Pinoy Poem: Alab

in poem •  6 years ago  (edited)


Pinoyhood

: the state or condition of a Filipino (Pinoy)

Ohoy [Hello] Steemians!


Alab


ni Tim Liwanag

LIYAB ng bituin na nasa pedestal
sinag ng araw ma'y umiiral
tiyak APOY mo pa'y magniningas
buhay ko't kaluluwa'y s'yang gaas


ALAB ng damdamin ay di-papipigil
talas pa ng diwa'y di-tumitigil
marahil LAGABLAB niya'y mula sa pag-ibig
asahan mong ika'y di-manlalamig


LUMIYAB na't lamunin ang dilim
tupukin din ang sinakop ng lagim
dahil SIKLAB mo'y tunay, lalong umiinit
pagmamahalan nati'y hindi na isang saglit



Want more Pinoy poems here? Please upvote and resteem. Thank you.

Live great!

TL




@pinoyhood
Mabuhay!

Social Links


Pinoyhood Facebook Page
Pinoyhood WeKu Blog


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!