MAGULANG, NOONG TAYO AY ISINILANG ( TULA )

in poetry •  7 years ago 

Nung tayo’y isinilang,

Walang kasing tuwa ng ating mga magulang,

Binihisan, inalagaan, iningatan at laging pinagmamasdan.

Pinalaki’t pinaaral, dinisiplina upang hindi lumaki sa layaw,

Di tulad ng ibang kabataang landas ay naging ligaw.

Walang kasing tamis pagmamahal na ibinigay,

Lahat ng pangangailangan kahit anumang bagay,

Mahirap mang punan tayo lamang ay maging matiwasay.

Sinisikap ang lahat upang tayo’y mabuhay.

O mga magulang, amin pong naramdaman,

Paghihirap ninyong sadyang walang katapusan.

Ibig po naming kayo ay pasasalamatan,

Kung hindi dahil sa inyo’y di namin alam kung kami ay nasaan.

Sources

@googleimages

Thank you and God bless.

UPVOTE

FOLLOW

RESTEEM

COMMENT

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

thanks bro.

nice

Magaling! @cutiekate