"TAGA-ILOG"

in poetry •  7 years ago  (edited)

1-5.jpgFor those poets out there, hope you like this.

This Filipino Poem was my piece when I joined a contest on my elementary days way back year 1999 and until now, amazingly it's still on my memory.

Sa kanyang pagging makata, ako'y humanga
Tula na tungkol sa wika ang kanyang ginawa
lalim ng salita sa bawat parirala
dito sa gawa niya ako'y namangha

Check this out!
A poem by Ildefonso Santos

TAGA ILOG

Nasaan ang dating matulaing ilog?
Na pinagbuhatanng wikang Tagalog
Narito! buhay pa at may isang bantayog
Sa lahat ng bawat pusong umiirog

Buhay pa ang wikang likas na larawan
Ng ilog ng ating kanunu-nunuan
Umaaliw-iw pa at nangungundiman
Ang dakilang agos sa puso ng bayan

At kung sakali mang ang ilog ng wika
ay magka sanga-sanga sa maraming dila
Ikaw ay Ilokano, siya ay Bisaya
Ako nama'y Tagalog ngunit magkadiwa

Kung gayo'y halina at muling lumayag
sa iisang agos ng ating pangarap
sa bangkang pag asa't gaod na panulat
magkaisa tayo sa wika't watawat

airiesbrielle.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!