Gandang Taglay ng Kalikasan, Nakakabighani Pagmasdan

in poetry •  7 years ago 

6C1E69F5-6D2B-4DE0-AD71-E4F787E2371A.jpeg

                           Ang kagandahan ng kalikasan, ay sadyang napakagandang pagmasdan, hindi bat kapag tayo ay umaakyat ng bundok (mountain hiking), naglilibot ng mga isla (island hopping) isa sa mga makikita sa paligid natin ang kalikasan? Karamihan sa mga ito ay tila napakaganda at kay sarap balik- balikan. Mga lugar na biniyayan ng kagandahan at kanilang pinapangalagaan para ito ay masaksihan pa nating mga mamamayan. 

                         Kagaya na lamang ng nasa letrato na ito, nasisikatan ng araw ang mga puno na kay tatayog, 

Kaya ang mga punong ito, nagbubunga rin ng kay ganda. Sa ilalim ng matitibay na puno, may mga damo na berde at masisigla din ang mga kulay, ang kanilang mga dahon? Buhay na buhay! Hindi bat kayganda pagmasdan? Mga mayayabong at makukulay na halaman at puno, para ating pagmasdan, at tulungan na pangalagaan, para mga susunod na henerasyon, kanila pa itong pagmasdan at siya rin nilang pangangalagaan.

           Sa ibaba ng mga puno, may tubig dagat na hindi naman ganoon kaalat, may mga puno at halaman din na tumutubo dito, at aking napapansin,  sa tubig na ito, may lumalangoy na mga maliliit na isda! Silay nagsisilanguyan, malapit sa dalampasigan, kay bibilis lumangoy ng mga isda na ito, sa ilalim ng tubig dagat na kay linaw lumalangoy ito. 

              Kay linaw ng tubig dagat! Kahit ito ay maalat, kitang kita ang mga buhangin, na nasa ilalim ng dagat sa una palang na tingin. Ang kagandahan ng kalikasan, ating pangalagaan at ating papahalagahan. 

Maraming salamat sa pagbabasa!

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!