito ay hindi sinasadya.
Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Abel, isang tulak ng ipinagbabawal na gamot. Pero bago mo ako husgahan sa aking trabaho alam mo ba ang mga dinanas ko? Alam mo ba ang mga bagay na nangyari sa akin? Oo alam ko naman na mali ang ginagawa ko pero masisisi mo ba ako?
Lumaki ako sa piling ng aking mga magulang. Sugarol si Inay at durugista naman si Itay. Kapag walang pera ang dalawa naging libangan na yata nila na ako ay saktan. Sa mura kong isipan natutuhan ko kung paano maging matigas. Matigas na sa bawat hataw ng walis tambo at hagupit ng sinturon akin nang kinakaya.
Minsan naiisip ko nga kung anak nila talaga ako dahil sa mga nangyayari sa akin. Naiinggit ako kay Junjun na kung saan laging kasama nya ang magulang nya. Ni hindi man lang sya napalo o nabugbog, mababait din ang kaniyang magulang. Laging sumasagi sa aking hinagap, sana ako nalang si Junjun. Mabait naman ako, sunod sa utos lagi. Ako ang kuya sa limang magkakapatid. Lahat sila ay bata pa at kapag nagumpisa nang magsugal si Inay kila Aling Tekla nako ako na ang bantay nila.
Nakapaglaro ba ako? Hindi kailanman. Gusto ko ring maranasan ang mga nararanasan ni Junjun. Bakit kasi ang swerte niya. Magkasing talino din naman kami o baka mas higit pa ako sa kanya. Valedictorian ako noong elementary at highschool at siya, siya lagi ang pangalawa.
Ngunit bakit ganoon? Bakit parang mas siya pa ang nanalo kesa sa akin?
Lumipas ang araw, na naging buwan at taon. Ganap na akong binata isang matikas na lalaki. Nakahanap ng trabaho sa isang fast food na restaurant pero bakit parang may kulang parin?
Tuwing kinsenas at katapusan, sa tuwing inaabot ko ang pera kay Inay at Itay bakit sinasabi nila na kulang pa? Hindi ba sila masaya na nakakapag bigay na ako ng pera?
Ang gusto ko lang marinig ay anak pagbutihan mo ang trabaho. Anak galingan mo dyan. Anak mag-ingat ka papasok sa trabaho. Ngunit narinig ko ba iyon? Masisisi mo ba ako na kailangan ko ng pera na malaki dahil kung hindi, hindi nila ako matatanggap?
Ang problema kasi sa iyo, ang nakikita mo lang ay yung mga kamalian ko. Nakita mo ba ang mga bagay na ginawa ko? Ang motibo ko para gawin iyon?
Mahirap magbenta ng laman, nakakasulasok, sinubukan ko. Mabilis ang pera, napakabilis ngunit sa wari ko'y di ko kaya hanggang sa nasabi ng isa kong customer na subukan namin ang droga. Alam ko ang epekto ng droga ayon sa aking karanasan, alam na alam ko. Ngunit hindi na ako tumanggi, pera ang katumbas nito. Pera na nagiging pagmamahal at pag aaruga mula kay Inay at Itay.
Oo matalino ako, akala ko kakayanin ko, nagumpisa sa paunti-unti hanggang sa di ko na namalayan ako pala ay na aadik na dito. Dito malaya ako, dito masaya, dito ramdam ko na mahal ako.
Minsan kasama ko pa sila Inay at Itay sa pag dudurog. Ang dati kong matikas na katawan ay unti-unting napalitan ng isang mapayat na katawan. Lumubog na ang aking mga mata pero masaya ako. Napakasaya dahil dito ramdam ko na kabilang ako sa pamilya.
Kung alam ko lang ba na ganito pala ang nais nila edi sana matagal ko na itong ginawa. Edi sana masaya na lahat.
Ngunit sandali lamang ang kaligayahan, pagkatapos mawala ang epekto ng droga bumabalik na naman ako sa aking katotohanan. Kailangan ko pa ng pera, kailangan ko ng droga at kailangan ko ang aking langit.
Ipinakilala ako ni Itay kay Bruno at doon natutuhan ko kung paano maging tulak, masarap maging tulak kung sa paraang alam ko. Biruin mo yun may pagkakataon kang humati o minsan ay kumulimbat ng bato ng walang nakaka alam. Oo wais ito mga tsong! Kaya paunti unti binabawasan ko ang pakete. Para sa aking munting langit.
May araw na swerte at may araw na malas. Nahuli nadin ako ng mga parak ngunit dahil sa sobrang hina ng ebidensya bukas, makalawa ako ay laya na agad.
Pinaka malas na araw ata ay ang sa ngayon. Biruin mo, asset pala ng parak ang customer ko. Sa takot kong makulong sa di malamang dahilan binunot ko ang baril kong nakatago at tinutukan siya ngunit sa di inaasahang pagkakataon nauna siyang pumutok.
Dugo ang dumaloy sa aking tagiliran hanggang sa ako ay mawalan ng malay. Kaya't eto nakagapos sa upuan tinatanong ng mga paulit ulit na tanong na gaya nang kung sino ang boss ko atbp.
Mapapakanta mo ba ako? Sympre hindi. Kahit kailan ay hindi ngunit unti-unting inilabas ni Hepe ang isang puting kemikal. Alam na alam ko yung bagay na iyon. Muli tinanong nila ako kung ano ang nalalaman ko, nagpakatatag ako ngunit wala na, kinain na ako ng sistema at pagkasabi na pagkasabi ko ng pangalan ng mga protektor ko. Agad agad akong ipiniring at itinali pabalik sa bartolina.
Kung ano man ang mangyayari sa akin tanging si Hepe lamang ang may alam.
Magulo ang ideas na nilagay ko. Hahaha sobrang sabaw na ako ngayong araw.
If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao, and @steemph.manila
Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs @cloh76.witness, and @ausbitbank who have been adding an invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
Nice one sir. Sana dadami pa Tagalog. d2.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Madami pa dyan bro. Madami tayong pinoy tagalog writers dito sa steemit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit