Filipino Poetry #7: Blanko

in poetry •  7 years ago 

Kapag ang blankong monitor,
Ay tila nangungutya.
Wala kang kakayahan,
Waring sinasabi nito.
Naubos na ang laman ng tanke,
Ng iyong pagkamalikhain.

Kapag ang puyat at pagod,
Ay inaasahan mo na.
Hindi ito pambihira,
Kundi araw-araw na kalagayan.
Kapag pinapatay mo ang gintong gansa,
Para makuha ang bukal ng ginintuang itlog.

Bakit nga ba ako nagkukumahog,
Na para bang ang kaligayahan ay matatamo,
Sa walang-saysay na paghahabol sa hangin?
Bakit ko ba laging nalilimot,
Ang mga simulaing aking pinaniniwalaan?
Mapanlinlang na mundo!

Marahil ay dahil naniniwala pa rin ako,
Na kaya kong itama ang mga pagkakamali.
Na kahit milya-milya na ang layo,
Ay kaya ko pa ring makahabol.
Maghahabol sa tambol mayor.
Kahit alam kong wala itong pag-asa.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow, isang napakagandang tula. Tunay ngang napakamalikhain ng mga pinoy. hehe

Magandang tula, mahal ko ang larawan.

Very good