“TITA” ang aking tawag sa isang taong aking dinadakila,
Isang taon na saken ay mag iisa at walang kapantay.
Isang taong kay busilak ng puso at walang kapantay,
Talaga namang binabahagi ay ibabahagi pangkusa.
Ang kaluluwa ng pag-ibig ay ginawa ngang dalisay,
Higit sa anu pa mang bagay ang kanyang ibinigay.
Na sa aking mga paningin sya ay lubos na natatagi,
Nagsisibling mga paa sa aking mundong nababali.
Aking namamasdan katalinuhan sa bawat araw-araw,
Kanyang kabaitan talaga namang walang sasaklaw.
Kahit na sa singlibong bagay walang kahit anu man,
Dudang kailaman hindi magawang mapagisipan.
Sa aking puso’t isip ay nakatatak mga pangaral,
At sa mga kaalamang kanyang pinagsumikapan.
Ito’y aking pahahalagahan at bibigyan ng kabuluhan,
Upang iyong kapaguran ay masuklian ng lubusan.
Ang mga araw-araw na nasa iyong tahanan,
Aking pang-habang buhay na nasa puso’t isipan.
Sapagkat ang lahat ng ito’y sa aki’y kapayapaan,
Hindi makakamtan ang lahat na sa ngayo’y buhay.
Lahat ng yong sakripisyo sa buhay ipagpasalamat,
At ang walang hanggang pag-ibig sa kanya’y iaalay.
Sa mga araw at bukas pang aming masisilayan,
Pag-asa at pangarap ko sa puso’y malalagpasan.
Sa tayog ng kanyang tagumpay ako ay nandirito,
Patuloy na aalalay ay mag susumikap na mabuo.
Sinimulan nyang pangarap saken at sa buhay ko,
Sisiguraduhing hindi mabibigo at tiyak isasapuso ko,
Kahalagahan ng mga pangaral tiyak itatangi ko.
————————————————————————
Gusto ko lang ibahagi ang aking maikling tula para sa aking pinaka mabuting taong nakilala ko, sa aking tita, na nagbigay saken ng pag asa at makita ang kahulugan ng buhay. And thanks for her..
both of you looks same, beautiful. admiring good relationship with her. nice post.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you.. she’s only my family here in UAE for almost 5yrs.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit