Poetography Contest: "Ama, Ina Salamat."

in poetography •  7 years ago  (edited)

This is my another entry to @iyanpol12 #poetography contest. Second language category - Filipino.

Title: Ama, Ina. Salamat.

IMG_20180209_021355.jpg

Ama, Ina maraming salamat,
Sa mga sakripisyo ninyo na wala ng katapat.
Simula noong sa sinapupunan hanggang sa ngayon,
Hindi niyo kami pinapabayaan maski-isang pagkakataon.

Tunay ngang kahanga-hanga ang ating ama at ina,
Sapagkat gagawin nila ang lahat upang tayo'y guminhawa.
Maski ano man ay kakayanin,
Kahit na minsa'y hindi na natin ito nabibigyan ng pansin.

Ama, Ina ako'y inyong patawarin,
Sa lahat ng problemang inyong hinaharap dahil sa akin.
Sa kabila ng aking mga pagkakamali at pagkukulang,
Nariyan parin kayo handang maging magulang.

Kaya't heto ako nagpapasalamat sa inyo,
Sa lahat ng hirap at sakripisyong dinadanas ninyo.
Alam kong mahirap pero ito'y kinaya ninyo,
Itaguyod and isang pamilya at hindi sumuko.


The photo of my dad and mom was taken at Pagudpud Windmill.
#poetographycontestfilipino #2ndentry

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Sawap naman ng ngiti nila o. At hangsweet naman ng tula mo, nakakatats. Galing.

Naiyak ang mommy @yadah04.

Galing sa puso e. Picture mo te jane, proof of tears yan @teardrops SMT tokens

Nakita na ba nila ito?hehe..galing ni men :)

Yap read ko na. Naiyak ako haha.

Galing naman 😃 sigurado matutuwa sila kapag nabasa na nila ito 😃

Sa tula lang yan...haha. joke.

inspired ang nakong nila a..:)