" Alaga " - a Filipino Poetry

in poetry •  7 years ago  (edited)

VID20180526120607_0908.jpg

Hindi ako nag-iisa kapag kasama kita.
Hindi mo ako kayang saktan gaya ng ginawa nila.
Tama nga siguro na piliin ka sa oras na ako'y nag iisa.
Tama na bigyan din kita ng kalinga gaya ng iyong pag kahalina.

Hindi ako ang diyos mo.
Ako'y isang nilalang din sa mundo.
Na nilalalang Lang ng kung sino.
Pero sayo ako'y superhero mo.

Ikaw ang no. 1 fan ko sa lahat ng bagay.
Ikaw Ang nakikinig sa problema ko sa lahat ng oras.
Hindi ka man nkakapag salita ng aming wika, alam kong taimtim kang nakikinig at nakikisalimuha.

Kahit anong gawin sayo'y magaling.
Kahit anong ihain ika'y kakain.
Tiwala mo'y walang katumbas,
Pag Ibig mo'y walang kupas.

Oras man na ako'y apihin,
Sila'y iyong Kakantiin.
Walang takot na hindi kayang harapin,
Sa oras na alanganin.
Hindi mo ako kinakahiya.
Hindi mo ako itinatanggi.
Kahit sino man ang makakita sa ating dalawa na magkasama, ikaw ay palaging masaya.
Ang pagmamahal mo sa akin ay walang katumbas at walang kapantay,
mahal din kita o ang aking bantay.


"Alaga"
Written by Anthony Barba
06/01/18

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!