Filipino Poetry #5: Panalangin ng Isang Alipin

in poetry •  7 years ago 

Hindi ko ipinagbili ang aking kaluluwa.
Ikaw lamang ang aking Diyos.
Alam kong walang ibang maaring ialay sa iyo,
Kundi bukod-tanging debosyon.

Gayunma'y alam ko ring ikaw lamang,
Ang tanging kayang umunawa,
Sa akin ng lubos,
Yamang ikaw ang sa akin ay lumikha.

Ikaw lamang ang kayang bumasa,
Sa kalihim-lihimang dako ng aking puso.
At alam kong alam mo na ako ay umiibig,
Sa iyo ng tunay at nais kitang paglingkuran.

Sa iyo ang lahat ng bagay.
At wala akong maibibigay na hindi mo pag-aari.
Nagpapasalamat akong tanggapin mo,
Kung anuman ang aking maibibigay.

Ako ay saksi mo.
Nais kong palugdan ka.
Tulungan mo akong maging mabuting halimbawa.
Tulungan mo akong tulungan ang iba.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ganda nito sir! Follow kita mahilig din Ako gumawa ng mga Ganito sa blog ko, Sana maging kasing lawak mo ko Mag isip :)

A morning light,
When a jasmine accompanies quiet
I look longingly
I whispered to the wind,
I'm being strong-nostied ...

You write very beautiful.

ang tula ay medyo maganda