Poetography Contest ( Kilos Na )

in poetography •  7 years ago 

Hindi ka pa ba kikilos
Wala ka bang tunguhin sa buhay
Hindi ka naman puno
na nakabaon sa lupa

Mangarap ka para sa bukas
tila ka bulaklak na laging nalalagas
Ayaw mong matuto at umunlad
para kang hayop na laging hubad

Sana naging hangin ka na lang
dahil walang direksyon ang buhay mo
di alam saan manggagaling
di alam saan patungo

Matapos mong madapa
ayaw mo ng magsimula
Ano ka ulan
laging babagsak

Sana naging lupa ka na lang
laging inaapakan
o kaya apoy
panggatong laging kailangan

Ngayon na madilim ang buhay mo
tila ka araw sa gabi nagtatago
Para ka ring buwan, tinatamad
naghihingi na lang ng liwanag

Nandiyan ka na naman sa sulok
Ano ka bituin
Mag-isa sa kalawakan di maabot
HINDI IKAW ANG MGA BINANGGIT DITO

Ikaw ay tao
Itinangi sa buong sansinukob
Kaya mo iyan, lakasan ang loob
sa Kanya ay dumulog

Tinalo ka pa ng puno sa lupa
Nakabaon nga pero namumunga
Dinaig ka pa ng bulaklak
nalalagas subalit sisibol ulit

Mga hayop man ay hubad
subalit kayang mabuhay sa sariling lakas
Hangin man ay di mo madikta
sanhi naman ng paghinga

Ang ulan ay bumagsak man
Aangat ulit at magigiing ulap
Yung lupang inaapakan
kasing tayog naman ng bundok

Ang apoy na kailangan lagi ng panggatong
sanhi ng pagkain sa hapag
Ang araw magtago man sa gabi
sa umaga lalabas magpapasabog ng liwanag

Ang buwan na nanghihingi sa araw
sa gabi marikit namang tanglaw
Tingan mo ang bituin
mag-isa,malayo subalit maningning

Eh ikaw kuntento ka na sa ganyan
Wag kang sumuko! magpahinga lang
Ikaw ang gagawa ng sarili mong buhay
Bumangon ka!Siya'y nakagabay!
149.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by beyonddisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

thank you so much @minnowsupport. more power