AKDANG TULA PARA SA MADLA#2 - AMBISYON KOY EDUKASYON

in poetry •  7 years ago  (edited)



source


Malinaw pa sa aking gunita ng akoy munti pang bata
Dala-dala ko'y libro na ang sisidlan ay sako
Sa buhay may salat ay walang alinlangan
Tatahakin ang pangarap sa kabila man ng hirap

Tuloy ang lakad sa araw may bilad
Paa ay paltos pagkat walang sapatos
Dama man ang hirap matayog naman ang pangarap
Mag aaral ng husto ng matupad yaring gusto

Nais kong magtapos upang malubos
Yaring kaligayahan na pinaghirapan
Pagkat edukasyon ay aking ambisyon
Makamtan ang pangarap para sa hinaharap

Dukha man at salat sa buhay
Itong lahat namay sa bayan ay alay
Di mabibigo at di rin naman maglalaho
Yaring pag asa na sa puso ay dala

Kayat hahayot tutuparin
Pangarap aking susundin
Pagsisikapan at kakamtin
Yaring edukasyon na aking ambisyon.





MARAMING SALAMAT PO !!!






Related Post;
Magbalik ka aking sinta





UPVOTE***FOLLOW***RESTEEM



Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond