Tagalog Poem #1 || Ang Nakalimot na Kaibigan #PHILIPPINES

in poetry •  7 years ago 

Kaibigan, isang taong laging nandiyan,
Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman,
Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan,
Hindi ka matiis kahit mapunta saanman.

May kasabihan nga
Na ang kaibigan ay palaging maaasahan
Palagi silang nandiyan
Kapag ikaw ay nangangailangan

Ngunit isang araw bigla siyang naglaho
Lahat ng pangako niya sa akin ay napako
May nakilala siyang mga bagong kaibigan
At tuluyan niya na akong kinalimutan

Anong nangyari sa atin aking kaibigan?
Akala ko ba nagsumpaan tayo na walang iwanan?
Ayoko mang isipin na tuluyan ka nang nawala
Masakit pa rin sa akin na parang tagos ng bala

Masakit mang isipin na ako'y pinagpalit
Ayokong mangingibabaw ang aking galit
Kaya kayo, pumili kayo ng maaasahang kaibigan
Yung tipong hindi kayo makakalimutan kailanman.


Ang Nakalimot na Kaibigan

by: @abichan
2/4/2018

fff.jpg
Image Source


FOLLOW | UPVOTE | RESTEEM

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Meaningful poem Sir! Its hard to find those kind of friends nowadys. So we should treasure those who stay with us no matter what.

Nice GIF by the way 😊

You mean Maam? Haha. Yeah we should treasure those who stayed and remained loyal. Thanks for appreciating my poem! Keep steeming ;)